litrato mula sa google

“Coo-coo! Coo-coo!” Malakas na ingay mula sa alarm clock ni Jason.

“Umaga na!!! Goodmorning Gundam!” Maligayang pagbati ni Jason sa kanyang laruang  Gundam na nakalagay sa headboard ng kanyang kama. Kinuha niya ito at itinaas sa ere.

“Wooohoooo!!! Lipad na tayo Gundam!!! Yey!!! Aliw na aliw na sigaw ni Jason habang nakahigang naglalaro.

Makalipas ang ilang minuto…

Tok-tok-tok… Kumatok sa pinto si Ate Leah, at sa pagbukas nya ng pintuan ay naabutan nya ang nakababatang kapatid na naglalaro ng paborito nyang Gundam.

“Hoy Jason! Kanina pa nandito ang school bus! Di ka pa nakaligo? Nung isang Linggo ka pa ganyan ah. Susme! Mauna na ko sayo!!!” Sigaw ni Ate Leah.

Kinabukasan…

“Oh heto ang tuna sandwich. Magbaon kayo Leah at Jason. Ilagay nyo na sa bag para di malimutan. Hoy Jason, bilisan mo dyan mag-ayos ng buhok. At bitiwan mo nga muna yang Gundam mo.” Tuluy-tuloy na pagsasalita ni Mama Joyo habang abala sa pagbabalot ng iba pang tuna sandwich para ibenta sa mga kapitbahay.

“Wooooohhh Beng! Beng! Beng! Sige barilin mo Gundam yung mga langgam!” Masayang paglalaro ni Jason habang nag-aayos ng buhok.

Pagdating sa school bus ay nagtatawanan ang ibang mga kaklase ni Jason.

“Jason!!! hahahahaha!!! Ano ba yang nasa buhok mo? Yan ba uso ngayon?” Tumatawang sigaw ni Carlo, ang kanyang kaklase.

Agad na kinapa ni Jason ang kanyang buhok, at agad na inamoy ang kanyang kamay…

“Ay tuna ito a!” Nagtatakang sabi ni Jason sabay yuko. Hindi nya namalayang sa tuna sandwich spread pala siya sumasaw kaninang umaga imbes sa gel. Masyado kasing abala sa paglalaro ng Gundam nya.

“May tuna sa buhok! May tuna sa buhok!” Pang-aasar ni Arnie, ang isa nya pang kaklase. At nagsunuran na ang lahat sa loob ng school bus…

“May tuna sa buhok! May tuna sa buhok! May tuna sa buhok!”

Pagkauwi ni Jason sa bahay…

Ikinuwento ni Jason kay Mama Joyo ang lahat ng nangyari. Agad naman itong sinermunan.

“Ikaw naman kasi Jason! Laro ka ng laro! Hindi mo man lang mabitiwan yang laruan mo! Sa pagkain, sa paliligo, sa paggawa ng assignments… Tignan mo nangyayari sayo! Ilang beses na kitang sinasabihan!  Ayan ang napapala mo sa katigasan ng ulo mo! Pasok sa kwarto!”

Dumeretso sa kwarto si Jason at dalian nyang kinuha ang Gundam sa tokador.

“Ikaw ang may kasalanan neto! Ikaw! Ikaw Gundam ka! Siguro me sa damunyo ka anupo! Eto nababagay sayo!” Galit na galit na pagwawala ni Jason at sa isang iglap ay naibato niya ito sa pader at nakalas. Nagtalukbong ng kumot at natulog na si Jason.

Kinabukasan…

“Umaga na!!! Good morning Gund… ay, wala na pala si Gundam, nisira ko na pala kagabi.” Unti-unting nawala ang sigla sa mukha ng bata.

“AKO NANDITO NAMAN AKO JASON.” Biglang may sumingit na boses mula sa sahig. Isa itong Gundam na limang beses ang laki kaysa sa nauna.

“Wow!!! Ikaw siguro ang pinuno ng mga Gundam! Tara laro na tayo!!! Sabik na sabik na nilapitan ni Jason ang Master Gundam ngunit sya ay unti-unting napahinto, na parang may hindi nakikitang kalasag mula sa Master Gundam… At biglang napatalsik pabalik ng kama.

“A-ano to? Anyare?” Pagtatakang medyo natatakot na sabi ni Jason.

“SINISISI MO PA ANG ANAK KONG GUNDAM SA MGA NANGYAYARI SAYO ARAW-ARAW? BAKIT MO SYA BIGLANG INIHAGIS SA PADER? NASIRA TULOY SYA MAAAYOS MO PA BA SIYA?” Sabi ng Master Gundam kay Jason.

“Nagsasalita ka? Cool!!! Eh totoo naman. Kung wala si Gundam, magiging maayos ang araw-araw ko. Tama ako diba? Tara laro na tayo!” Mabilis na sagot ni Jason.

