May isang batang donut na mahilig lumabas ng bahay at makipaglaro sa mga kaibigang tinapay. Di maiwasang mag-alala ang mga magulang kaya bago sya payagang makaalis…

Boston Cream: Mommy! Daddy! Lalabas lang po kami ng barkada. Pupunta lang kami sa burol at maglalaro ng kariton-karitonan.

Mommy Cream: Anak umuwi ka ng maaga at tutulungan mo pa kong mag-ayos ng christmas tree natin. Tapos magbabaklas pa tayo ng sirang poso negro sa backyard.

Boston Cream: Opo mommy, iwanan nyo na lang po yung ibang di nyo matatapos.

Daddy Cream: Anak mag-iingat kayo, wag na kayong lalayo sa burol. Baka maligaw o madisgrasya pa kayo. Ayokong magpasko tayo sa ospital.

Boston Cream: Opo daddy.

Lumabas na ng bahay si Boston Cream at sinundo na ang kanyang mga kaibigan. Nagplano-plano na sila para sa kanilang lakad sa burol.

Boston Cream: Parang bumibigat ka ata Strawberry Cream, ambigat ng kariton eh,

Strawberry Cream: Nyewan ko sayo. sexy kaya ako. Hihi

Bavarian Filled: Hayun! Malapit na ang burol! Tignan nyo!

Strawberry Cream: Ang ganda!!! Teka, nalalampasan na natin yung burol!

Bavarian Filled: Oo nga Boston Cream, San ka ba pupunta? Eto na yung burol diba.

Boston Cream: Cool lang kayo, may pupuntahan tayo na siguradong masmasaya kumpara dito sa burol na to.

Strawberry Cream: Awww, talaga? Pero diba sinabihan ka na sa inyo na wag tayo lalayo sa burol.

Bavarian Filled: Tama si Strawberry Cream…

Boston Cream: Basta. Magpapasalamat kayo saken kapag nakita nyo ang pupuntahan naten.

At ayun na nga, nilampasan ng magbabarkadang donut ang burol. Sa may kalayuan ng kanilang pagliliwaliw sa pamumuno ni Boston Cream ay napadpad sila…

Strawberry Cream: Huwaw!!! Ang ganda-ganda naman!!! Parang paraiso!

Bavarian Filled: Honga! Di ko alam na may ganto pala paglampas ng burol!

Boston Cream: Sabi na senyo eh! Ayaw nyo pa maniwala. Oh, ano pang hinihintay nyo? Swimming na tayo!!!

Tumakbo na palayo si Boston Cream at iniwan ang dalawang kasama. Masyado syang excited.

Nawala na sa paningin nila Strawberry Cream at Bavarian Filled ang kaibigan.

Kahit papaano ay sinumulan na nila ang pagbababad ng katawan sa tubig.

Strawberry Cream: Teka wag ka masyadong malikot, nababasa buhok ko. Hihihi

Bavarian Filled: Ang sarap palang magbabad dito. Maligamgam lang ang tubig. Dito na kaya tayo tumira. Tayong dalawa lang. Hihi Juk.

Strawberry Cream: Huh? Anyway… Mag-aaral naman akong lumangoy. Kaso nakakatakot dun sa bandang malalim. Baka may monster. Teka asan na si Boston Cream?

Bavarian Filled: Hmmmm.. Oo nga no? Nandyan lang yun… (Masosolo ko na si Strawberry Cream. Hihihi)

Strawberry Cream: Boston Cream!!! Asan ka!!!

Bavarian Filled: Shhhhh wag ka masyado maingay, baka maglabasan mga hayup  dito at sugurin tayo… (Okay na nga na tayong dalawa lang dito…)

May tinig silang nadinig sa may di kalayuan…

Boston Cream: Yoooo-hoooo!!!! Nandito ako sa itaas!! Bwahahahaha!!! Heto na ko!!! Ayan na ko!!!! Ayan na ko!!!!

Strawberry Cream: Wag!!! Wag!!! Masakit!!! Masakit sa katawan pag nalaglag ka!!! Wag kang tatalon!! Mataas! Mapanganib! Delikado!!! Mababalian ka ng bones!

Bavarian Filled: Huwaw! Ang taas dyan! Sige lang Boston Cream!!! Kayang-kaya mo yan!!! Adventure yan!!! Yahoo!!! Astig!!!! (Tumalon ka na please!!!)

Boston Cream: Katahimikan!!! Katahimikan!!! Tatalon na ko!!! Pagbilang ko ng 100, tatalon na ko!!! Isa!!! Dalawa!!! Tatlo!!! Apat!!!…..

At tuluyan na ngang tumalon si Boston Cream sa bangin na parang professional diver sa olympics.

SWOOOOOOOSH!!!!

Strawberry Cream: Omegad!!! Tumalon nga!!! Wahhhh!!!!

Bavarian Filled: Ang galing talaga ni Boston Cream!!! Isa pa! Isa pa! Una Ulo!

Lumipas ang isang minuto…. dalawang minuto… hanggang sa limang minuto. Wala pa ring umaahon mula sa pinagbagsakan ni Boston Cream.

