May matalik na magkaibigan. Sina Brush Hopper at Ink Credible.

Madalas silang maglaro sa abandonadong bahay sa likod ng Unicorn.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakapagpaint ng napakagandang obra si Brush sa may batuhan.

Isa itong hardin na may mga lumilipad na insekto sa paligid.

Brush Hopper: Ha-ha! Ang ganda ng painting ko. Panis!

Ink Credible: Honga! First time mo atang makagawa ng landscape. Kadalasan mo kasing ginagawa eh mga abstract. Di maintindihan! Hahahaha!

Brush Hopper: Sira! Hindi abstract mga paintings ko! Mga sketches lang na di natatapos. Yabang neto. Haha!

Ink Credible: Teka! Tignan mo yung painting mo sa may bato!

Brush Hopper: Bakit nailaw yan? Anong meron sa tinta mo, Ink?

Ink Credible: Aba’y ewan ko, tara lapitan natin!

Brush Hopper: Teka!!!

May parang vacuum cleaner effect ang painting sa batuhan. Nagmistulang Tug of War ang dalawang matalik na magkaibigan sa pakikipaghatakan sa bato. 

Hinigop sila ng painting. The End.

Brush Hopper: Woah!!

Ink Credible: Amazing!!!

Brush Hopper: Yung mga Paru-paro! Bubuyog! Tubi-tubi!

Ink Credible: Tutubi! Baliw ka. Hahaha! Teka.. Kung ganon, nasa Enchanted Insect Garden tayo!!! Wow. Matagal ko ng gustong magfield trip! Kaso ang layo-layo-layo-layo!!!

Brush Hopper: Wow! Eto nga yung painting ko. Teka, may magic ang tinta mo, Ink Credible ka talaga! LOL

Ink Credible: Ganon? Tara makipaglaro na tayo sa mga insektong yan! Tapos hulihin natin! Tapos maghanap tayo ng lechong garapata!  Yipee!!!

Brush Hopper: Tara!!!! Wooooooooooo!!!

Makalipas ang isang oras, unti-unting lumalabo ang kapaligiran, parang TV Screen na humihina ang signal. Sa isang kisapmata ay nakabalik na sa batuhan ang magkaibigan.

Brush Hopper: Nahihilo ako. Pero ayos ah!

Ink Credible: Okey sa alright! Sige subukan pa natin, one more time! Sa kalawakan naman. 

Brush Hopper: Ayoko sa kalawakan. Gusto ko sa space. Pero, pano naman tayo makakahinga dun? 

Ink Credible: Edi magpainting ka din ng Space Helmet na may oxygen sa loob.

Brush Hopper: K.

At sinimulan ng isawsaw ni Brush Hopper ang kanyang katawan kay Ink Credible at gumiling-giling para makapagsimula ng makapagpaint sa katabing bato. Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na ang painting.

Ink Credible: O heto na ko, kumapit ka sakin.

Brush Hopper: Yehey!!!!

Napunta na nga sa kalawakan ang matalik na magkaibigan. Tuwang-tuwa ang dalawa na parang mga bata. Nakapagbowling sila sa  napakagandang planetang Saturn, nakapag Temple Run sa Milky way, at iba pa. Hindi nila nalapitan ang Blackhole. Sayang.

Makalipas muli ang isang oras ay nakabalik na sila sa tabi ng batong may painting na kalawakan.

Brush Hopper: ….

Ink Credible:…

Speechless ang dalawa. Pero pagkatapos ng ilang segundo ay tumawa na lang sila ng tumawa ng pagkalakas-lakas. Abot hanggang Mindanao.

Brush Hopper: O sya, uwi na ko, manonood pa ko ng Walang Tulugan with Master Showman.

Ink Credible: Ako din. Maglalampaso pa ko ng Mushroom ko. Bukas ulit. Mag-isip pa tayo ng iba pa nating pupuntahan. Masarap pala maglakbay. Hahanap ako sa Wikipedia.

Brush Hopper: Teka, teka, baka matuyot ang tinta mo. 

Ink Credible: Hmmmm di naman siguro… Pero di pa rin ako maka get-ober. Ang galing eh. O sya sige na.

Brush Hopper: Ingat ka pauwi.