May pinindot na remote control ang Master Gundam.

“CLICK!”

“A, anong nangyayare? Ba.. baket gumagalaw mag-isa ang mga paa ko!!! Wahh!!!!” Takot na takot na sabi ni Jason.

Kusang gumalaw ang mga paa ni Jason at tumungo sa kwarto ng Ate Leah nya.

“Anong ginagawa ko dito? Baket ako nandito? Baket di ko makontrol ang sarili kong katawan!!!! WAHHH!!! Paiyak na sigaw ni Jason.

“CLICK!” 

Kusang gumalaw ang mga kamay ni Jason at nagsimulang maghalungkat sa kabinet ng kanyang Ate Leah. Kumuha ng school uniform at agad-agad na isinuot.

“Baket ako nagsusuot nito! Pagtatawanan na naman ako sa school neto!!! wahhh!!!” Patuloy na pag-iyak ni Jason.

“CLICK!

Kusang gumalaw ang mga paa ni Jason at lumabas ng kwarto. Bumaba ng hagdanan at dumaan sa kusina. Nakita sya ng kanyang Mama Joyo.

“Anak!!! Nahihibang ka na ba? Sa kakalaro mo ng Gundam mo, mali ang naisuot mo?  Bumalik ka nga sa itaas!” Galit na sabi ni Mama Joyo sa kanyang anak.

“CLICK!”

“HUWAG KANG MAKIALAM DITO! IPAGLUTO MO AKO NG FRIED CHICKEN! IBILI MO AKO NG MARAMI PANG GUNDAM!” Tila nasasapian si Jason ng boses ng Master Gundam.

Napatulala si Mama Joyo sa mga narinig.

“Anak? Ikaw ba yan?” Nagtatakang tanong ni Mama Joyo.

“Mama!! Mama!!! May kumokontrol saken… Tulungan mo ko!! Natatakot na ko… SABI KO GUSTO KO NG MARAMI PANG GUNDAM BAKIT HINDI KA PA RIN KUMIKILOS!!!” biglang bumalik ulit ang sapi ng Master Gundam sa kanyang anak.

“CLICK!” 

At tuluyan ng nakarating sa paaralan si Jason sa pamamagitan ng mahaba-habang pagalakad. Pagod na pagod na sya ngunit hindi nya talaga macontrol ang kanyang mga paa.

“Ang sakit-sakit na ng mga paa ko… Huhuhuhu…” Walang tigil ang pag-iyak ni Jason. Pagpahid nya ng kanyang mga luha ay nakita na nya sa kanyang harapan ang paaralan.

“BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!” Nagtawanan ang mga kaklase nyang nakakita sa kanya sa may gate. Kakaiba ang ayos sa pananamit at sa pangkalahatang itsura ni Jason. Napaglaruan sya ng Gundam.

“CLICK!”

Hanggang sa paaralan ay dinig pa rin ni Jason ang pagpindot sa remote control ni Master Gundam.

“Umilag kayo!!!” Pasigaw na sabi ni Jason sabay pulot ng mga bato.

Isa-isang pinagbabato ni Jason ang mga kaklase nya. Marami ang tinamaan at umiyak. Iilan lamang ang mga nakatakas sa pagwawala ni Jason.

“Patawarin nyo ko mga klasmeyts. Di ko makontrol ang sarili ko. Huhuhuhuhu” Umiyak na naman si Jason.

“CLICK!”

Sa isang iglap ay may isang bata na pumunta sa likuran ni Jason at iginapos ang dalawang kamay gamit ang medyo malaking panyo. Si Carlo pala ito.

“Carlo..? Pati ikaw? May nagcocontrol din sayo?” Pagtatakang sabi ni Jason.

“Oo Jason. Mayroon ding nagcocontrol sa akin, si Queen Hello Kitty. Nalaman nya kasi na nabuhay muli si Master Gundam. May ginawa ka na namang kalokohan ano?” Pagmamagaling ni Carlo habang pinapangaralan si Jason.

“Ammm…Carlo, nisira ko kasi yung laruan kong Gundam. Sinisi ko kasi sya sa mga nangyayari sakin… Mula sa pagkakaiwan sakin ng school bus araw-araw hanggang sa mga kapalpakan ko. Totoo naman di ba?” Pangangatwiran ni Jason.

“CLICK!” 

“Carlo!!! Hawakan mo syang mabuti! Parurusahan natin yang si Jason!!! Sigaw ni Arnie na may hawak na malaking kanyon at nakatutok kay Jason.

“Hehehehe. Wala na kaming magagawa pa Jason, sumosobra ka na talaga kasi. Yan namang si Arnie ay kinokontrol ni Shin Chan. Nagtutulungan talaga ang mga Master ng mga laruan kapag may mga gantong kaganapan.” Paliwanag ni Carlo.

