Haring GoldfishSi Haring Goldfish ang namumuno sa kaharian ng Mogumogu.

Dahil sa hindi naman sya taga lupa, lagi syang may may istarbaks na itinitimpla ng kanyang kulisap na alalay.

Mapayapa ang buhay sa kanyang nasasakupan ngunit ang katahimikan ay nabasag sa isang ulat ni Mercury, ang mensaherong Langgam.

Mensaherong Langgam

Mercury: Mahal na hari, mahal na hari, may dala po akong balita!!!

Haring Goldfish: Anu yown? Baket pinagpapawisan ka ng malagket tsaka parang pagod na pagod ka. Ikaw ha.

Mercury: Awww.. Mali po ang inyong iniisip. Unti-unti pong nilalamon ng kulay abo ang ating damuhan!!!

Haring Goldfish: Weh? Di nga? Pag malaman kong nagjojoke ka lang, papatawan kita ng forced eviction. 

Mercury: Ayaw pa maniwala! Tignan nyo po sa may labasan!!!

Sabay na sumilip sina Haring Goldfish at Mercury sa labas gamit ang telescope habang magka-akbay.

Nagkukulay abo ang damuhan

Haring Goldfish: OMEGAD HIGAD!!! Nagiging abo nga ang ating damuhan!  Hala sige, ipatawag mo si Tandang Aw-aw. Sya ang nakakaalam kung anong dapat nating gawin!

Dali-daliang itinupi ni Mercury ang kanyang report papers ng 70 beses  para makagawa ng megaphone origami. Itinapat sa bunganga at sumigaw…

Mercury:  TANDANG AW-AW!!!!!! NASAAN KA NA!!! TINATAWAG KA NG MAHAL NA HARI!!!! HOYYYYYYYYY!!!! HELLO!!! 

Sa malayo pa lamang ay dinig na ang yabag ng paglalakad ni Tandang Aw-aw. Medyo bad mood si Tandang Aw-aw na pumasok ng throne room. Siya ang pinaka ancient na nilalang sa palasyo. Kumbaga bumabahing na ng alikabok at umuubo na ng agiw. Tinatayang nasa 500 years old na sya. May lahing Intsik, at mahilig sa pansit.

Haring Goldfish: Tandang Aw-aw!!! Tandang Aw-aw!!! Tandang Aw-aw!!!

Tandang Aw-aw: Katahimikan! Katahimikan! Di ako bingi, isda! Arf arf! Alam ko na ang nangyayari. Ang kaganapang ito ay nakasulat sa Syete-syete ng Bangbang-Ali, pahina 2004-2012.

Haring Goldfish: Payn. Edi kaw na matalino. Kaw na madunong. Kaw na masungit!

Tandang Aw-aw: Ehem. Ubo, ubo, ubo. Ayon sa propesiya, malapit ng dumating ang araw na unti-unting lalamunin ng dilim ang kahariang Mogumogu. At tanging isang kulisap lamang ang magiging tagapagligtas nito. Arf arf!

Haring Goldfish: Oh hinde!!! Bakit Kulisap? Isa lang ang kulisap dito! Yung taga-timpla ko ng istarbaks. Wala bang ibang choices? Pwede bang si Leon Bagsik o kaya si Tigreng Lisik?

Kulisap: Ano po yun Mahal na Haring Goldfish?

Haring Goldfish: Ay Pudding ng Ina! Wag mo nga kong ginugulat! May sakit ako sa pusod! O sya nandito ka na rin lamang… Pagtimpla mo pa ko ng kapuchino. Natutuyot na hasang ko.

Tandang Aw-aw: Katahimikan! Katahimikan! Arf arf! Batang Kulisap! Huwag ka munang magtimpla ng kape! Ayon sa aking aklat, bubuka ang lupa, magkakaroon ng tsunami, didilim ang langit, babangon ang mga zombies at kakainin tayong lahat para maconvert. Pamumunuan ito ni Maligno.

Haring Goldfish: HUH!!!

Kulisap: WAT!!!

Mercury: ANO?!!!!

