Isang araw sa may kakahuyan, nakaisip ang mag-inang mammoth na gumimik.

Hindi gimik na magliliwaliw… Gimik na panloloko.

Inayusan ng Mammoth na ina ang kanyang anak  sa itsurang may sakit.

Sinimulan nilang mag-ikot-ikot sa kakahuyan.

Napadpad sila sa may bandang tubigan.

Una nilang nakita ay si Palaka.

MAMMOTH NA INA: Magandang araw kaibigang palaka. Hihingi lang sana ko sayo ng tulong. May sakit kasi ang anak ko. Di ko na alam ang gagawin ko… Maawa ka naman.

PALAKA: Ganoon ba? O heto ang isang kilong bangaw na nahuli ko. Isang buwan ko ding pinaghirapan yan. Pwede nyong ibenta yan sa halagang Isang daang ginto sa mga diwata. Sana ay mapagaling mo ang iyong anak.

MAMMOTH NA INA: Maraming salamat Palaka. Oh anong sasabihin mo anak sa mabait na Palaka?

MAMMOTH NA BATA: Maraming… Salama….t po… sa inyo… (ubo… ubo… ubo…)

PALAKA: Sana’y gumaling ka na munting mammoth. Kokak! Kokak!
At naglakad-lakad na ang mag-inang Mammoth papalayo sa Palaka.

Bitbit ng Mammoth na Ina ang isang bag na puno ng bangaw sa kanyang likuran.

MAMMOTH NA INA:  Mabebenta natin tong mga bangaw sa halagang 100 ginto! Huwaw! Makakabili na ko ng gown.

MAMMOTH NA BATA: Gown? Makikipagdate ka na naman? Lalande ka na naman mama? Pano naman ako?

MAMMOTH NA INA: Ahihihi wag ka nga magulo anak, teka ayun si Punongkahoy.

MAMMOTH NA INA: Mawalang galang na po Punong kahoy. (Ubo… ubo… ubo.) Hihingi lang po sana ako ng kaunting tulong… (ubo.. ubo… ubo…)

PUNONGKAHOY: Huhulaan ko, maysakit ka? At kailangan mo ng pampagamot?

MAMMOTH NA INA: Nagkakamali po kayo, maginaw lang po, ang anak ko po ang may sakit. Tignan nyo po siya… (ubo.. ubo… ubo..)

PUNONGKAHOY: Kawawa naman pala ang anak mo. Mukhang nanghihina, at di pa kumakain… Sige eto, bibigyan ko kayo ng 200 ginto. Pagkasyahin mo na yan ha. Bilhan mo rin sya ng mabisang gamot.

MAMMOTH NA INA: Maraming maraming salamat po sa inyo Punongkahoy.

Naglakad lakad na ulet ang mag-inang Mammoth. Ipinabitbit ba naman sa  Mammoth na anak ang bag ng mga ginto.

MAMMOTH NA INA: O ayan, 200 ginto. Ano ba ang gusto mo anak? (ubo..ubo.. ubo…) Ang ginaw talaga.

MAMMOTH NA ANAK: Gusto ko po ng PSP. Mga lima. Para sa mga friends ko.

MAMMOTH NA INA: Ang dami naman non. Ipangkain na lang naten sa five-star gotohan ni Kawayan.

MAMMOTH NA ANAK: Owkey mama.

Kumain muna ang mag-ina sa five-star gotohan ni Kawayan…

Naglakad-lakad ulet ang mag-inang Mammoth. Hindi pa nakuntento sa mga nakuha. Namataan naman nila si Unggoy na nakasabit sa puno.

MAMMOTH NA INA: Magandang araw sa iyo kaibigang unggoy na kyut…

UNGGOY: Uy Mammoth na ina kumusta, sumeseksi ka ah. anong aten?

MAMMOTH NA INA: Di naman… (ubo.. ubo.. ubo…) Gusto ko lang sanang humingi ng tulong pampinansyal… May sakit na malubha kasi ang aking anak… (ubo.. ubo…)

UNGGOY: Ay ganun ba? eto ang 500 ginto. Medyo bonus kasi trabaho. Hu-hu-ha-ha-ha!!!

MAMMOTH NA INA: Aba! Maraming salamat sa iyo kaibigang Unggoy!!! Huwaw!

Umuwi na ang mag-inang Mammoth ng masaya, at nagbibilang ng mga ginto.

Lumipas ang mga araw, gastos ng gastos ang mag-inang mammoth para sa kanilang mga luho…

MAMMOTH NA INA: Anak, anak, anak!!! Bagay ba sa akin tong gown? (ubo.. ubo.. ubo…)

Bumili ng gown, appliances, mga alahas, at iba pa ang Mammoth na ina. 