“Eto ang sayo!!!!!” Sigaw ni Arnie.

Isang napakaliwanag  na ilaw ang lumabas mula sa kanyon at nagliwanag ang buong paligid.

Kinabukasan…

Nagising bigla si Jason na may maliwanag na ilaw sa kanyang harapan. Siya ay nakahiga lamang. Tumingin-tingin sa paligid. Nasa klinik sya ng dentista. Bubunutan sya ng ipin. Samantala, sa kanang kamay ay hawak-hawak nya ang kanyang Gundam na tila walang bahid ng pagkasira.

“Oh, wag kang malikot Jason, lagot ako sa Mama Joyo mo pag nasugatan kita. Baka makalas lahat ng ipen mo sige ka.” Pananakot ng Dentista kay Jason para di ito maglikot.

Naisip ni Jason na sagabal sa isinsagawa ng dentista ang kanyang Laruang Gundam. Naisipan nyang hindi nga ang gundam ang dahilan ng kanyang mga kapalpakan. Nalaman nyang DISIPLINA sa sarili ang tunay niyang kailangan.

Unti-unting niluwagan ni Jason ang pagkakahawak sa Gundam. Para bang binitawan na rin nya ang mga pasan nyang problemang kaagapay sa kanyang paglalaro ng walang disiplina…

At tuluyan nang nahulog sa sahig ang Gundam.

BLAG!!!

Nalaglag at nawasak ang laruang Gundam.

“WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!” Sigaw ni Jason

“HUH? Di pa kita binubunutan  Jason ah.” Pagtataka ng dentista.

“CLICK!” 

Ang kwentong pambatang ito ay ang aking lahok sa Saranggola Blog Awards 3.

About jason

walang clue. nak ng

36 responses »

  1. Vajarl ay nagsabing:

    Hula ko puge yang si Carlo.

  2. Leah ay nagsabing:

    Hahaha!! Tawa ako dito.. nakakaaliw! ang galing! Clap! clap! clap!!

    Ayan kasi.. Sana magtanda na etong si Jason, sobrang katigasan ng ulo. Nabuhay tuloy si Master Gundam at pinarusahan siya… At lahat na rin, nabuhay, pati si Queen Hello Kitty ha! lols..

    Tawa ako kay Arnie.. may hawak talagang kanyon? Pak!😛

    Tama.. Dapat marunong tayong tumanggap ng responsibilidad sa ating mga ginagawa.. Hindi pwedeng manisi ng ibang tao, kasi kung ano ang ating ginagawa, yun ay dahil sa ating kagustuhan..

    Bravo!! Galing-galing talaga.. isa kang mahusay na story-teller, Jason!😀

  3. Mb ay nagsabing:

    Hahaha nice!😀 more!! More!!!

  4. iya_khin ay nagsabing:

    Waaah nicliclick!! Uy nagkita na pala kami ni mama joyo mo! Hihihi! God bless sa entry mo!😀

  5. Bino ay nagsabing:

    astig!!! kaw na talaga ang hari ng story telling😀

  6. -=cuteberl=- ay nagsabing:

    hari ng gundam… hello kitty. Shin chan…. tawa much with the story… galing…

  7. Arnie ay nagsabing:

    pakurot sa pisnge ng Gudam….shinchan!

  8. foobarph ay nagsabing:

    walastik, puro gundam! buti n lng di ako na-adik dito. haha!

  9. Banjo ay nagsabing:

    Maganda ang kwento sir jason.. panalo

    at mayaman si Jason ha.. mahal ng gundam..🙂

    Magandang araw

  10. Roni Palma ay nagsabing:

    congrats naman sa magandang story!

  11. kaye ay nagsabing:

    Kapatid, wak muna maglalaro, ok?

    sana may MS Paint din na drowing ng gundam. hihi! tsaka ni Queen Hello Kitty at Shin Chan. Bagay kay Carlo si Queen Hello Kitty. Naimagine ko. ahahahaha!

  12. coolwaterworks ay nagsabing:

    Galing!!!

    On the roll na nga ang SBA!

  13. Zyra ay nagsabing:

    Astig to, ang saya saya ko nung binabasa ko ito. Magandang likha idol!

  14. bagotilyo ay nagsabing:

    hahaha..natawa ako kay carlo at queen hello kitty… lolz..

    nasira na naman si gundam??

    baka magalit si master gundam dahil sinaktan ni jason ang kanyang mga supling..hahaha

    Goodluck sa SBA idol!

  15. cheesecake ay nagsabing:

    star studded post! nice.

  16. нєℓℓσ кιтту ay nagsabing:

    ngeks! galing!!! waahahhahah!! hihihihi

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s