Tahimik na namumuhay ang mga hayop at halamang dagat sa Atlantis, isang natatagong paraiso sa ilalim ng Karagatang Pasipiko.

Masayang naglalampungan ang mga balyena at mga hipon, masayang nagbubunjee jumping ang mga Koi at nagrapelling ang mga amoeba. Ngunit isang araw…

Si Hydra ang dakilang pinuno ng Atlantis. Mayroon syang tatlong ulo. Bilangin natin sila. Isa, dalawa, tatlo!!! Ang husay!

Hydra 1: Sumasama pakiramdam ko. Parang may something. Nagwawater na tong eye-patch ko eh.

Hydra 2: Ansabe ng red lipstick ko? Teka. Umiiba ang ihip ng tubig. Medyo malamig. Sabi sa Fengshui kapag lumalamig daw ang tubig, may problemang dadating.

Hydra 3: Teka, tara! Tara tena! Yung estatwa ni Corazon!!!

May kutob ang Hydra na may masamang mangyayari sa Atlantis. Meron silang ala- spider sense ni Spiderman. Ang estatwa ni Corazon ay ang pinakaiingat-ingatang kayamanan ng Atlantis. Taglay nito ang Mahiwagang Sintas na syang nagbabalanse sa lebel ng tubig at asin. Kapag nasira ang balanse, maaaaring umalat ng todo o tumabang ang mga halaman at mga hayup-dagat. Kapag nangyari yun, wala ng mangingisda ang tatambay sa tapat ng Atlantis. Tatamlay ang bentahan sa palengke. Nakakalungkot. Babagsak na naman ang ekonomiya ng Pilipinas.

Pinatay muna ng Hydra ang DVD player na may nakasalang na Kamasutra for Dragons. Pagkatapos ay sumakay ng LRT  para makarating sa District kung saan nakatayo ang Estatwa ni Corazon na inihulma kay Erich Gonzales, ang unang Aswang. Nadatnan nila dito ang dalawang Sugpo na naka-dress to kill ang drama.

Sugpo 1: Magandang araw sa inyo Kamahalang Hydra.

Sugpo 2: Anyare? Baket kayo nandito?

Pagkatapos magpagpag ng alikabok na nakuha sa biyahe, nagpahid ng moisturizer sa balat, at agad na napalingon ang  mga ulo sa estatwa ng sabay-sabay na parang nasa gagshow lang.

Hydra 1: Yung Estatwa ni Corazon!!! Tingnanamo!

Hydra 2: Wag ka magmura. Nakikita ko. Okey na man ang Estatwa kuya. Teka… Parang madumi na. Bat kulay abo na? Hindi nyo na ba pinapahidan ng Kiwi to? Que Horror! Que Barbaridad!

Hydra 3: Ate tungaks ka, yung sintas! Nawawala! May kumuha! Hula ko may nagnakaw. O baka may nagtago! O baka naman may kumain!

Sugpo 1: Pinagsasasabi netong mga to? Nawawala ang sintas? Wehh

Sugpo 2: Anong nawawala??? Wala naman…

Nagvertical flip ang dalawang Sugpo para tignan ang Estatwa. Confirmed. Nawawala ang ang Mahiwagang Sintas ni Corazon. Lagot sila.

Sugpo 1: Pano kaya to? Mag-isip ka ng paraan huyy….

Sugpo 2: Yung highblood ko tumataas punta lang po akong clinic!

Sugpo 1: Medic! Medic! Stretcher please!!!! Hinahighblood sa batok si Sugpo! Nag-adik na naman kasi sa tahong!

Sa isang iglap ay umeskapo na ang dalawang pulpol at walang kwentang tagapagbantay ng estatwa. Nanlisik ang mga mata ng Hydra dahil sa galit. Hindi lang nila alam ang pwedeng mangyari kapag may nakakuha ng Mahiwagang Sintas. 

Hydra 1: Kelangan gumawa tayo ng paraan. Kelangan mahanap natin kung sino ang nagnakaw ng Sintas.

Hydra 2: PUSIT!!!

Hydra 3: HITO!!!