MAMMOTH NA ANAK: Oo naman mama! Teka baka madeds ako sa nilalaro ko. Ayan na! Ayan na! Mananalo na ko! Kakaadik much!!! Lelelelelelels!!!!

Di mapigil sa kakalaro ng PSP ang Mammoth na anak.

MAMMOTH NA INA: Ang daling kumita ng pera ano?

Maya-maya lamang…

Nagulat ang mag-inang Mammoth ng biglang may nagsidatingan…

PALAKA: Sabi ko na nga ba! Mapagpanggap!!! Pinaniwala mo ako Mammoth Na Ina Ka!!! Ibalik mo ang mga bangaw ko! Huhuhuhu

PUNONGKAHOY: Tama nga ang impormasyong nakuha namen! Ginagamet mo lang ang anak mo para makakuha ng ginto!!! Pinaghirapan ko yung mga ginto na yun eh. Pano na? Huhuhuhuhu

UNGGOY: Sinayang mo ang pagkaawa ko sa anak mo! Ibalik mo ang awa ko! Pati ang mga ginto ko pala! Ayokong magalit sayo, pero nakakalungkot talaga ang ginawa mo Mammoth…

MAMMOTH NA INA: Sandali lang lemme explain!!! Magpapaliwanag me much!!!

MAMMOTH NA ANAK: Mama? Anong gagawen naten? Wahhhhhhh!!!

Dali-daliang kinuha nila Palaka, Punongkahoy, at  Unggoy ang mga gamit ng mag-inang mammoth.

Hinubaran ng gown,

Inagaw ang psp,

At hinakot lahat lahat ng kanilang gamit.

Kahit mga sariling gamit nila ay kinuha para mabayaran ang perwisyong ginawa nila. At ang mas nakakalungkot pa ay hindi lang pala sila Palaka, Punongkahoy at Unggoy ang nabiktima.

Marami na rin pala.

MAMMOTH NA INA: Sandali!!! Sandali!!! (Ubo.. ubo… ubo…)

MAMMOTH NA INA: (Ubo.. ubo.. ubo..)

Biglang may tumalsik na dugo sa sahig. Mukhang may malubhang sakit ang Mammoth na ina. May sakit na pala ang mammoth na ina, kaya pala sya ubo ng ubo kanina. Binalewala nya lang ang kanyang pag-ubo at inuna pang pagkagastusan ang kanyang mga luho.

MAMMOTH NA ANAK: Sandali lang!!! Tulungan nyo po kame… May dugo sa ubo ni mama!!!

MAMMOTH NA INA: (Ubo… ubo… ubo…) (May dugo pa din…)

PALAKA: Wehhhhh???

PUNONGKAHOY: Di nga??? Di pa ba kayo nadadala at ayan na naman kayo?

UNGGOY: Gimik much? lels


About jason

walang clue. nak ng

70 responses »

  1. shea ay nagsabing:

    aw. bebeys sana ako, may nauna na pala. hehe

  2. Vajarl ay nagsabing:

    ANG BIDA SA STORY NA TO AY…

    ANG PSP!!!

    Bwakananshet na PSP yan di ako maka get over! Pwedeng pumasa as nunal, eraser, cpu, kahit nga kotse pwede mapagkamalan yan! Hahahahahahaha.

  3. Vajarl ay nagsabing:

    Nak, kilala ko yang punong kahoy. Bwahihihihi.

  4. jay ay nagsabing:

    awww ahahaha ang kyut nito eh..super layk….

    awww si mommy mamoth…parang kilala ko sya ahahaha..

  5. Vajarl ay nagsabing:

    Sa huli lagyan mo ng:

    BATO BATO SA LANGIT ANG TAMAAN… MAMMOTH.

  6. katrinadanieles ay nagsabing:

    kaw na ang magaling mag-draw at magpinta.🙂 marami akong kilalang ganyan na mammoth, hay naku. O.o

    gandang araw poke buddy! hahah

  7. jason ay nagsabing:

    uy kat, pokebuddy!!! hahahahha

    onga marami sila talaga. nakakalungkot lang ano? hehe

    gandang gabi na eh!😀

  8. Bino Montilijao Bautista ay nagsabing:

    ayun! panggap much to the maximum level! kaya kahit totoo na, ayaw ng paniwalaan hahahahaha

  9. arnie ay nagsabing:

    ay panalo sa gown pero parang magkahawig lang ang unggoy at mammoth…hahaha

  10. meliza catedral ay nagsabing:

    hi bunso.. padaan.. ang tagal di me nkadaan dito..heheh..ang ganda ng kwento..sosyal ang mamoth nkkabili cla ng psp at gown samantalang ako hindi…lol.. ayos pa ang language.. ganda much ang aral..heheheheh