Ink Credible: Hanggang sa muli. Paalam!

Masayang umuwi ng magkahiwalay ang matalik na magkaibigan. Ang hindi nila alam, may spy. Minamatyagan sila ng isang hindi kanais-nais na nilalang. Si Kede Bone. Awoooo.

Kede Bone: Ah ganon pala ah… May magic magic pala ang tinta ni Ink Credible. Kelangan malaman to ni Prinsesa Keyk. Sigurado bibigyan nya ko ng pabuya. Bibigyan nya ko ng bagong katawan. Hihi.

Kinaumagahan ay may nagdoorbell sa Mushroom Hut ni Ink Credible. Mali ang akala nyang si Brush Hopper ang bisita.

Napa WOAH! si Ink Credible nang makita nyang may kalansay at may weirdong keyk sa harap ng kanyang bahay.

Kede Bone: Hoy Ink Credible!

Ink Credible: Bakit? Sino ka? Bakit mo ko kilala. Stalker ka no? Tsupi!

Kede Bone: Aba’y bastos to ah.

Ink Credible: Ikaw ang bastos, wala kang manners! 

Prinsesa Keyk: Hep, hep, hep, pasensya ka na Ink Credible. Pssst Kede Bone, steady ka lang. Eto mag-iPad ka muna. 

Kede Bone: Na-eexcite lang kasi ako!

Ink Credible: Ano po ba ang sadya nyo? Inusente ako. Wala po akong kinalaman sa katulong na pinalantsa ang mukha.

Prinsesa Keyk: Napag-alaman ko kasing nagtataglay ka ng Mahiwagang Tinta. Ipinaresearch ko din sa National Library na minsan lang sa 100 taon nabubuhay ang ink bottle na nagtataglay nito. At ikaw yun.

Ink Credible: Ah talaga? Di kasi ako na-inform.

Prinsesa Keyk: Ano sa palagay mo? Sumama ka sa akin at mapapakinabangan natin yang kapangyarihan mo. Marami kang mapapasayang mga kababayan natin. Hindi ka naman malulugi, bibigyan kita ng isang milyong ginto kapalit ng paggamit namin sa Tinta mo. Ayos ba yun?

Ink Credible: Hmmmmmm… Pag-iisipan ko po. Sa bagay…kahit sa buong buhay ko ay hindi ako makakakuha ng isang milyong ginto.

Prinsesa Keyk: Sige, bibigyan kita ng isang linggo para makapag-isip.

Ink Credible: Maraming-maraming salamat po. Bow.

Kede Bone: Babalik kami. Wag na wag kang tatakas. Masusundan kita kahit san ka magpunta. Hihihihi

Prinsesa Keyk: Actually tama si Kalansay. Wala kang choice. LOL

Ink Credible: Ano!!! Nakakainis!!! Ang sama-sama nyo!

Prinsesa Keyk: Isang Linggo! Tandaan mo! One week! 

Ink Credible: Hmmmmm… Kung gagamitin nila ang Tinta ko para makapaglakbay sila sa mga gusto nilang puntahan… Hindi malayong  maubos ang tinta ko, at siguradong…. Omegad Higad!!! Ikamamatay ko yun. Huhuhuhu Niloloko lang nila ko. Ang sama-sama ng ugali nila. Tapos, tapos, tapos… Isang Linggo?

Agad na pinuntahan ni Ink Credible si Brush Hopper para ibalita ang pangyayari.

Pero nung makita nya kung gaano kaaliwalas at kasaya ang kanyang kaibigan, minabuti na lang nyang itago ang kanyang problema. Sa halip ay…

Ink Credible: Brush Hopper! Buti nakita kita!!! Busy ka ba? Tara! San mo gusto pang pumunta????

Brush Hopper: Huh? Gusto kong pumunta sa Pyramid ng Egypt. Sabi kasi nila marami daw tisyu dun na nakabalot sa mga patay! Kaso nagpapakain pa ko netong mga sisiw eh.

Inc Credible: Tara na! Mamaya na yan!!! Simulan na natin!!! Wala ng oras!!! Hahaha!

Brush Hopper: Excited much??? Payn!

Muling nagbalik ang dalawa sa dating lugar kung saan sila nagpapainting ng mga larawan gamit ang mahiwagang tinta.