Hydra 1: Ipinatawag namin kayong dalawa para ipadala sa Iraq. Biro lang. May emergency!!! May nagnakaw ng Mahiwagang Sintas!!!

Hydra 2: Kailangang maisauli ang Sintas sa Estatwa ni Corazon bago sumapit ang dilim. Kapag nabigo kayo, kakainin ni Sharon Cuneta ang buong Atlantis.

Hydra 3: Utang na loob. Galingan ninyo.

Pusit: Gagawin ko po ang aking makakaya sa ngalan ng buwan. 

Hito: Ngayon na? Agad-agad?

At iyon na nga. Nagsimula ng mangalap ng clues sina Pusit at Hito. Dumaan muna sa ministop para magmeryenda ng Magnum. Dahil sa mahal ang ice cream, naglakad na lang sila papuntang baryo. Doon sila mag-iinterview baka may makita silang star witness your honor.

Pusit: Excuse me po mga hayop, bakit po kayo naiyak ng sabay-sabay? May problema po ba kayo?

Hito: Sino pong nadedbol???

Isdang Malansa: Huhuhuhu hinde, may nangkidnap kasi sa dalagambukid ko. Alam nyo ba, dalaga na yung anak ko?

Hito: Ay, hindi po kasi kami nainform.

Kabayong Seahorse: Tatlo anak ko nawawala. Paggising ko kanina sila wala na. Yung isa debutant na. Baka tanan-tanan na sa boypren nya politician. O baka kidnap ng sindikato. Tulongan nyo kami. Huhuhuhu

Misis Krabs: Huhuhuhu yung dalaga ko, isasali ko pa naman sya sa Miss Palengke 2012. Sayang naman tong pinatahi kong gown. Sino magsusuot nito? Sinong sasali? Sana etong makukulet kong anak na lalaki na lang ang nakidnap. Huhuhuhu

Mama Pagong: Parang alam ko na! Yung apat na birheng dalaga ko lang ang nawawala. Yung natitirang limandaan kong anak hindi nawala. So, mga birheng dalaga lang ang mga nawawala. Kuha nyo? 

Pusit: Kawawa naman po pala kayo lahat. Kung pwede lang sana ako na lang ang nawala kesa mga anak nyo. 

Hito: Hindi pwede. Hindi ka pwedeng kidnappin. Deafness ka ba? Hindi ka na birhen eh. LOL

Pusit: Sa bagay. Pero hula ko, may kinalaman tong nangyayaring to sa pagkawala ng Mahiwagang  Sintas.

Hito: Hula ko dahil sa Mahiwagang Sintas kaya nawala yung mga babae. May kinalaman to sa nawawalang Mahiwagang Sintas eh. Hula ko lang.

Pusit: Hito, gusto mong mamaga mukha mo tulad ng kay Charice Pempengco?

Hito: Sabi ko nga hanapin na natin yung mga anak nila.

Pusit: Teka ano yung mga yun sa langit? Ayun oh! yunnnnn!!! Tingala kayong lahat ayun ohhh!! Ayun!!!

Hito: Langit? Puro tubig lang nakikita ko.

Nagmistulang stampede sa ULTRA ang kalangitan ng karagatan. Mga nailcutter. Ang laki-laki nila at ang dami-dami pa. Sumusugod ang mga ito!!!

Pusit:  Omegad! Ano yang mga yan!!! Bakit sila papunta dito!

Hito: Mga nailcutter yata??? Takbo!!! Langoy!!! 

Hinabol ng mga giant nailcutters ang mga hayup- dagat. Inabot ng tatlong oras ang takbuhan at languyan. Tsaka pa lang naisipan nina Pusit at Hito na labanan ang mga ito, katulong ng mga kaibigan nila.

Hito: Go Sea Horse! I choose You!!!

Sea Horse: Sea-sea-sea horseeeeee!!!! Seahorse!!

Hito: Sea Horse! Use Fire Breath on Nail Cutter!!!

Sea Horse: Sea horrrrrrsseeeeeee!!!! Yahhhh!!!!