Tandang Aw-aw: Nasa Happy Yipee Yehey ba kayo? Ang o-OA nyo a. Kulisap, pumarito ka sa tabi ko. Kumandong ka sa lolo mo. Biro lang. Eto ang mapa na magdadala sayo sa kinaroroonan ni Maligno. Kunin mo din tong bag ni Doreamon. Makakatulong to sa paglalakbay mo.

At sinimulan na niKulisap ang kanyang paglalakbay. Tinignan nya ang mapa. Unang nagliwanag ang piktyur ng baboy. Pinindot nya ito at may 3D Hologram text message na tumipa sa ere… hatid ng Smart.

Kulisap: Hmmmm so ang una kong kailangan ay…. “KUMUHA NG PUPU NG BABOY SA PIGGERY“.

Sumakay ng LRT-2 si Kulisap para mapadali ang paglalakbay. Mahina ang aircon pero pwede ng pagtiyagaan. Mabagal din umandar pero iwas naman sa traffic gawa ng mga tupa at kambing. Pagbaba sa may piggery station, sinalubong kaagad sya ng representative ng mga baboy para kwestyunin kung ano ang pakay nya dito.

Sunny Pig: Password? Oink Oink.

Kulisap: Oink Oink? 

Sunny Pig: Who’s there?

Kulisap: Ummm. Kulisap?

Sunny Pig: Kulisap Who?

Kulisap: Kulisap lang po talaga, wala ng kadugtong.

Sunny Pig: Tsk. killjoy di marunong mag knock-knock joke… 

Kulisap: (Ano ba to, baboy na nagjojoke…) ummm Pwede pong makahingi ng Pupu mo?

Sunny Pig: teka, PUPU ba kamo?

Kulisap: Opo. Pupu. Tae. Dumi. Paulet-ulet?

Tumakbo si Sunny Pig ng nakatayo gamit ang dalawang paa papunta sa kanyang grupo Nagtayo ng mesa, nag-ayos ng mga upuan, nagsaksak ng videoke, at saklaan. Pagkatapos magmeeting ng isang oras…

Sunny Pig: Ehem, ehem… Dahil sagrado ang pupu naming mga baboy, um…. kailangan itong pagpaguran at pagpawisan. Hindi madaling pumupu kaya handa ka na ba sa mga ibibigay naming pagsubok?

Kulisap: Ano ba naman yan, pag ako ang pupupu wala ng seremonyas. Arte naman ng mga baboy na to.

Sunny Pig: May reklamo ka? Sa Court of Appeals ka magreklamo, isama mo pa si Corona. Ayaw mo ata ng pupu ko eh.

Wala ng paligoy-ligoy pa. Sinunod na ni Kulisap lahat ng utos ni Sunny Pig. Una ay bumili ng munchkins sa dunkin donut. Pagkabalik naman ay cream mushroom soup sa Jollibee naman ang iniutos. Pagkatapos naman ay lollipop sa candy corner. Tapos Snickers Fudge Cheese Cake naman sa Banapple sa may Ayala Triangle.

Sunny Pig: At ang huli, bumili ka ng Pizza Bianca sa Shakey’s.

Umalis na sya at pumunta na nga sa Shakey’s. Biglang napaisip si Kulisap. Parang may mali. Parang niloloko na sya ng mga Baboy.

Kulisap: Hmmm… Dapat ko na tong ireport kay Mike Enriquez. Ay tek, onga pala. Yung bag ni Doraemon! Bakit ngayon ko lang naisip? Mabuka nga.

Nagtaka si Kulisap ng makita nya ang laman ng bag. Ineexpect nya na mga pagkain ang laman para di na sya magpabalik-balik sa mga restaurant na may free advertisement dito sa jasonhamster.wordpress.com. Ang laman ng bag ay ANTIOX. Gamot na pampurga. Pambulabog ng mga bulateng makate. Agad naman nya itong buksan gamit ang ngipin. Binuhos nya lahat sa Shakeys Pizza Bianca at ginamitan ng blow dryer para maabsorb kagad.

Kulisap: Mga baboy, pede na po ba kong makahingi ng pupu nyo? Medyo madami na po kasi kayong nakain.

Sunny Pig: HUH? di pa kami nadudumi. Pwedeng intay-intay lang? Tsaka ambastos mo naman. Kumakain pa kami, nagbabanggit ka ng PUPU. Respeto naman sa pagkain, Nakow. Teka, nasan na nga pala ang pizza namen?

