Sa isang dalampasigan napadpad ang dalawang dikya para sa kanilang ikapitong anibersaryo ng kasal. Dito nila isinagawa ang kanilang pagpupulot-gata.

Halinhing dito, halinhing doon. Patunay lang na silang dalawa ay tunay na nagmamahalan.

Alingawngaw mula sa dalawang dikya ang nananaig sa buong dalampasigan kasabay ng pag-alon ng tubig.

Maya-maya …

Nasobrahan sa pwersa ang lalaking dikya na ang tanging adhika lamang ay magpakarami, at sya namang paglabas ng likidong tulad ng pulot-pukyutan.

Isang hugot pabalik ang kanyang ginawa ngunit napakalakas ng presyon, tumalsik sa malayo ang dikya na nangangalumata.

Sa kasamaang palad, sumakto ang dikya sa kuyukot ng isang oso habang ito ay dumudumi sa kakahuyan. Ang dikya ay nanikit ng pagkahigpit-higpit habang ang oso’y namimilipit.

Nagsilabasan ang mga oso mula sa yungib at nakita ang sitwasyon  ng Osong nabibilang sa pamilya ng mga maharlika. Lalong ninerbyos ang dikya.

Tumawag ng banal na unggoy ang mga oso para gawan ng paraan ang disgrasya. Sinumulan ang ritwal sa pamamagitan ng dasal: Luwalhati sa Ama, sa anak, at sa espiritu santo, amen.

Walang nangyari. Naghanap sila ng mananganggal at una nilang naisip ay ang malamyang hipuputamus.

Nagtawanan ang karamihan dahil ang hipuputamus sa kakakahuyan daw ay manananggal lamang ng lakas, hindi ng dikyang nakadikit sa oso.

Marami na silang ginawang paraan.

Ipinakalmot sa tigre, ipinawasiwas sa elepante, at ipinahimod pa sa malanding bayawak.

Ang oso ay nakaramdam na ng lugami na tila wala ng natitirang pag-asa.  Hindi dapat nangyari sa kanya ito kung hindi sya dumumi sa labas ng yungib.

Nabasag ang katahimikan dahil sa panibugho ng isang oso na nais din magtaglay ng dikya sa kuyukot. Tinamaan ng pagkainggit.

Hanggang sa nagsunuran na ang lahat sa pagnanais makamit ang ganoong estado. Lahat gustong maging bida.

Nagkagulo. Mayroong tadyakan, uluhan, balyahan, hatakan ng bangs, hanggang sa may isang nakapaghiwalay ng dikya sa kuyukot ng oso.

Biglang tumigil ang paligid at tumahimik. Nagkatinginan ang lahat. Natanggal na ang dikya ngunit nag-iwan ito ng peklat.

Nagkaroon ng masigabong pag-iingay at ang osong nakatanggal ng dikya ay  idinikit naman ito sa sariling kuyukot.

Itinaas niya ang dalawang kamay na para bang sya ang kampyon.

Kawawang Dikya.

About jason

walang clue. nak ng

48 responses »

  1. Vajarl ay nagsabing:

    Palagi nalang niaapi si Dikya. Nasuksuk sa pwet di makatarungan.😦

  2. Vajarl ay nagsabing:

    PUKI KA NAK KUNG MAKA LINK TO BWAHAHAHAHAHAHA

  3. arnie ay nagsabing:

    kawawang DIKYA naunsyami ang pagpapakarami…. :))

  4. Bino Montilijao Bautista ay nagsabing:

    hehehehe! natuwa ako sa kwento. napacreative at nagamit ang lahat ng salita. magaling! mahusay! mainam!

  5. bulakbolero ay nagsabing:

    wahaha. dami kong tawa dito jeson.

    1. may promotion ang bawat sinalungihitan na salita. ikaw na! lol.
    2. kakaibang pabula ito, maypagka halay. pwede pampagising ng mga bata pag inaantok. haha.
    3. hanga ako sa pag gawa mo ng storya. kakaiba.

  6. I am ME! ay nagsabing:

    Ang galing!! Napakahusay ng pakukwento. Swabeng-swabe. Aylavet!