Pusit: Pokemon? Ayos din trip nyo ah, kasinghot ng katol?  Sige Isdang Malansa, Gagalamayin ko sya, tapos atakihin mo!!! 

Isdang Malansa: K.

Misis Krab: Mama Pagong gagawin kitang boomerang! Inom ka muna netong Bonamin para di ka mahilo sa byahe!

Mama Pagong: Para sa isandaang anak ko!!!…. ang laban na to!!! 

Nagapi ng magkakaibigang hayup-dagat ang mga nailcutter monsters. Nagsi-alisan ang lahat,  maliban sa isang napuruhan ata. Mapapansing nilapitan ito ni Kabayong Seahorse. Tinitigan, inamoy, at dinila-dilaan ng sampung beses.

Kabayong Seahorse: Ang ribbon na yan!!! Regalo ko sa baby ko yan!!! Baket nasayo ang ribbon ng anak ko? OMEGAD!!! Huhuhuhuhuhu Patay na anak ko!!!

Pusit: Kalma ka lang Kabayong Seahorse. Wag ka muna mag-assume. Maraming namamatay sa pag-aassume. Malay mo naman, anak mo talaga yang nailcutter na yan. Tapos, tapos, sinumpa lang sya, tapos, tapos, pag nasira ang sumpa, babalik sya sa dati, tapos, tapos…

Hito: Detective Conan kaw ba yan?

Pagong: Wahh! Ang mga kinalaban natin kanina ay mga anak natin??? Huhuhuhu

Malansang Isda: Huhuhuhu bakit sila naging nailcutter. Baket nailcutter pa!!! Pwede namang arinola o kaya singkamas. Huhuhuhu

Misis Krab: (nagcollapse)

Pusit: Wag kayong mag-alala. May naisip akong paraan para mahanap ang lungga ng mga nailcutter na anak ninyo.

Binugahan ni Pusit ng espesyal na likido ang Nailcutter Monster na anak ni Kabayong Seahorse.

Pagkatapos bugahan ng espesyal na likido, tinurukan nila ng steriods ang nailcutter para makauwi na ito sa kanyang pinanggalingan. Ang espesyal na likido ay ang magsisilbing tracking device. Ang tracking device ay isang paraan para matukoy ang bawat galaw ng isang tao, bagay, hayop, atbp, o ang kanyang lugar na kinaroroonan. Sabi ni Kuya Kim.

Pusit: Hito, pakilabas nga dyan sa bituka mo yung Radar natin, nang sa ganon eh ma-track natin kung saan uuwi yung nailcutter.

Hito: K.

Pusit: Utak hito ka talaga.

Hito: Malamang. Teka baket galit ka na naman???

Pusit: Dragonball Radar yan! Sino ba hinahanap naten, yung Dragon???

Hito: Pwede na to! Choosy ka pa.

Sa tulong ng Espesyal na likido at ng Dragonball Radar, madali nilang natunton kung saan rumerenta ng upa ang mga Nailcutter Monsters slash mga birheng anak ng mga kaibigan nilang Hayup-Dagat.

Pusit: Aha! Dyan pala sa Malaking Pinya ang lungga ng mga Nailcutter. Siguro nandyan din ang big boss nila. Sino naman kaya nakatira sa isang pinya, sa ilalim ng dagat?

Hito: Ohhhhhhhhhhhhhh Who lives in a pineapple under the sea????

Pusit: Tara pasukin natin. Pero dahan-dahan lang.

Hito: HOYYYYYYYY KUNG SINO KA MANG NAGNAKAW NG MAHIWAGANG SINTAS, AT NANGKULAM SA MGA BATA!!! LUMABAS KA NA! NAPAPALIGIRAN NA KITA! KASAMA NAMIN SI CLAUDINE BARETTO SUMUKO KA NA!!!

Pusit: Kasasabi lang, dahan-dahan diba. Ibalik kita sa rehab e.

Hito: Sorry, na carried away lang.

At pinasok na nga nila Pusit at Hito ang Pineapple Under The Sea. Laking gulat nila sa kanilang nakita. Napa- HUHHHHH!!! sila ng sabay.