Kulisap: Um, eto po oh.

Sunny Pig: Magaling, magaling, magaling. Tikman ko nga… Masarap, masarap, masarap.

Kulisap: Hehehehe.

Pagkalipas ng ilang minuto, binuksan ulit ni Kulisap ang bag at itinapat sa pwet ng baboy para sahurin ang pupu. Tinantsa ni Kulisap kung kailan eepekto ang gamot. Pagkabuka nya ng bag sa ilalim ng puwet ni Sunny Pig..

BLAG! BLAG! BLAG!

May lumabas na kamao at sinapak sya nito. Isang rigt jab, right hook, at uppercut.  Pagkatapos ay binato sya ng garapon.

Kulisap: Aray ko naman. Nanlalaban pala tong bag ni Doraemon. Oo na gagamitin ko na tong garapon! 

Sunny Pig: Teka parang natatae ako! Eto na ko!!! Eto na ko!!! Ahhhhhh!!!!

Pururut!!! Pruttt. prutttt. prt..  prttt… at pahabol na plok, plok, plok.

pupu

Medyo nasobrahan ata sa kain si Sunny Pig kaya naman  natabunan ng halos isang sakong pupu si Kulisap. 

Sunny Pig: SUCCESS…

Nakatakas naman si Kulisap sa awa ng Kataas-taasan at Kagalang-galangang Bathala. Dala-dala ang garapong may lamang pupu, naglinis muna sya ng katawan sa batis gamit ang safeguard at rexona para fresh. Habang naghihilod ng katawan…

Kulisap: Ayoko ng marumi, ayoko ng masikip. Ayaw ko ng putik.

Pagkaahon sa batis ay nagpatuloy na sya sa kanyang misyon. Sumangguni ulit sya sa mapa. Umilaw naman ang piktyur ng gagamba. Pinindot nya ito at may lumabas na 3d hologram text message sa ere… hatid ng Globe.

Kulisap: “KUMUHA NG ISANG ISTIK NG SAPOT NG GAGAMBA.” Hmmm…. Ayun!!! Sa may puno! May gagamba! Ayos. Parang give-away lang!

Nag-ala Ninja si Kulisap at dahan-dahan nyang nilapitan ang sapot ng gagamba para hindi magambala ang mga matis na bantay ng puno. Ngunit sa paglapit nya sa sapot, may nakita syang hindi kaaya-aya… Nagulat sya at napasigaw ng…

Kulisap: HUH!!!

Kulisap: Hala! May mga kulisap na na trap sa sapot ng gagamba! Hindi ito maganda!!! Anong gagawin ko? Teka papalapit na yung gagamba! Anong gagawin ko!!! Aha! Yung bag! Yung bag!!!

Binuka ulit ni Kulisap ang bag ni Doraemon. Nakakita sya ng spider costume. Nag-isip sya ng mga 10 seconds. Tsaka nya narealize na isuot na nga lang ito. Pagkatapos ay lumapit na sya sa gagamba.

Kulisap: Pssst… Pogi. Psssst

Spiderman: HUWAW!!! WIT WIT!!! Hongsexy-sexy, honggondo-gondo mo nomon!!! Ako nga pala si..

Kulisap: Alam ko, ikaw si Gagamba. Hihihi (ampanget naman neto)

Spiderman: Hindi, ako  si Spiderman. Teka anong gusto mo, coffee, tea, or ME? Bwahahahaha

Kulisap: Gusto ko sana ng sapot mo. Penge naman. Saputan mo ako. Omegad! Saputan mo ako!

Spiderman: Masyado ka naman mabilis. Saputan kagad? Di ba pwedeng kiss muna?

Kulisap: Ummmm….

Gagamba: Dali na…

Kulisap: Hmmmm… okey.

Lumapit si Kulisap kay Spiderman, Papalapit ng papalapit ang mga labi…. May napansin si Spiderman na kakaiba.

Gagamba: Hmmmm teka baket parang iba ka sa mga gagambang nakilala ko. Iba ang amoy mo… parang masarap… parang masarap kang kainin…

Kulisap: Ammm.. ano kase… ammm… Nagspray ako ng Albatross! Ay Glade pala!! Ay hindi, Victoria’s Secret pala!!!