  7. MD ay nagsabing:

    hahahaha… langya na yan.. nagkagulo ang mga sangkahayupan dahil sa tumilansik na libido ng dikya mula sa karagatan patungong kakahuyan. nice one. hehe

  8. Pong ay nagsabing:

    wahhhhhhhhhhhhhhhhh si dikya na lang parati. kaya parating inaabangan ni kuya vaj kung ano ang role ni dikya sa KM2 hahahahaha

    clap, clap, clap,
    siya ba yung Oso dun sa bear brand? Lels!

    ikaw na!
    be blessed po!

  9. jay ay nagsabing:

    talanding dikya kasinq yan.grabe naman kung makatalsik…kawawang oso…
    ayos ito jeson,natawa me ha,at kung makapromote ha?lels

  10. Joyo Marin ay nagsabing:

    …ibang level ang pwersa humahagis ang kapartner!

  11. god-damn-cat ay nagsabing:

    to the nth level ang pagkatalsik ng dikya haha! kawawang oso.

  12. khanto ay nagsabing:

    like ko ang wento mo. ahahaah. nagkainggitan dahil sa dikyang tumalsik. aahaha😀

  13. duking ay nagsabing:

    ahahaha!!!

    sobrang kawawa ni dikya. at talagang mahilig maki-uso ang mga oso kahit malaswa at kakatwa ang makitang ay dikya sila sa kuyukot.

    ang galing nito. kung di ka mananalo,jeson, kailangang bigyan ka ni jkul ng espesyal na premyo sa paglitaw ng malikhain mong pag gamit ng mga salita sa pabulang ito.

    paging jkul!

  14. EssaPayoyo ay nagsabing:

    pwede, papa jason😀 tnt
    di ko ma-imagine na may ganitong mga kwentong malilikha mula sa bangag na utak ni jakul😀
    mahusay, aym sow prawd op yu!

    pangkwento sa mga anak niyo ni mahabeybe?

  15. -=cuteberl=- ay nagsabing:

    Ibang tema naman ito. Comedy sa english. Walang katulad ang utak mong sobrang malawak. Panalo sa akin yung Malanding bayawak.. Pati pala sila naglalandi na din… Tapos kawawang dikya di kasi marunong magshoot ayan napunta sa oso…. Ayos pinasaya ako ng akda mo bago ako matulog at magpahinga. Itong lungga mo ang huling lungga kong dadalawin sa araw na ito. Congrats bunso…

  16. palomah ay nagsabing:

    sa wakas nakadaan din sa bahay mo… kakaiba ang iyong akda! ikaw na!

  17. aninipot ay nagsabing:

    hahaha. bumalik na ang makulet na kwento ng little hamster.

    dapat nga may award ka.. susuporta ako sa sinabi ni kuya duking..hahaha

  18. J. Kulisap ay nagsabing:

    Maraming salamat po sa pakikilahok sa Kamalayang Malaya 2.

    Ito po ay Kalahok Bilang 25

    25 KM2: SA PILING NG MGA OSO
    Jasonhamster Quezon City

  19. ELIment ay nagsabing:

    ayon.ngayon ko lang napuntahan ang lahok mo jason.
    at medyo binisita ko rin ang diksiyonaryo ko dahil di ko maintindihan yong ilan sa 16 na salita.

  20. iya_khin ay nagsabing:

    kawawang dikya…ang daming masasalpukan sa wetpaks pa! hahaha

  21. As usual, Jason, nakakatawa na naman. Astig na gumamit ka ng mga salitang Tagalog. Naintindihan kaya ng lahat? Dahil dun siguro kaya nakiclick yung link. Hahaha! Good job!

  22. john tugano ay nagsabing:

    hahaha funny..

  23. Akoni ay nagsabing:

    hahahaha…pwedi to gawin textbook..hehe Score card: ** ** **

  24. Diamond r ay nagsabing:

    nagbigay ng puntos

  25. taga-bundok ay nagsabing:

    Hamsterdam bunso!!!! Tagal ko ring di nagawi dito ah. Haha! Kawawa namang dikya, parang sa American Pie (?) lang na movie. LOL

  26. J. Kulisap ay nagsabing:

    Sapat na ba kung ibabalita ko sayo na humagalpak ng tawa ang mga binibini dito sa iyong akda?

    Ang likot ng isip mo.

    Ngamusta?

    Bilang nasa Top 10, congratulations naman.🙂

  27. gilbert ay nagsabing:

    tank you maraming salamat

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s