Isang araw sa ilalim ng karagatan ay may isang bochog na isda. Sya si Bocha. Mahilig sya maglaro, magliwaliw, at sya ay maloko.

Kaarawan ngayon ni Bocha at may natanggap syang padalang regalo mula sa tatay nyang sumakabilang bahay. Isa itong flashlight.

Sa labis na pagkatuwa ay agad syang gumala dala-dala ang kanyang flashlight. Inilawan ang lahat ng kanyang makita sa paligid. Kitang-kita sa kanyang mukha ang pagkasabik. Pinuntahan nya ang iba pang lamang-dagat para ipagmayabang ang flashlight.

Bocha: Panish naman kayo sa bago kong laruan. Flashlight to. O diba ang ganda ganda! Teka nga at bubuksan ko. Ayan!!! Laro tayo pulis-pulisan. Ako ang Pulis, ifaflashlight ko kayo kase mga magnanakaw kayo kunyaye lels.

Talaba: Onga nakakasilaw, teka wag mo itapat  sa face ko. 

Pusit: Bampira ka ba Talaba? Baket takot ka sa liwanag? Sige Bocha ilawan mo pa si Talaba. Bohahahaha!

Talaba: Waggg!!!

Bocha: Sisilipin ko lang naman kung may pempols ka. Dali na. 

Talaba: Nakakasilawwwwwwwwwwwwwwww Tama naaaaaaaaaaaaaaa!!!

Bocha: Huwaw!!! Wahahahaha!!! Kaya pala nagtatago ka sa shell!!! Pusit!!! Alam ko na sekreto ni Talaba!!!

Talaba: Wagggg… Huhuhuhuhu

Pusit: Ano! Dali! Dali! Ano yun Bocha?

Bocha: Malaki ilong ni Talaba!!!! Ilong Ranger!!!! Mascot ng Neozep! Lelelelelelelels!!!

Nagtawanan sina Bocha at Pusit, pati na rin ang mga bagong dating na mga uzi. Usisero’t usiseras.

Pagkatapos tumawa ng wagas na wagas, si Bocha ay maligalig na gumala ulit at naghahanap ng mapagkakatuwaan. Tinututukan ng flashlight ang mga kapansanan ng mga lamang dagat at kasabay nito ang pamamahiya.

Samantala, dahil sa labis na kahihiyan, may naisip si Talaba. Dinayo nya ang ikalimampung burol ng mga buhangin, at sumangguni sya sa Diwata ng Karagatan.

 Diwata: Anong maipaglilingkod ko sayo Talaba?

Talaba: Huhuhuhuhu…. Nipagtatawanan po ako ng mga lamang dagat doon sa amin. Nalaman na kasi nila ang sekreto kong pagkalaki-laking ilong. Niyurakan nila ang pagkatalaba ko Ate Charo.

Diwata: E diba naitatago mo naman iyon sa loob ng iyong shell? May nagbuka ba ng shell mo?

Talaba: Ni flashlight po kasi ako ni Bocha. Tapos ipinagkalat sa iba, tapos nilalait-lait na nila ko, tapos, tapos… huhuhuhu

Diwata: Tahan na Talaba

Talaba: Gusto ko po sana, pabawasan tong ilong ko. Kung kaya ko lang magpaopera…
Kung pwede po sana gawan nyo ng paraan. Kahit gamitan mo ng magic mo po. Please… Ibibigay ko ang perlas ng silangan ko. 

Diwata: Talaba, iyang ilong mo ay huwag mong titignan bilang isang kapansanan. Isa yang handog sayo, kaya pagyamanin mo. Gamitin mong vacuum cleaner ng mga lumot. Biro lang.

Talaba: Hahahaha Diwata: Ayan, wag ka na malungkot, pinapatawa lang kita. Hindi solusyon ang pagbabago mo ng anyo. Hmmmm… may naisip akong paraan. Tuturuan ko ng leksyon yang si Bocha. 

Isang umaga pagkagising ni Bocha dahil sa pagtilaok ng mga sea horse…

Bocha: Goodmorning flashlight ko!!! Teka!! Asan ang flashlight ko!!!! Teka ano tong tumutubo sa bunganga ko?

Biglang tinubuan ng malalaking pangil si Bocha.

Tinig ng Diwata: Nabalitaan ko sa mga lamang-dagat ang iyong mga pinaggagagawa. Parurusahan kita sa ngalan ng buwan! Tutubuan ka ng malalaking pangil. Magsisilbi yang paalala sa iyong mga ginawang pananakit ng damdamin ng mga lamang-dagat na may mga kapansanan.

Bocha: O hindeeeee!!!!!! WahhhhH!!!!!

Tinig ng Diwata: At hindi lang yan, para maslalo nilang masilayan ang iyong pagbabagong anyo, ang flashlight mo ay ilalagay ko sa iyong ulo. Magsisilbi yang liwanag upang ikaw ay makita kaagad ng mga lamang dagat kahit sa malayo para ikaw ay maiwasan.

