Oh yeah, half day ako ngayon holiday. 2pm ang uwi ko kaya naman dumeretso ako sa gateway para magfamily day, minus dalawang kapatid.

Balak ko kase mag-avail ng lite 350 plan sa SUN. Yung may libreng celphone. Tapos 350 per month ang babayaran. Naka line na yung phone sa sun, tapos may free 200+ text to other networks every month.

Naghanap kami syempre ng SUN establishment sa Gateway. Wala. Lumabas kami. Pero bago lumabas, may nakita akong 3-4 year old na bata. Tumakbo paakyat sa pababang escalator. Ayun naplakda bago makaakyat.

To the rescu ang tatay. Lumapit, itinayo ang anak sabay malakas na palo sa pwet. Napa WOAH talaga ko. Pero may part two pa. Yung nanay na may kausap sa phone, tumakbo papalapit sa bata, habang nagcecelphone pa din sa tenga, sabay sinampal ang bata sa pisnge.

Talaga nga naman. No comment na lang.

Pumunta kame ng SM Cubao, Cyberzone. Nilibot paikot. Hinahanap kase namin yung nakita naming laptop na ASUS na 17k lang. Di namin mahanap, sarado pa mismo yung store ng ASUS.

Tinawagan ni daddy si kuya. Pinahanap sa internet kung saan may SUN CELLULAR establishment dito sa ARANETA…

Sa Alimall pala meron.

Ayun na nga at nag-apply kami. POOR SERVICE. Yun lang masasabi ko. Pagkatagal-tagal talaga. Yung isang lolo nga parang manghahampas na ng payong sa pagkainip. Yung isa namang manong eh 2:30 pa raw sya nandon. Anong oras na, 4:00 na.

Tapos yung nagaccomodate pa samin eh bugnutin, di marunong ngumite. Pano sya makakabenta non o pano nya i eeentertain ang customers? Distracting pa yung tutsang nya sa ilong. Ang haba abot lips.

Sa tagal-tagal ng inintay, ayun naman at approved na at activated na ang bago kong sim! Oh yeah. Ang libreng phone eh yung SAMSUNG CHAMP. Di ko pa sigurado kung si mommy o daddy ang gagamit. Nakakaaliw lang kase may stylus. Yung parang ballpen na tinutusok tusok sa screen. Mukhang susyalin lang.

Pagkatapos dito sa POOR SERVICE na SUN CELLULAR establishment dito sa ALIMALL, ARANETA, dumeretso kami sa TED’s BATCHOY. Syempre treat ko, syempre di ko na sasabihin kung baket. Hohoho.

Umorder kami ng tig-iisang Batchoy. Yung may isaw daw na toppings. Di ko tinikman, takot ako. Pinarte ko kela mommy at daddy. Pati yung mga balumbalunan binigay ko rin sa kanila. Sulit naman dahil sa 88 pesos bawat isa eh ang sarap-sarap naman talaga. Pero halata ata nila na mas gusto ko dun sa katabi… sa KFC. Di daw ako sanay kumain sa pinoy resto.

Weh

Pero ayun. Hanggang ngayon gabi nga, di pa ko nagdidinner. Ang bigat pala sa tyan netong Batchoy ni Ted. Sulit na sulit nga ang 88 pesos para mabusog ng buong araw.

Pagkatapos nitong kainan eh derecho kami sa SHOPWISE. Yung supermarket.
Kelangan kami maka abot ng 2000 pesos para maging libre ang parking namin dito sa SHOPWISE. Dahil magagaling kami tumansta at magaling kaming magmental math, umabot ang bill namin ng 3300 pesos. Ang husay.

Pero for a year na yung nabili namin. LELS. Basta sapat na para mabuhay.

Excited na ko mag conference-call. Unlimited SUN na ko eh. Yahoo!!!

Confe tayo mamaya!

Teka nabanggit ko bang Araw ng Kagitingan ngayon, at Holiday?

About jason

walang clue. nak ng

10 responses »

  1. lababo ay nagsabing:

    Base! Punongkahoy! Alam ko kung bat nanlibre ka.

  2. kamila ay nagsabing:

    naisip ko na baka birthday mo kaya nanlibre ka at anik anik.. hehehe pero imbyerna sa batang nadapa na nga pinalo pa at sa tutsang (inisip ko pa kung ano nga ba ang tutsang)

  3. Pong ay nagsabing:

    child abuse yun ahhh,

    ikaw na ang unli sa Sun!
    Siguro wala lang sa mood yung sa CS ng Sun Cell Shop.
    Mabuhay!

  4. Vajarl ay nagsabing:

    Base!

  5. coolwaterworks ay nagsabing:

    Ang sosyal ng kwento… hehhehe…

    Pero parang di nagustuhan yung ginawa sa bata… Nainis ako… Ayaw na ayaw ko kasing nakakakita ng batang sinasaktan…

  6. salbehe ay nagsabing:

    Sulit nga sa Sun, Sun poreber. Sa SM Nova, poor din ang service ng Sun, pero panalo sa Trinoma. Dun ka na lang sana nag-apply. =)

    Syet! Ang tagal tagal tagal ko nang niyayaya si Vajee kumain sa Ted’s Batchoy! Ingget me much!

  7. jee ay nagsabing:

    first time dito…

    wawa yung bata…

  8. myfilthyroom ay nagsabing:

    natuwa ako sa “LELS”.. haha talagang inisip ko pa kung ano meaning nun.. bobo much.. haha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s