Strawberry Cream: Hala!!! Boston Cream!!! Nasan ka na!!! Ayoko ng ganyang biro! Wahhhh

Bavarian Filled: Papaano kung… nikain na sya ng monster!!! (sana nga.)

Strawberry Cream: Wag ka nga magsalita ng ganyan! Baka nakatulog lang, o kaya baka dumudumi lang sa ilalim. Teka tignan mo, Bavarian Filled!!!

Bavarian Filled: Du..dugo… Dugo yan ni Boston Cream!!! Bavarian din ang dugo nya tulad ko. Kaya sigurado ko sa kanya yan!!!

Strawberry Cream: Di maaari!!! Di maaari!!! Wahhhhh!!!!

Bavarian Filled:  Hala!!!! Si Boston Cream!!! (hihi wala ng hahadlang sa panliilgaw ko kay Strawberry Cream)

Strawberry Cream: Tatawag ako ng medic!!!! Magtakip ka ng tenga mo Bavarian Filled.

Bavarian Filled: HUH??? Bakit???

Strawberry Cream: MEDDDDDICCCCCCCCCCC!!! MEEEEEDDDICCCCCCCCCC!!!!!!!!! MEDICCCCCCCCCCCCCC!!! MEDDDICCCC!!!!

Dahil daig pa ng sirena ng bumbero ang boses ni Strawberry Cream, Halos maglabasan ang mga elemento sa utak ni Bavarian Filled dahil di ito nagtakip ng tenga. Agad namang umabot sa syudad ang sigaw ni Strawberry Cream kaya mabilis naaksyunan ang disgrasya.

Sa Ospital…

Doctor: Mister and Misis Cream, tama po ba?

Mommy Cream: Opo.

Daddy Cream: Opo.

Doctor: Ammm Nurse, paki dim ng lights. May ipapakita lang akong picture na nakunan namin underwater.

Mommy Cream: Doc, Anong kinalaman ng tae sa anak ko?

Doctor: Am, Misis, Anak nyo po yan na tumusok sa matulis na kahoy.

Mommy Cream: Wah!!!! huhuhuhuhu anak ko… Ano po lagay nya?

Daddy Cream: Papaano? Bakit? Pero sa burol lang naman sila naglalaro.

Doctor: Pumunta pa sila sa may lawa. Napag-alaman naming sya ay nag dive mula sa mataas na bangin. Sa susunod po ay pagsasabihan nyo yang anak nyo o babantayan.

Mommy Cream: Huhuhuhu Di naman kami nagkulang ng pangangaral sa kanya….

Daddy Cream: Deretsuhin mo na kami Doc. Anong lagay ng anak namin…

Doctor: Nag-aalangan kasi kami kung kaninong buhay ang ililigtas. Kung yung sa Anak nyong makulit o sa punungkahoy sa ilalim ng tubig.

Mommy Cream: Dyablo kang doctor ka!

Doctor: JUK lang po Misis. Okay na po ang anak nyo, nasa kabilang kwarto.

Daddy Cream: Anak ko!!!

Mommy Cream: Anak!!! Teka baket nakatayo ang kama ng anak ko!!!

Daddy Cream: Doc!!! Kamusta lagay ng anak ko? Baket nga di sya nakahiga sa kama? Para syang nasa bulsa ni Doreamon!

Doctor: Am, espesyal po yang kamang yan, kasi espesyal din ang kundisyon ng anak ninyo.

Mommy Cream: Ano ibig nyong sabihin?

Doctor: Makikita nyo rin sa takdang panahon. Pagkagising nya…

Pagkalipas ng dalawang oras ay nagising na si Boston Cream. Pagkadilat nya…

Boston Cream: Mommy!!! Daddy!!! Sorry na!!! Naospital tuloy ako kasi di ako nakinig sa inyo. Huhuhuhu

Agad syang tumalon mula sa kamang nakasabit sa pader. Nagulat ang kanyang mga magulang.

Daddy: ….  (speechless)

Mommy: …. (speechless)

Boston Cream: Bakit po? Okay naman po ako diba. Wala pong masamang nangyari. Medyo parang gumaan pa nga pakiramdam ko. 

Mommy: Sta. Maria! Sta. Barbara! Sta. Mesa!!! Anak… Butas ka!!! 

Daddy: Aba’y  butas ka sa gitna.. Wahh!!! Ang anak ko!!!

Agad na tumingin si Boston Cream sa kanyang  katawan, at butas nga ito. Isang malaking butas sa gitna, gawa nung pagkakatusok nya sa punong kahoy sa ilalim ng tubig.

Boston Cream: Wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh Wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh Wahhhhhhhhhhhhh!!! x10

Mommy: Pano na yan!… Butas ka na!. Hala, magbihis ka na! Tatapalan kita ng palaman pagkauwi sa bahay para magtino ka na. Peanut butter o kaya Chocolate!!!

Daddy: Alam mo na ngayon mangyayari sa mga pasaway..

