Ako ay may alaga, pusang mataba…  Pussi ang pangalan. Kulay grey sya. Eto sya oh.

MEOW!!!

MEOW!!!

Nadampot ko sya dun sa basurahan sa may plaza. Iniwan yata nung masungit na pusang buntis last week. Napaka tragedic ng buhay nya. Ang tsismis daw eh hiwalay sa asawa yung masungit na pusang buntis.Wawa naman.

Maliit pa lang si Pussi nung nakita ko. Siguro mga 1 day old pa lang. Basta ganun. Pero ngayon jumbo na sya. Pwede ng ilaban sa tournament o kaya ipalaman sa siopao. Biro lang.

Lab na labs ko sya. Madalas ko sya akapin at i kiss. Kaya siguro kinakahulan ako ng mga askals sa village kasi amoy Pussi ako.

Pero dumating sa point na medyo di ko alam kung nagseselos na ba ko sa kanya o di na ko natutuwa. Basta. Kung baga sa status sa facebook, It’s Complicated.

Dumating yung mga araw na…

Madalas tanghali na ko nagigising. Mga hapon naman pag medyo pagod at maraming booking. Biro lang ulet.

Magsisisigaw na si Mama nyan. Siya mismo yung instant alarm clock. Alam mo yung sa umaga yung may naka megaphone…

“Sirang Electric Fan! Sirang Gas stove! Sirang TV! Papalitan po namin ng mga planggana, balde, tabo!!!”

Ganon.

Mama: Hoy!!! Kups! Anong oras na! Tapos na Showtime at Eat Bulaga, tulog ka pa din. Kaninang 4:30 ng madaling araw pa kita ginigising. Tulog mantika ka talaga. Alas Tres na. Ayan magagalit sayo si Jesus, ayan nakatingin sayo oh.  3 oclock Prayer na sa chanel 2, tignan mo.

Edi syempre ako naman, dutdut muna ng muta at kulangot sabay pitik-pitik. Didilat ng kaunti, pungay effect. Titingin-tingin sa paligid na parang singkit. Kaso wa-epek ang patweetums. Di na kyut sa paningin ni Mama.

Mama: Bumangon na sabi! Ang kalat-kalat ng kwarto mo oh. Dumilat ka na nga. Hmmm may kamuka ka. Yung bagong panganak na dagang nasisilaw sa liwanag. Hahahaha

Payn. Ako na may kamukhang hayop. Si Mama talaga. Pagbangon ko sa kama, nagkusot na ko ng mga mata. Tapos makikita ko si Pussi, ang himbing ng tulog.  Dapat gumising na din to eh. Pahiran ko to ng kulangot e.

Gisingin ko na nga para sabay kami kumain.

Pero bago ko pa sya batuhin ng bike… ummm…

Bago ko pala sya tapikin at gisingin…

Mama: Hoy Kups! Hold your horse! You’re under Arrest! Wag mo nga gisingin si Pussi!

Eto na naman tayo… daig pa ni Mama ang mga kotong cops sa pagiging listo. Teka anong horse pinagsasasabe neto? 

Mama: A-Pussi-Pussi-Pussi ko ang kyut-kyut-kyut matulog. (Habang papalapit at inuumpisahang himasin si Pussi)

Aba, si Mama, kung mabeybi naman si Pussi, wagas! Kainggit lang.  Makapasok nga sa ref at makapagkalkal ng malalamon. 

Nakow. Cereal lang pagkain. Sa bagay, kagigising ko lang. Tamang-tama. Pero bago pa ko sumubo ng isang kutsarang nag-uumapaw sa cereal…

Mama: Hephephep Hanep! Baket mo tinitira ang cereals? Almusal natin yan bukas! Wag mong ubusin yan imbis na kumakain ka dyan bat di ka magbantay ng mga raindeer sa backyard natin?

Edi ako naman si opo mama, opo mama. Lagi na lang opo mama. Kaunti lang nakain kong cereals. Alas tres na pero eto lang laman ng tyan ko. Goodluck  saken. Ililigpit ko pa lang yung kinainan ko, narinig ko na naman si mama.

Mama: Ajujuju sige lang Pussi, kain lang ng kain. Baka mangayayat ang beybi.

Grrrrrr. Namumuro na saken tong Pussi na to. Masyadong pakyut! Masyadong pabida ala- Robin Padilla! Papungay-pungay pa ng mata! Haluan ko kaya ng Palmolive yung Whiskas neto. 

Makapaglaro na nga lang sa kwarto. Teka san ko ba napatong yun? Nandito lang yun eh. Ayun nasa ilalim ng mga medyas at brip. Bat nandito to.

Ano ba bagong apps ngayon at ng maidownload. Ayun! Draw Something! Sige mukhang maganda to… Teka… New York? Pano ko dadrawing ang New York? Isusulat ko na nga lang, sayang score…

Mama: Ipad na naman! Ipad ka ng Ipad! Late ka na nga nagising yan pa hawak mo! Punta ka muna sa creek naten, pakainin mo yung mga crocodiles ng daddy mo.

Hayyyyyyy. Ano ba to. Linggong-linggo e. di ako makapagrelax. Teka ano yun?