  11. Jhiegzh ay nagsabing:

    Amazed tlga ako sa paint mo Jez, hanep! Cartoonist ka ba in real world? Anyway about sa story, akoy nakapulot ng aral, kasi ako’y natamaan. JOKE!!! Two thumbs up, super trendy ng mga characters…

    • jason ay nagsabing:

      ahahah mspaint skills talaga pareng jhiegzh? thanks!!! yes thank you naman kasi may napulot kang aral. layunin ko rin talagang makapagshare ng thoughts and moral lesson lalo na these days, maraming tulad ni mammoth. lels

  12. Bino ay nagsabing:

    at isa pa, may hawig tong kwento sa tunay na buhay eh. di ko lang maalala. meron talaga pramiss! wahahahaha

  13. madz ay nagsabing:

    Tnt

    ang ganda ng drawing ! yung lang :p

  14. delfin ay nagsabing:

    wow. nice job mr hamster!! go for the gold.

    my kamukha ung unggoy, lalong lalo na sa parteng pisngi.

    note:

    ang babasahing ito ay ngyari sa totoong buhay at ngyayari pa rin ngaun, guys be well informed, me pakalat kalat na matabang babae na hindi ko na babanggitin ang pangalan na hobby na ang mangutang! she’ will present herself with lots of problem with all the paawa effect but seriously her intentions is MANGUTANG LANG.

    hahah

    all in all,
    nice story jason and the remarkable drawing. clap!🙂

    • jason ay nagsabing:

      uy delfin kumusta ka na! lels

      salamat pala sa pagbisita at sa mga paalala kung sino kaman sana’y marami nga ang makakuha ng nais iparating nitong post na to. simpleng aral lang naman ang laman nito.

      maraming salamat at nagustuhan mo. balik ka dito. mga bukas. lels

  15. BON ay nagsabing:

    hahays!!! ang mamoth bat ganun.. ang babait pa naman ng mga nasa paligid nya! sana hindi nalang nila inabuso.. sayang ang tiwala ng mga kaibigan.. =(

    wag na kasing mag GOWN, at magliwaliw kung saan saan, gimik, happening, etc! mas atupagin ang pag sisikap para mas maging handa sa mga darating na pasgsubok lalo sa pang pinansyal.

    hahaha. habang nag cocoment ako ka chat ko si jason kase yung kwento parang kwento lang ni Bino, eto eh children story na may malalim na kahulugan nyahahaha!

    TARAGIS!!

    • jason ay nagsabing:

      huy bonbon kelangan icomment mo dito ang convo naten sa ym. taragis ka. bwahahahahha
      tama sinabi mo, kesa kung anu-anung shit ang atupagin, baket di na lang magpursige.

      nakakalungkot lang talaga ang story ni mammoth.

  16. foobarph ay nagsabing:

    another epic story from jason! astig! nakakawala ng pagod! wapaaak!

  17. bulakbolero ay nagsabing:

    hangga ako sa iyo jeson sa madaming aspeto.

  18. khanto ay nagsabing:

    parang katulad sa post ni bino at tweets. Pero clueless ako pero parang nakakaamoy na ako pero syempre, no hard evidence kaya di ko masabi.

    Kakasad lang ang storya. trust is lost.

    Husay mo talaga magdrowing hamster.😀

    • jason ay nagsabing:

      aba aba kuya gelo😛 ahahaha ayun na po yun. ihabi habi mo na lang po.

      pero nakakasad nga po talaga… nakakahinayang at the same time..

      thanks nagustuhan mo mga drawing ko😀

  19. Davin ay nagsabing:

    tabs! namiss kong magbasa ng ganito… hehehe…
    pagkatapos ko magbasa napakanta ko ng tsokolate ng parokya. hehehe…

    Di ba’t sinabi mo sa kin dati na
    Mahirap kumain ng tsokolateng
    Natunaw at parang wala nang korte
    Kadiri nang kainin, mukha ng tae
    Ewan ko ba kung bakit
    Mahirap ibalik
    Sa original na hugis
    Pag nalusaw na sa init.
    Parang tiwala pag nasira na
    Mahirap nang ayusin pa
    Di kayang ipagdikit ang tiwala
    Pag napunit!

    magandang umaga!🙂

  20. LordCM ay nagsabing:

    Bihira ako dito, pero nung mabasa ko ung title sabi ko kailangan kong basahin. kaya eto, andito ako😀

    ang ganda nga ng kwento, pero kung may pinaghugutan man to, at nagkataong tutuo, sana man lang nag-isip muna ung inang mammoth bago nya ginawa yun, sigurado kasing mas masakit ang balik nito sa kanya…

    • jason ay nagsabing:

      thanks sa pagdalawa lordcm! thanks nagustuhan mo po

      kaya nga di na naisip ni mammoth ang mga taong naperwisyo nya. paano nya maibabalika ng mga pera? lalo na sa lahat… ang tiwala.