Bocha: Huhuhuhuhuhuhuhu Di na po ako uulet… Huhuhu Ayokong magkaroon ng kapansanan. Daliang hinanap ni Bocha si Talaba upang humingi ng tawad, baka sakaling bumalik ang dati nyang itsura.

Pinuntahan nga ni Bocha si Talaba habang ito ay naglalaro ng pick up sticks mag-isa.

 Bocha: San ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap Talaba.

Talaba: Wag kang lalapit! Sino ka!!! Di ako ang kumain ng Piyaya! Hindi ako! Hindi ako!!!

Bocha: Anong Piyaya? Ako ito!! Di mo ba ako nakikilala? Ako si Bocha!!

Talaba: Omegad!!! Bocha Yabang? Ikaw ba yan? Anyare sayo?

Bocha: Pinarusahan ako ng Diwata. Gusto ko sanang magsorry sayo. Magsosorry ako sayo di dahil sa gusto kong mawala ang sumpa. Magsosorry ako dahil sa nagsisisi na ako at nasaktan kita sa mga nagawa ko.

Talaba: A-a- ayos lang… tanggap ko na naman na ga-higante ang oh noes ko. Naitatago ko pa naman sa loob ng shell. 

Bocha: Buti ka pa… eh ako tignan mo ko… tignan mo ang mga kapansanan ko. Mukha na kong taga karnabal. Kung may shell lang ako tulad mo, maitatago ko lahat ng mga to.

Talaba: Ano ka ba Bocha, tulad nga ng sabi sakin ng diwata… na huwag mong tignan yan bilang isang kapansan, kundi isang handog ng bathala. Maaaring di kaaya-aya tignan ngunit paniguradong iyan ay magiging kapakipakinabang.

Bocha: Ganon ba? Maraming maraming salamat sayo Talaba. Super Sorry na talaga. Prends na tayo. 

Talaba: Kalimutan mo na iyon. Halika at isasama kita sa ating mga kaibigan at maglaro na tayo ng chinese garter. Tapos punta tayo Baguio. Tapos bisitahin natin ang mga Mammoths. 

About jason

walang clue. nak ng

73 responses »

  1. kuhrach ay nagsabing:

    nakakatuwa naman. parang kayo lang nina vaj at teetow ang characters. hihi.

  2. Leah ay nagsabing:

    Hahaha!! Ayos ah.. Cute cute naman ni talaba, nagpi-pickup sticks. Ang galeng! Clap, clap! At talagang napasali ang mga mammoths. lels

  3. khanto ay nagsabing:

    nice. naaliw ako at may lesson pa ang wento ni talaba at bocha

  4. machongbutiki ay nagsabing:

    nice one jeson. hehehe.

  5. Madz ay nagsabing:

    hahah ang galing naman ng kwento at syempre yung aral na gustong iparating nito😀

  6. Vajarl ay nagsabing:

    PUKI KA NAK ANDAMI KONG TAWA KAY TALABA! BWAHAHAHAHAHAHAHAHA. Wait! BWAHAHAHAHAHAH! Wait di pa ko tapos! BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!

    Andami kong gusto sabihin kaya lang baka madagukan ako. Hahahahahaha. Pukimats hahahahahaha. Win! Eto sash, eto scepter, eto pusa, eto may libre pang kargador. Hihi.

    Bat nadamay ang piyaya? Abay taran…

  7. lababo ay nagsabing:

    Waw may pusit na lila! Haha. Ayos ayos jollibee. Mahusay na naman! Pero bakat parang nasabugan ng pillbox yung mukha ng diwata? Kunsaan-saan paling.
    Para kay Vaj ang moral lesson, wag manlait. Hahaha

  8. dlysenysen ay nagsabing:

    At nakarating ba sila sa Baguio? Parang excited ang kasunod kung meron.

  9. Vajarl ay nagsabing:

    Hoy Lababo nakaukit na sa kaibuturan ng aking pagkatao ang pagiging mapanlait! Hahahaha. Chura neto.

    Ano gamit ni kabibe pang pick up sticks? Ilong? Gamit ba nya kabibe nya?

  10. Bino ay nagsabing:

    as always, isa na namang kwentong puno ng aral. ang galing! nakarating sila ng Baguio?

  11. Chad ay nagsabing:

    Oi, nakakatuwa naman ito. Sakto yung type ng isda na ginamit mo para kay Bocha. Hahaha! Teka, anong uri ng lamang dagat yung diwata? Mukhang pokemon!!!

  12. dlatecomer ay nagsabing:

    wow pagkagaleng mo namang mag gawa ng story with the MS Paint

    ka kcute ng matabang bocha sarap nyang ieskabetse…hahahaha

    tapos ung talaba pede ng ibaked with cheese…huwawwww

    teka

    magandang umaga po!!!