Gagamba: Hmmmm hindi eh…. amoy… amoy kulisap ka!!! Aha!!! Kakainin kita!!!

Kulisap: Etong sayo!!! Etong kainin mo panget mo! abnoy! panot!

Pumitas ng pupu si Kulisap mula sa garapon, ibinilog sa kamay na parang kulangot at isinubo kay Spiderman.

Gagamba: YUCK!! YUCK!! EWWWW!!!! EWWWW!!! GROSSSS!!!

Sa isang iglap ay naglaho si Spiderman. Dumeretso pala ng kubeta para sumuka ng sumuka, pagkatapos ay nag-gargle ng Swish. Samantala, pagbuka ni Kulisap sa bag ni Doraemon ay mayroong istik para lagyan ng sapot.

Kulisap: YES!!! May sapot na ko!!! Mga kaibigang Kulisap, buhay pa ba kayo? Wala ba kayong mga kamay? Magpapadala ako ng medic at maraming stretchers. Chill lang muna kayo dyan at may mahalaga pa kong misyon.

Binuka ulet ni Kulisap ang bag ni Doraemon at may kinuha syang gadget. Inihagis nya ito sa mga kulisap na trapped sa sapot.

Kulisap: Mag Xbox muna kayo dyan para di kayo mainip. Paalam!

Mga Kulisap: Ang galing mo Kulisap!  Number 1!!!  Number 1!!!

Sumangguni ulit sa mapa si Kulisap. Sa pagkakataong ito, umilaw naman ang piktyur ni Maligno. This is it. Pinindot nya ito at may lumabas ulit na 3d hologram na text message…. hatid ulit ng smart. (hindi umabot ang signal ng Sun sa Mogumogu.)

Kulisap: Hmmmmm…

“Paghaluin ang pupu ng baboy at sapot ng gagamba”. OKEY…

At Pinaghalo na nga ni Kulisap ang pupu ng baboy at sapot ng gagamba kahit nakakadiri.

Pagkatapos ng 30minutes na paglalamas ng pupu at sapot…  Nagtransform ito bilang isang misteryosong lagusan o PORTAL .

Kulisap: Edi papasok na ko ganon?

Map: Eh ano pa nga ba?

Kulisap: Nakakapagsalita ka?

Map: yep.

Kulisap: Kanina pa ko nakikipagsapalaran dito, di mo man lang ako tinutulungan.

Map: Ngayon mo lang ako kinausap eh. Tse!

Tuluyan na ngang pumasok ng lagusan si Kulisap. Sa dulo ng lagusan ay may ilaw. Parang paraiso. Ngunit nanlaki ang mga mata ni Kulisap sa kanyang nakita.

Kulisap: Sa wakas! Nagkaharap din tayo Maligno!

Maligno: WHO YOU? PANO KA NAKARATING DITO SA CONDO UNIT KO? DUGU-DUGU-GANG KA NO?

Kulisap: Atiban gang ako! Manahimik ka! Anong ginawa mo sa damuhan ng palasyo namin?

Maligno: BWAHAHAHAHAHA! EDI TUMINGIN KA SA TERRACE KO.

Kulisap: Putekkkk!!! Anong ginawa mo kay Mayor Damo, Congresswoman Bangbangsit, at Senator Maugat-Puno? Kinagat mo ba sila? Bakit mo sila ginawang zombie?

Maligno: HUH? DI AKO KUMAKAIN NG GULAY. TINURUKAN KO LANG SILA NG FORMALIN PARA DI MABULOK. DI KO SILA NILULUTO. GAGAWIN KO SILANG FIGURINE.

Kulisap: Wahhh!!! Di lang pala damuhan namin ang nanganganib!!! Itigil mo na tong kabaliwan mo! Di ka ba nag-iisip?

Maligno: DIBA PINAPABAYAAN NYO NAMAN ANG KALIKASAN, AKIN NA LANG SILA. TEKA, PARANG MAGANDA KA RING GAWING FIGURINE. IKAW NEXT DITO. KUHA KA NG NUMBER SA COUNTER. PANG #4 KA.

Kulisap: Pano to? Pano to? Teka, yung bag!!!