  21. a solemn punch ay nagsabing:

    Hala! Bakit isa lang ang mata ni punongkahoy? Ang galing ng thermometer sakto sa trunk ni Mammoth na Bata. Galinggaling. Madaming aral na makukuha. Nalaman ko na mammoth man ay nagkaka TB din.

  22. Tsiremo ay nagsabing:

    Mahirap yan pag nangyare sa totoong buhay!!! (ubo..ubo..ubo) Haha! Intresting much ha! whakhakhak!

  23. kaye ay nagsabing:

    si mommy mammoth kasi, imbes na ipanggamot, e pinambili pa ng Gown para sa EB, at pinampyesta na rin siguro. bwahahahaha! san ba kasi nagliliwaliw.

    iisa lang ba ang anak ni mommy mammoth? hindi ba tatlo, at bukod dun sa me sakit sakitan, e may nawawala pa at kinidnap ng nakagalit na daddy mammoth habang siya ay nakikipag EB at pyestahan sa kabilang ibayo? nagsasuggest lang naman. bwahahaha!

  24. J. Kulisap ay nagsabing:

    Ganda ng drawing mo. Parang totoo ang drawing.
    🙂

  25. Joyo ay nagsabing:

    …ginagawang sangkalan ang ank… tsk! sana lang hindi talaga totoong magkasakit dahil kung nagkataon wala na siyang malalapitan.

  26. gnehpalle02 ay nagsabing:

    sayang ang tiwala at pagkakataon na binigay kay mama mammoth.
    sabi nga nila na baka pagtotoo na wala ng maniwala. tsksk…

  27. Xander ay nagsabing:

    ang hastig naman ng mammoth.. hahah.. umaarte much.. haha.. kaya ayan.. weee…kasi naman ehh…

  28. Chad ay nagsabing:

    Jason, naku, nakakatuwa naman to. Hehehe! Bisita ka rin sa bago kong blog. Patay na yung The Coffeeholic eh. Me bago din akong kwento! ^_^

  29. yahjme05 ay nagsabing:

    baka may TB na si mammoth na ina magpacheck up na siya sa clinic na pinagduduythan ko ..wehehhe. sayang ung PSP sana nakahingi ako ng isa..lolz…nice one .

  30. mtoni ay nagsabing:

    nagbasa lang bunso….
    lalo ng mga komento kase, don ako kumukuha ng kloo.

    me pagkakataon pa magbago si mammoth na ina kung talagang gugustuhin nya.
    at sana ngaun palang maisip nya na wag madamay ang mga anak nya kung anuman ang balik sa mga masamang ginawa nya.

  31. yhen ay nagsabing:

    ngayon na lang uli ako nkadalaw dito… ngaun ko maxxb na walang kupas ang galing mo sa pagsulat ng kwento at pag guhit dito…🙂

  32. myfilthyroom ay nagsabing:

    ang cute cute ni palaka, muka syang lettuce.. hehe

  33. jex009 ay nagsabing:

    kapag bumibisita ako sa site na to para akong bumabalik sa pagkabata ko.. hehehe…

    ang ganda ng kuwento may aral sa mga bata para sa mga matatanda…
    😀

  34. Dick Panugalinog ay nagsabing:

    Hi Jason,

    Ang tagal ko rin nawala. Mabuti at nahanap ko ulit ang iyong blog. At wala ka pa ring kupas..🙂

    Apir!

    XOXO,
    Dick E

  35. timangkey ay nagsabing:

    me mga ganito pala? tsismax?hahaha bakit wala ako alam sa mga ganyan? hehehe

  36. The Gasoline Dude ay nagsabing:

    Heto pala ‘yung kuwento ng mag-inang mammoth. Hindi ba sila humingi ng tawad sa mga naloko niya? Bitin ang kuwento.

  37. noehven salmeron ay nagsabing:

    ang gandang pagkagawa…may moral lesson na matutunan

  38. Jay ay nagsabing:

    Naks ayos pagka gawa, pwd pang educational values. Dami moral values! Comment lng! Hehehe

  39. Louie Mar Murro ay nagsabing:

    Ang ganda ng storya. Kung meron kang kunin sa iba kusang baalik pa rin sa kanila.

  40. Primo-Jetro ay nagsabing:

    pwde po b malaman kun ano reaksyon nio sa kwento n to,. slamat po

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s