  13. salbehe ay nagsabing:

    Ang una kong basa sa title mo ay “Brocha”. Ewan kung bakit ako natawa.

    Wow! MS Paint!

  14. bulakbolero ay nagsabing:

    LOL!

    idol bocha, edi ikaw na ang idol ko pa den. at natawa ko dun sa vacuum na panglinis ng lumot, edi si diwata na din ang mapanglait. hehe. joke lang.

  15. makunat ay nagsabing:

    I have a question.. Natuloy ba si talaba and Bocha sa Baguio….hihiihi

  16. Lambing ay nagsabing:

    hahaha ang cute ng kwento..

    klap klap kapatid ang galing mo talaga…

    maganda ang lesson.. malaki pala ilong ni talaba ahahaha…at marunong din sila mag slang lels ^_^

  17. yahjme05 ay nagsabing:

    lugi si talba pag naglaro sila ng chinese garter. pano siya tatalon? hehehe…

    kala ko maluluto si talaba pag binabad sa fleshlight este flashlight….wheeee…

  18. J. Kulisap ay nagsabing:

    Diwata: Talaba, iyang ilong mo ay huwag mong titignan bilang isang kapansanan. Isa yang handog sayo, kaya pagyamanin mo. Gamitin mong vacuum cleaner ng mga lumot. Biro lang.

    Mapanghusga din pala ang mga diwata, sa busaw na lang ako dudulog ng akong suliranin. O kaya sa mga umalagad. Lels

    Super prends naman na pala eh. Ayos na.

    Ganda ng istorya.

  19. myfilthyroom ay nagsabing:

    bocha ampota.. hahaha.. diba karne yun?

  20. kengkay ay nagsabing:

    hi jason, hanggang ngayon pala ay nagkukwento ka pa rin at may kasama pa ring drawings! galing talaga!

  21. L ay nagsabing:

    pinaka-astig na linya: “E diba naitatago mo naman iyon sa loob ng iyong shell? May nagbuka ba ng shell mo?” hihihi!

    may question lang ako, jason. freehand mo bang dinodrowing ‘tong caricatures mo sa paint o gumagamit ka pa ng shapes? galing eh. pwedeng-pwedeng gawing illustration sa children’s story book.

    pati pala ‘yung kung papano mo naiisip ‘tong mga ganitong klaseng pabula. ibang klase rin. nice one, pre. \m/

  22. iya_khin ay nagsabing:

    talagang pumunta ng baguio?! lol! aliw naman ako! panalo! heheh ganda ng moral lesson!

  23. jay ay nagsabing:

    hindi ko ito kinaya hahaha….ang galing eh lels uli

    may aral na makukuha..

    sosyal at magbabaguio pa sila?

    sama kayo?tara…

    lels

  24. -=cuteberl=- ay nagsabing:

    beys.. umaasang frog sa beys… hehehe… belat kay bocha….

  25. barrycyrus ay nagsabing:

    Bocha pala tawag dun haha

  26. Joyce Ann Cababan ay nagsabing:

    Panalo ka talaga kahit kelan Hamsterrr! I really love your drawings kahit noon palaaaang! Thanks i might read your other posts tooo ala ko magawa ehh hahaha.

  27. Pong ay nagsabing:

    hahahaha agree ako kay mam kuhrach hahaha

  28. freeangie ay nagsabing:

    Hello po. Kmusta na po?
    Ang inyong lingkod po ay ngbabalik para sa makabuhang paanyaya.
    Sana po ay inyong paunlakan.🙂
    Malaking tulong po ito,kahit sa kaunting paraan.🙂

    Please visit back my blog.🙂
    Maraming Salamat po..🙂

    http://www.angie174.blogspot.com

  29. mildred ay nagsabing:

    hahahahaha nice story!!!!!

  30. edenL ay nagsabing:

    very nice…so funny!!_)

  31. sky`boom ay nagsabing:

    hehhehe

  32. вαву ℓσωѕ ay nagsabing:

    sinali pa ung piyaya!!! buwahahahhahha!!!!!!!!!!!!!!!!! bully talaga ni Bocha!!!
    teka mey aral ako
    bullying is a very good habit!!!! buwahahahahha!!!!!!!!!!!!!!
    anu bha itchura ng ilong ni Talaba???????
    gusto ko sana gaya ng ilong ko!!! mey dugo nagka nosebleed dahil sa takot kay Bocha!!! hihihi

  33. ren ay nagsabing:

    hahaha ganda ng istorya

  34. kc ay nagsabing:

    Ang ganda ng kwento , mayroong aral na mapupulot- wagmong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo. =D =D =D

  35. Puke ay nagsabing:

    ang ganda sobra , imposible ang iba aaaaahhhhhhhhhh puke

  36. shane ay nagsabing:

    for me kawawa nlng si botcha ahhahayhahhahahahhahaha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s