Boston Cream: Opo daddy. huhuhuhuhuhu. Huhuhuhu. Huhuhu. Di na ko uulit. Di na ko magiging pasaway. Huhuhuhu

Daddy: Tahan na anak, may bisita ka nga pala…

Boston Cream: Bisita? Ayaw ko ng bisita… Ayaw ko may makakita saking ganto. Butas sa gitna. Huhuhuhu Huhuhuh.

Mommy: Tahan na sabi anak, tatampalin na kita dyan, eto na si Strawberry Filled oh.

Strawberry Cream: Yey! Gising ka na Boston Cream! 

Boston Cream: Yeah! Gising na nga ako! D.. kaso yung itsura ko… butas.

Strawberry Cream: Ang importante, buhay ka… Kasi…

Boston Cream: Kasi ano?

Strawberry Cream: Ano… basta… wala… wag na nga. haha

Boston Cream: Ha? Ano kaya yun? Teka nasan si Bavarian Filled?

Strawberry Cream: Nasa kabilang kwarto, nagdurugo ang…. tenga. Hihi.

About jason

walang clue. nak ng

37 responses »

  1. taribong ay nagsabing:

    at ilalabas ang muvi bersyon nito sa mga susunod na araw… pangungunahan ng mga malalaking artista……… abangan!😀

  2. taympers ay nagsabing:

    potang ina mo. tawa ako ng tawa. haha. lalo na sa ending, hindi sya kwentong pambata e. pang matanda na isip bata. haha

  3. Buninay ay nagsabing:

    Napaibig ako sa donut, nakanang! hehe! =9

    eto pala ang alamat ng butas sa donut!😀

  4. AHVIE ay nagsabing:

    whahaha.. panalo talaga yung utak mo.. daming laman.. hehehhee
    u make my day again hehehe…
    sana sa susunod may cloudy na para mas cool… hehehhe

  5. hana banana ay nagsabing:

    nyahaha! tawa kami nang tawa d2 ng mga friendsheeeeeps ko habang binabasa to!

    ang galing!!!!

  6. Bino ay nagsabing:

    burol pala! stress sa 2nd syllable. heheh iniisip ko ung lamay etc. hehehe

  7. otep ay nagsabing:

    @bino akala ko din maglalaro sa “lamay” bu-rol pala haha

    Astig talaga si hamham namiss ko ganitong kwento ha!

    Astig din ng pagkaka illustration.

    Oo nga naman ang orihinal na donut ay may butas naman talaga. Haha.

    Sana may part two.. kung ano itsura ng tapal ni boston cream..haha

    Aral na nga na dapat na nakikinig talaga tayo sa totoong magulang.

  8. arnie ay nagsabing:

    hmmmmm….parang gusto kong magkape… :))

  9. khanto ay nagsabing:

    ahahahaha. hindi kaya dyan nagsimula ang donut na may butas sa gitna?

  10. Joyo ay nagsabing:

    Sta. Maria! Sta. Barbara! Sta. Mesa!!! Anak… Butas ka!!!
    bohahahaha butas na siya!
    hay napatawa mo ko, as usual nakakatawa pero laging may gintong aral ang mga blog mo, nakakamiss din pala noh! true to life ba yan? muhihihi!

  11. Zen ay nagsabing:

    Agree ako kay Bino.. stress on the second syllable. Nalito ako dun. hahaha. Ang cute ng istorya, kaso hindi nga pambata ito.. hehehe🙂

  12. jeniffer ay nagsabing:

    ngayon ko lang napagtanto na nagaadventure din pala ang mga donuts…. hahaha….

  13. Sendo ay nagsabing:

    haha winner!!! …pramis enjoy na enjoy ako neto ha hahaha…donuts may bones? dapat title neto alamat ng donut na may butas sa gitna haha. ^^

  14. Yvarro ay nagsabing:

    hehehehe, sorry ngaun lang nakapag ikot… kulit ng story (lalo na yung doctor) … I swear naririnig ko yung boses ni “damulag” sa doraemon kapag binabas ko yung linya ni bavarian filled…😀 hehehe.. kulet.

  15. Darwin ay nagsabing:

    active na po ulit🙂

  16. May Anne Atienza ay nagsabing:

    wew!…. i love donut !! cute po ng story! love ni strawberry cream c boston cream!!

  17. Aj Banda ay nagsabing:

    hindi na sya munchkins.. donut na sya! :))

  18. Reinmark Tamani ay nagsabing:

    ang galing po nito… i made a movie clip of this… astig

  19. Dalaga na si Ineng. ~ ay nagsabing:

    Gusto ko tuloy ng donut! Ayos to!😀

  20. Rosemarie Jasangas ay nagsabing:

    hahaha🙂 galing galing😀

  21. krn ay nagsabing:

    Natawa naman ako sa burol, akala ko lamay. lol hahaha

  22. вαву ℓσωѕ ay nagsabing:

    Grabe manyak ni Bavarian Filled, masosolo daw? hihihi tawa pa ng tawa gustong mamatay si Bosto Cream!!!! Love pala ni Strawberry Cream si Boston Cream !! ahhheemm!!!!!! ^_^ may LOVE story rin pala

  23. marie ay nagsabing:

    lesson learned: di na ako magiging PASAWAY

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s