Hito: Shaks! Ang daming fish! Yum yum yum!!!

Pusit: Ilabas mo si Spongebob! Baket mo sya kinaen!

Pogita: Anong pinagsasasabi mo dyan? Sinetch?

Pusit: Ay, yung mga batang hayup-dagat pala! Asan sila! Yung mga ginawa mong nailcutter!

Hito: Honga! Bad ka! Demonyo ka! Mamatay keneeeeeeee!!!

Pogita: Hahahaha Tatawa na ba ko? Hindi porket koreano ka, magaling ka ng magtaekwondo. Wag kang mag-aangas, sa Pogitang may armas. Kami yung mga tipo na hindi umaatras.

Pusit: Sandali lang, huwag muna kayong maglaban. Iwasan na natin ang sakitan. Wag na tayong maging Valiente.

Hito: Pero Pusit, Hindi tayo dapat nag papaagrabyado. Masyado ng magulo ang mundo. Ang mundo ngayon ay isang malaking Quiapo. Maraming snatcher. Mananakawan ka. Lumaban ka.

Pusit: Carmi Martin manahimik ka dyan. Lalo mong ginagalit si Rez Cortez. Este yung Pogita. Mamang Pogita, Baka may ibang paraan para mabawi namin ang mga kauri namin. Pati na rin ang Mahiwagang Sintas na pagmamay-ari ng Estatwa ni Corazon.

Pogita: Pero para saan pa tong mga espada ko kung di ko kayo hihiwain sa gitna at gagawing daing? O sige. MAKIKIPAGPUSTAHAN ako sa inyo. Pagnanalo kayo, Ibabalik ko na ang Mahiwagang Sintas at ibabalik ko na sa dati ang mga Nailcutter na to kahit nag eenjoy pa ko sa kanila. Pero pag nanalo ako, gagawin ko kayong Sushi at ibebenta sa Canteen ng Manila Bulletin. At saka… Ano pang maiooffer nyo saken?

Pusit: Ammm….

Hito: Eto pong treasure chest na may lamang treasure ni Pusit!!!

Pusit: Put—– Putik! Ano na naman yan Hito! Tang—– Tanggalin mo nga yan dyan! Baket mo dala yan! Aba’y Tarant—— Tarantula! Papakain kita sa Tarantula ko, hito ka!!!

Pogita: Ayan Deal! Mwahehehehehe! Huahuahuahua!!! Ilapag na natin ang mga pusta natin. 

Pogita:Ayan. Nakalapag na ang mga pusta. Simulan na nating ang laro!

Pusit: Hmmmm Anong klaseng laro naman kaya to? Sana Tug of war. Magaling ako dun. O kaya arnis. Pwede ding Water Polo.

Hito: Pusoy Dos, Mahjong, Tongits!!! Wooohoooo!!!

Pogita: Huahuahuahua! Patawa talaga kayo. Teka… Mga Kawal!!! ILABAS ANG VIDEO KARERA!!! HUAHUAHUAHUA!!!

Pogita: Sige, kayo na bahala maunang mamili kung kanino kayo pupusta.

Pusit: Sige, Kay Marie ako. Mukhang matapang, at palaban.

Hito: P’rang type ko si Champaca. P’rang may kakaibang Charisma. P’rang… P’rang ano.

Pusit: P’ra kang tanga Hito. Kay Marie na tayo. Ako na pipili ng kabayo naten. Engot ka eh ipinusta mo pa mga kayamanan ko.

Pogita: Sige, Sakin si Kukurikapo. Sige, simulan na naten. Black, Brown, and Yellow, pili na kayooooooooooooooohhhh…. GO!!!!

At nagsimula na nga ang karera. Kung ano ang ingay ni Hito, iyon naman ang ikinatahimik ni Pusit na taimtim na nagdarasal kay Poseidon ang Diyos ng Karagatan. Si Pogita naman ay patawa-tawa lang na parang tanga.

Hito: Marie! Kaya mo yan!!!! Amazing! Nangunguna ka na! Amazing! Amazing!

Pusit: Bless us, Oh Lord, and these thy gifts which we are about to receive from thy bounty, through Christ, Our Lord. Amen. Sana manalo si Marie.