Mabilis na binuksan ni Kulisap ang bag ni Doraemon. Ngunit pagbukas nya, nagulat sya dahil ang laman ay…

Kulisap: Ngi! Pusa? Pusa!!! Pano ba to…. FIGHT!!! Sige atakihin mo yang Malignong yan!

Pusa: Meow! Meow! Meow!!!

Kulisap: Nakow… Naloko na. Bag!! Wala na bang ibang laman?

Bag: Wala na eh.

Kulisap: Nakakapagsalita ka din bag? Kanina si map, ngayon ikaw naman bag? Yung totoo. Ako ba si Dora the Explorer?

Lumapit ng dahan-dahan ang pusa kay Maligno. Nilapitan sa paa, diniladilaan ito na parang inaamo.

Maligno: ANG KYUT KYUT KYUT MO NAMAN PUSA. ANONG NEYM MO? KUCHI-KUCHI-KUCHI-KU!!!

Kulisap: Huh?

Maligno: AKIN NA LANG TONG PUSA. SAYO NA ULET TONG MGA HALAMAN MO. ETO NA DIN ANG ANTIDOTE PARA MAALIS ANG FORMALIN. DEAL?

Kulisap: Deal!

Pusa: Meow! Meow! Meow!

Kulisap: Ang husay naman netong pusa ni Sailor Moon. Yehey. Tara na mga bosing na halaman.

Nailigtas ni Kulisap sina Mayor Damo, Congresswoman Bangbangsit, at Senator Maugat-Puno. Subalit ng malapit na silang makabalik sa  Portal…

Maligno: ARGHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!

Pusa: MEOW MEOW MEOW!!!!

Narinig nila na parang may kinakain… Patuloy sa pag-meow ang pusa, at unti-unting nawala ang boses ng maligno… Mabilis na bumalik si Kulisap para tignan kung anong nangyayari. Nadatnan nyang busog na busog na ang pusa sa pagsimot-sarap-kilig to the bones kay Maligno. Agad nya itong inireport sa mga opisyal.

Kulisap: May tinatagong pwersa din pala yung pusa. Akalain mong nakain nya yung Maligno.

Mayor Damo: Maraming salamat sayo Kulisap, nailigtas mo kami, at ang damuhan sa Mogumogu.

Congresswoman Bangbangsit: Di lang yan, syempre pati ang mga puno’t mga bulaklak ay naisalba din.

Senator Maugat-Puno: Teka, kung kinain nung pusa yung Maligno….

Pusa: MEOW! MEOW! MEOW!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! MEOW!!!! ARGHHHHH!!!! ARGHHHH!!!! NAGUGUTOM PA KO!!! MEOW!! MEOW!!

Kulisap: Yung Pusa!!!! Naging Zombie!!! TAKBOOOOOOOOOOOO!!!

About jason

walang clue. nak ng

20 responses »

  1. Arnie ay nagsabing:

    wooooot base si tito >:)<

  2. taribong ay nagsabing:

    Putekkkk!!! Nardong Puteeekkk?!??!😀

  3. aksoriyalmo ay nagsabing:

    Mayor Damo~ parang marijuana ah.

  4. Ian Albert ay nagsabing:

    sponsored by smart ba itey? ahahah😀

  5. marrymhey ay nagsabing:

    awts.. ang kalahi kong pusa naging zombie.. :))

  6. Rj de Lemos ay nagsabing:

    natatawa naman ako…

    aabanga ko ire🙂

    galing mo!

  7. potsquared ay nagsabing:

    ibalik mo sa bag yung pusa!

  8. jhengpot ay nagsabing:

    base! (nakikigaya?) lol

  9. hanabanana143 ay nagsabing:

    hahaha…sObrang aliw ^^

    lafftrip to da max😉

  10. foobarph ay nagsabing:

    wahaha! as usual jason! wala pa reng kupas!

    dami kong tawa sa kombinasyong ito

    Haring Goldfish: HUH!!!
    Kulisap: WAT!!!
    Mercury: ANO?!!!!

    galing ni kulisap! aprub!

  11. lhen8 ay nagsabing:

    MOGU MOGU waaahh sarap inumin yun ah kulet netong post mo now ko lang nabasa

  12. gayshiel ay nagsabing:

    ganda tlga thumbs up para sayo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s