May apat na magkakaibigan.

Sila Daga, Kape, Baboy, at Mantis.

Parati silang magkasabay manganghalian, magmeryenda, at dinner.

Hanggang sa isang araw ay may napapansin silang may tila kakaiba na kay Kape.

Hmmmmmm….

Si Kape ay palakad-lakad sa Pantry para maghanap ng machichibog. Namataan naman nya si Daga na maghahanda ng Green Tea.

Kape: Uy Daga, ang porma-porma mo naman ngayon. 

Daga: Oo nga eh, alam mo na, may shooting dito ng pelikula. Malay mo makuha akong extra.

Kape: Asa ka naman, yang height mong yan? Lumaklak ka kaya ng Cherifer. O kaya mag dextrose ka ng Growee. Try mo.

Daga: Hahahaha Maka-lait naman to ng height! Nakakahiya naman sa height mo.

Kape: At least sa aming mga girls, okay lang ang maliit kasi cute. Eh sa inyong mga boys, di noh.

Daga: Hahahahah (tumawa na lang si Daga)

Tumatawang umalis si Kape. Umakyat siya ng second floor at nandoon naman ang kanyang kaibigang si Mantis sa may Museum Section. Si Mantis ay nagvavacuum cleaner.

Kape: Mantis, Mantis, Mantis…

Mantis: Yes Kape?

Kape: Posporo ka ba?

Mantis: Sweet mo naman, hmmmm…. posporo? Para match tayo? Hihihi

Kape: Hindi, kasi ampayat mo eh. LOL!

Mantis: Aw…

Kape: Eto pa, May isa pa… Gutom ka ba?

Mantis: Kakakain ko lang eh baket?

Kape: Talaga? Yang itsura mong yan busog na? Pano pa pag nagutom ka? Hahahaahha!

Mantis: Hahahahaha (tumawa na lang si Mantis)

Halos mamatay-matay sa kakatawa si Kape habang papaalis sa museum. Tingin nya kasi successful ang mga binitawan nyang punch lines.

Mukhang masayang-masaya ang araw ni Kape. Bumaba naman sya sa basement para bisitahin ang kanyang kaibigang si Baboy na security guard.

Kape: Omegad!

Baboy: Baket Kape?

Kape: Honglokelokelokeloke mo!!!

Baboy: Huh?

Kape: Ang ibig kong sabihin, ang taba-taba-taba mo!!!

Baboy: Baby fats lang to Kape.

Kape: Baby Fats? Ilang taon ka na ba at nakuha mo pang mag-imbak ng baby fats? Ipapakaen mo ba yan sa mga refugees kapag may lindol o sunog? Hahahaha! Teka, baket may nagpark na Ice Cream Truck dito sa basement ng opisina naten? Bat mo pinayagan?

Baboy: Huh? Wala namang Truck dito?

Kape: Paneh ka naman mars, ikaw yung tinutukoy ko. Bwahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha!

Baboy: Hahahahaha (tumawa na lang si Baboy)

Hindi nakukumpleto ang araw ni Kape kapag di nya nilalait ang mga kaibigan nya. Tumatawa lang kasi ang mga ito kaya akala nya ay okey lang ang mga binibitawan nyang JOKE na para sa iba ay nakakasakit na.

Linggo, walang pasok sa opisina. Nagtungo ang magkakaibigan sa may liwasan. Masayang ipinakita ni Kape ang kanyang bagong gadget sa mga kaibigan.

Kape: Guys, guys, look naman sa aking latest gadget. Ang tawag dito ay iPad.

Daga: Wow, cool.

Baboy: Pwedeng manuod ng TV dyan? Gusto kong panuoden yung mga lulutuin ni Master Chef- Yum Yum Yum!

Mantis: Matibay ba yan? Papindot nga ako!

Kape: Oi, baka masira dahan-dahan lang mga friends, di ko pa tapos bayaran yan.

Baboy: Magkano ba yan?

Mantis: Oo nga, magkano ba yan para makabili din ako?

Kape: Nasa limang sako ng ginto siguro ang presyo.

Daga: Ikaw pa Kape, kayang-kaya mo yan, kaunting sawsaw lang nila Crakers at Biscuit sayo wala ka ng problema sa bayarin.

 

Nagtawanan ang lahat at napahinto ng makita nila ang mukha ni Kape.

Kape: ………………….

Baboy: Hala ka Daga!!!

Mantis: Magsorry ka Daga!!! Lagot ka tignan mo ginawa mo! 

Daga: Hala naman! Sorry, sorry, di ko sinasadya. Sorry.