Hihihihi…. Hihihihi…. Hihihi….

Sino na naman kaya yung baliw na humahagikhik? Parang kinikiliti sa mani. Hmmmm Teka, parang sa bahay galing.

Hihihihi…. Hihihihi…. Hihihi….

Di kaya may nakapasok na dwende sa bahay? O kaya Undin?

“Kruutttiiiiiiin…. Kruutiiiiiinnnnn… Hawak ko ang mga itlog mo… Kruttttiiiinnnn…” – Manilyn Reynes sa Shake Rattle and Roll 3

Pagkabalik ko sa bahay… 

Mama: Hihihihi ang kyut mo magdrawing Pussi. Teka wag mo masyado hampasin ng Paws mo yang Ipad. baka magasgasan. Hihihihi Draw a Muscle daw Pussi, dali idrawing mo si Zsa-zsa Padilla. Hihihi

Wahhhh… Talagang nagbobonding sina mama at Pussi sa Ipad. Payn! Papagawan ko ng rebulto tong dalawang to, ala- Hachiko. Yung aso sa Japan. Basta yun.

Mama: O nandyan na pala yung inorder kong Pizza. Kups kunin mo na sa delivery boy. Nasa gate pagbuksan mo.

Edi kinuha ko nga yung pizza at ako din nagbayad. 

Mama: Ikuha mo nga ko ng dalawang hiwa, bibigay ko kay Pussi yung isa mukhang gutom na naman. Hipan mo muna baka mapaso si Pussi.

Itatapat ko sana sa Condura Aircon yung pizza kaso baka maalikabukan. Kaya pumitas na lang ako ng pambansang dahong Anahaw sa may terrace para ipaypay sa pizza ni Pussi. 


Mama: Huwaw!!! Nagustuhan ni Pussi ang Pizza. Nagustuhan ang Pizza ni Pussi!!! Huwaw!!!

Ako: A, a, a… (sumesenyas na parang pusa, nagkakamot ng ulo, kunwareng dinidilaan ang likod ng kamay.)

Mama: Hahahaha comedian ka ba anak? Hahahahahah parang timang to. Bat mo ginagaya si Pussi.

Ako: A, a, a…(yumuko ako, gamit ang mga kamay nag-paikot-ikot ako sabay kamot, kamot, kamot sa ulo, at kunwareng dinidilaan ang likod ng kamay)

Mama: Hahahaah tumigil ka na nga dyan. Nagseselos pa tong Kups na to, halika nga dito. Paakap nga Kups. I love you Kups ko.

Kung nakakapagsalita lang sana ko, masasabihan din kita ng I love you too Mama.


About jason

walang clue. nak ng

35 responses »

  1. partofyou ay nagsabing:

    wagas yung amoy pussi, hakhak! hang ganda nitong post mu!

  2. 1111 ay nagsabing:

    tugon… wala bang turon?

  3. jhengpot ay nagsabing:

    Ang ganda naman ng ending nito. May moral lesson! Haha anudaw! Tawa much sa raindeer sa backyard! Pak! Sana may part na nagpakita ng talent si pussi at nagsayaw siya ng teach me how to dougie. Hahaha korni ko!

  4. ooh…. ang sweet naman ng ending…… tamang tama to lapit na ang mother’s day….galing bespren!!

  5. mondenero ay nagsabing:

    base!

  6. Arnie ay nagsabing:

    Hehehe. Naaliw ako sa choice of wordS mo. Ang adik lng asan ang mani. Juk

  7. coolwaterworks ay nagsabing:

    Ano ang moral lesson? Hehehe… La lang… Nakakaaliw ang kwento…🙂

  8. hanabanana143 ay nagsabing:

    wow… ang sweet…. ganda naman ng ending ♥

  9. J. ay nagsabing:

    Ang cute cute lang ni pussi, muka syang mousy. haha.

  10. meng rante ay nagsabing:

    very good history

  11. jona ay nagsabing:

    ganda naman

  12. bagotilyo ay nagsabing:

    napangiti ako sa istorya. ^___^

  13. ilovemyfamily ay nagsabing:

    napa iyak ako kawawa naman yung bata joke!!!!!!! hahahhah!!!!!

  14. BerneMarie :) ay nagsabing:

    ahahhahah maganda yung kwentu……:)

  15. BerneMarie :) ay nagsabing:

    whetwew!!!!

  16. BABY LOws ay nagsabing:

    galeng! gayang gaya si pusssiii!!!! eto nalang i HOME READING REPORT KO!!!
    LOVE IT

  17. вαву ℓσωѕ ay nagsabing:

    Sana di mo nalang pinulot si pussii selos ka nama pala:/

  18. Kagandahan ay nagsabing:

    Ang ganda naman ng kwento nito🙂

  19. TJ.TINX ay nagsabing:

    ANG PANGIT NAMAN

  20. rhise ay nagsabing:

    nakakatuwa at ganda ng ending…

  21. @JoeSoya ay nagsabing:

    ang kyut🙂 kelan kaya ako makakagawa ng kyut🙂

  22. diana rose valencia ay nagsabing:

    what a cute ending :)….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s