Pogita: Ano ba yan, pustahan na nga lang, dinadaan pa sa dasal. Nagtext si Lord, ayaw daw nya ng ganyan.

Mukhang effective ang UST Salinggawi Cheering Squad ni Hito at ang pagnonovena ni Pusit. Nangununa na sa karera si Marie. Pero sa isang iglap, nagulat ang dalawang bida.

Pusit: Watdapak!

Hito: Anyare!!!!!

Biglang tumayo si Kukurikapo ang kabayong bet na bet ni Pogita, at nag-ala Lydia De Vega sa pagtakbo.

Pogita: Ako, ang nagwagi!!!  Oh, kay saya ko!!! Pano ba yan. MWAHEHEHEHEHE Gagawin ko na kayong sushi, at akin ang ang kayamanan mo Pusit.

Pusit: Madaya ka Pogita! Madugas! Kapatid ka ng sinungaling, pinsan ka ng magnanakaw at pamangkin ka ng Prosti! Grrrrr!!!

Hito: Ayoko ng tinatapakan ako! Ayoko ng masikip, ayoko ng mainit! Ayoko ng walang tubig! Ayoko ng mabaho! Pano na yan Pusit. Anong gagawin natin? Huhuhu

Pogita: Bago ko kayo gawing daing, akin na muna tong baul. Huahuahuahua

Dahan-dahang nilapitan ni Pogita habang nagbaballet, ang Baul. Ngunit sa isang iglap, nilabasan ng maliwanag na ilaw ang baul. Parang may sarili itong buhay.

Hinigop ng Baul si Pogita at kasingbilis ng isang Kisapmata ng Rivermaya ang pagsara ng baul. Isa pala itong patibong na pinag-isipang mabuti ni Hito.

Hito: Meowth! That’s right!

Hindi makapaniwala si Pusit hindi sa nangyari, kundi sa ganon pala katalino si Hito. Hindi nya inaasahan talaga. Sa sobrang saya nya, napapalakpak sya ng mga fifty seconds at nabilhan kagad ng trip to Japan ticket si Hito. 

Pusit: Magaling, magaling, magaling.

Hito: Hula ko natalo na natin ang Pogitang madaya sa video karera. Akalain mong natalo si Marie. Di ako maka getober.

Pusit: Hahahaha, teka, ang sintas!!! Nakay Pogita ang mahiwagang sintas! Pano na!!! Ibuka mo ang baul! Ibuka mo! Ibuka mo sabi!!! Push!!! Push!!!

Hito: Teka, wag kang praning. Ayun yung sintas oh! Tignan mo sa sulok.

Hito: Teka lang… Spongebob! Patrick!!! Nasa inyo pala ang Sintas! Kayo ang mga magnanakaw! Hindi ko akalain na kaya nyong gawin to. Tsk, tsk, tsk. Tara sa baranggay.

Pusit: Engot. Ginapos sa kanila ng Pogita yung mahiwagang sintas. Dali, alisin na natin yung tali at isauli sa Estatwa ni Corazon.

Hito: Etong mga nailcutter, iiwanan na natin?

Pusit: Onga pala, isama natin. Baket kaya di pa sila bumabalik sa dating anyo? Nasarapan? Nagenjoy?

Iniwan na nila Pusit at Hito sina Spongebob at Patrick sa Pineapple under the sea. Nagpasalamat ang mga ito at binigyan pa sila ng cinema passes sa Greenhills. Agad na sumakay ng MRT ang dalawa, kasama ang mga Nailcutters para makabalik sa Kaharian.

Pusit: Kamahalang Hydra! Eto na po yung mahiwagang sintas. Medyo may amoy na, pero eto talaga yun.

Hito: Anong reward namin?

Hydra 1: Ang husay!

Hydra 2: Buti na lang umabot kayo sa oras!

Hydra 3: Dali! Isuot na natin sa estatwa ni Corazon ang mahiwagang sintas bago pa mahuli ang lahat!