Kape: Huhuhu Huhuhu ganon ba tingin mo saken? Pasawsaw sa mga Crackers at Biscuit?

Daga: Hinde, hinde, joke lang yun, joke lang yun sorry naman. Sorry na please. Di na mauulet. Sorry.

Kape: Ewan ko sayo, ang sama-sama mo. Di naman ako ganong klase ng Kape ah.

Daga: Hala, joke nga lang kasi yun, biruan baga. Sorry na.

At magmula noon, naging malamig na ang pakikitungo ni Kape kay Daga.

About jason

walang clue. nak ng

36 responses »

  1. otep ay nagsabing:

    base muna! save!

    • otep ay nagsabing:

      ayan! ganyan nga talaga, kapag tayo nagsasalita ayos lang pero pag tayo na ang pinagsasalitaan nasasaktan tayo.

      Matuto muna tayong tumungin sa sarili nating salamin AT! maging sensitive tayo sa mga bagay bagay.😀

      Ang galing nag drawing ha, lalo si BABOY😀 ang cute.. sana pinapula mo yung pisnge😀 lels

    • jason ay nagsabing:

      hangbilis ah. haha

      teka parang me gusto ka pang sabihin sa baboy na yan. haha

  2. timangkey ay nagsabing:

    walang matigas na titinapay sa mainit na kapepe.😛

    wala pa ring kupas mga kwento mo jason.hehehe

  3. pruelpo ay nagsabing:

    hehehe. galing mo talaga Jason. pati sa drawings.

  4. Joyo ay nagsabing:

    enako sabi nga wag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sayo… siguro naman magtatanda na yang si kape.

  5. Jhengpot ay nagsabing:

    Ang galing naman nito. may kapupulutang aral. At bentang-benta ang mga banat. Vice ganda ang peg. natawa din ako, special mention si chef logro yum yum yum! (idol din).

    Kung sino pa yung mga malakas mang-asar sila pa yung pikon. nuhbeyen!

  6. hana banana ay nagsabing:

    yay! isa na namang waging waging story…feeling ko bumabata ako kapag binabasa ko mga stories mo (chos!)

    …sosyal yang c daga ah! may pa green tea pa! lels

  7. palakanton ay nagsabing:

    Auz ang kwento..
    gnun tlga pag tau ang nagjoke ng msakit sa kapwa bale wla satin pero pagtau ang biniro kla ntin nilait n tau ng husto

    • jason ay nagsabing:

      siguro nga iba iba talaga ang mga tao… di na mababago yun. pero unfair pa din, kasi sana matuto yung iba na bawas-bawasan ang pagiging prangka, at ganun din naman sa pagtanggap ng mga biro.

  8. ELIment ay nagsabing:

    wow may shooring. RAT LEGACY ba title nyan?

    punong puno ng banat ah. mahusay.hehe

  9. Yvarro ay nagsabing:

    hahaha!! ang kulet..😀 kamag anak ata ni okra si kape… sobrang bitter lang ni kape sa ending kulang sa asukal…😀 nakakatuwa yung drowing.. gumanda pa lalo!!!😀 nice one jeson..!!!

  10. Arnie ay nagsabing:

    banlian ng kumukulong tubig si kape…nakow

    kaso no epek din yun sa kanya malamang…

    :)))

    sabihin mo na lang SMILE labas ngipen…😀

  11. Dalaga na si Ineng. ~ ay nagsabing:

    Hehehee. Nakakatuwa yung mga pick up lines😀 Keep it up!🙂

  12. potsquared ay nagsabing:

    angganda ng storya.. nangyayari sa totoong buhay.. ahahahaha! nice one!

  13. allenjambalaya ay nagsabing:

    Ang galing. Kamangha-mangha. Hehe! I want more of this kind of post.🙂

  14. marrymhey ay nagsabing:

    🙂
    parang pabula lang..nakakatuwa..
    nice🙂

  15. Rosemarie Jasangas ay nagsabing:

    Hahaha yun lang masasabi ko🙂

  16. L ay nagsabing:

    parang based sa true story? tingin ko lang ha. hehe.

    pero hangkyutkyut ni baboy o. lalo na ‘yung naka-police uniform siya. astig din ‘yung drowing kay mantis. nice one, jason.

    honga pala, pibalemtayms.😄

  17. Allen ay nagsabing:

    nawindang ako sa mga double meaning.

    natamaan ako sa posporo joke. mapanlait si daga. hahahaha

  18. bhoxs ACE ay nagsabing:

    hnd lng nman naisip ni kape na nakask8 sya………sama ha…..!

  19. w3wpangetako ay nagsabing:

    w3w

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s