Unti-unting nagliwanag ang estatwa ni Corazon, at nagkaroon ng pagbabago. Lumitaw ang tunay na anyo nito. Mula sa matamlay na itsura, naging kaaya-aya ang itsura nito… sa iba.

Pusit: Sa wakas! Nagbalik na ang dating si Corazon!

Hito: NGI! AMPANGIT PALA NI CORAZON!

Hydra 1: Hahahahaha Di naman masyado Hito, tandaan na ang kagandahan sa ating mga hayup-dagat ay nasa loob.

Hito: Estatwa nga lang po yan. Tsaka ano to, beauty pageant? May speech talaga?

Hydra 2: Hahaha  ang aadik ninyo. Teka, eto ang malufet!!! Tignan nyo yung mga nail cutter nag-tatransform na!

Hydra 3: Teka minsan lang to mangyari! Ipapavideo recording ko kay Tulfo.

Isa-isa na nang bumalik sa dating anyo ang mga Nailcutters mula sa sumpa ni Pogita.

Malansang Isda: Anak ko! Nagbalik ka na. Dali magsaing ka na! Ano pang tinatayo-tayo mo dyan. Hahahaha Jowk lang! Jowk lang wag ka ng umiyak. LOL

Seahorse: Mga baby ko, kumusta na kayo? Sorry ha, kasi di namin alam na kayo yung mga nailcutters kanina. Nagulpi tuloy namin kayo ng todo. Hihihi. Tara manood tayo ng Spiderman 3, yung 3D.

Mama Pagong: Mga anak! Namiss ko kayo! Tara dali, ililibre ko kayo ng Pizza. Namimiss na rin kayo ng daddy Splinter nyo. Ikaw Misis Krabs, asan na ang anak mo?

Misis Krabs: Amm.. kase, wala naman talaga kong anak na babae. Nakikiuso lang ako sa inyo kanina. Hihihihi

Samantala, sa sobrang pagkatuwa ng Hydra…

Hydra 1: Dahil sa kayong dalawa ay magagaling at mahuhusay at matatalino, at kyut…

Hydra 2: Tanggapin ninyo ang mga korona nyo.

Hydra 3: Kayo na ang mga bagong prinsipe ng Atlantis.

Pusit: Wow. Talaga??? Nakakapressure naman. Hahaha

Hito: Eto lang? Asan ang sash? ang scepter? ang championship belt? Ang cash?

Samantala ulet… Sa kagubatan ng Atlantis na kung saan ipinatapon ang baul ni Pogita…

Itutuloy…

About jason

walang clue. nak ng

15 responses »

  1. Bino ay nagsabing:

    naaliw akos a kwento! at talagang may continuation! aabangang😀

  2. otep ay nagsabing:

    di ko pa nababasa.. epal lang.😀

  3. nyahahahaha…. ang husay!… pinasaya mo ang maulan kong araw.. teka maulan nga pla talaga.. hehehehe..😀

  4. hana banana ay nagsabing:

    wahahahaha… wagas ang laugh trip ko with my bff habang nagbabasa🙂

    ang galing mo jason!!! idol!

  5. sphereq ay nagsabing:

    hahaha bunsoy!!!! ang haba haba tapos ang daming location tapos ang daming character tapos may itutuloy pa.

  6. borednightcrawler ay nagsabing:

    wala ka pa ring kupas pareng hamster. napapangiti pa rin ako ng mga drawing at istorya mo. Kaso, may kalaban ka na sa mga ganito. hehe. kaya dalasan ang pagpost. Malamig na gabi🙂

  7. bulakbol ay nagsabing:

    hamster, gawa mo nga ako ng paint ng batang bulakbolero? plit. thanks!

  8. Rigel Ordinario ay nagsabing:

    Haha! Dami kong tawa dito sa kwento mo!😀

  9. вαву ℓσωѕ ay nagsabing:

    Sinali pa si MAGNUM ah
    meyron pa si ERICH GONZALES
    tapos SHARON CUNETA!!!!!!
    penge naman ng Magnum!!!! gutoma me eh!!!!
    ^_^

  10. eliment ay nagsabing:

    ayos. walang kakupas kupas. hehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s