Nagsimula na silang magpainting ng pyramid sa bato. Agad naman itong nagliwanag. Pagbilang nila ng tatlo, nakahawak na sila sa bato… At dali-daliang nadulas sa loob ng pyramid.

Nag-ala Dora the Explorer ang dalawa sa loob ng Pyramid. Nagjumping Jack sila sa itaas ng Sphinx, hinatak ng hinatak ang mga tisyu ng mga mummy, at nag decode ng mga lumang alpabeto sa pader.

Ganon pa man, isang oras lang talaga ang pwede nilang gugulin sa bawat lugar na kanilang napupuntahan. Pagkabalik nila sa batuhan, agad na may naisip si Brush Hopper para sa susunod na paglalakbay.

Brush Hopper: Magpapainting ako ng mga isda, at mga sea horse… Atlantis!!! Yahoo!!!

Ink Credible: Masaya yan!!! Hehehe

Masayang nilangoy ng magkaibigan ang Atlantis. Hindi rin nila nakalimutang magpainting ng mga oxygen tank para makahinga sila sa ilalim ng dagat. Para lang silang nasa Animal Planet at Discovery Channel.

Iba’t ibang hayop at halamang dagat ang nakita at nakalaro nila. Nahanap din nila ang nakatagong syudad sa Atlantis. Nakisalamuha sila sa mga nilalang dito, pinag-aralan ang pamumuhay, nakibagay, at nakipagkaibigan. Nakipag-mahjong, nagtong-its , basta…. Sobrang saya nila. Halos inaraw-araw na nila ang pagpapainting at paglalakbay.

Brush Hopper: Parang gusto kong lumipad.

Ink Credible: Hmmmm. Magpainting ka ng pakpak. Haha

Brush Hopper: Eto na nga, magpapainting na ko ng himpapawid. Mga ibon din.  Sumakay na lang tayo sa kanila. Hahaha

Ink Credible: K.

Nagpainting si Brush Hopper ng mga ibon at mga ulap gamit ang tinta ni Ink Credible. Muling umilaw ang painting sa may bato, at dali-dali silang napadpad sa himpapawid.

Brush Hopper: Teka! Wala kong nagawang painting ng pakpak! Deds na tayo!

Ink Credible: Huh? Diba sabi mo sa ibon tayo sasakay. Haha!

Higit pa sa inaasahan ang naranasan ng magkaibigan sa himpapawid. Imbes na madisgrasya dahil nga wala silang mga pakpak….

Nakasakay sila sa likuran ng napakaamong Phoenix. Kasabay nilang lumipad ang mga kamangha-manghang nilalang. Mga hindi pangkaraniwang ibon.

Samantala…

Brush Hopper: Malapit na yatang maubos ang tinta mo  Ink Credible. Uwi na lang kaya tayo…

Ink Credible: Okay lang. Ang importante nakakapaglakbay tayo ng magkasama.

Brush Hopper: O sige… Teka, ikaw naman mag-isip ng lugar na pupuntahan natin. Lagi na lang ako namimili eh.

Ink Credible: Sige. gusto ko, sa dalampasigan.

Brush Hopper: Haha bakit naman?

Ink Credible: Basta. Gusto kong madinig ang alon ng dagat. Masarap maglakad sa dalampasigan at magkwentuhan.

Brush Hopper: O sige eto na magpipinta na ko!!!

Brush Hopper: O eto na tayo sa Beach.

Ink Credible: Oo nga. Teka Brush, alam mo bang naiinggit ako sayo kase may mga magulang ka pa?

Brush Hopper: Nge. Baket mo naman nasabi yan?

Ink Credible Wala naman, wala na kasi akong mga magulang, walang pamilya. hehe

Brush Hopper: Sus naman, eh nandito naman ako, di mo lang ako matalik na kaibigan. pwede mo din akong maging kapatid. 

Ink Credible: Salamat.

At patuloy pa sa paglalakad ang dalawang matalik na magkaibigan. Kaunting minuto na lang ang natitira bago mag-isang oras.

Ink Credible: Maraming-maraming salamat Brush Hopper at nakilala kita. Mula ng makilala kita, di na ko nag-iisa. Lagi akong may kalaro at may kausap pag nalulungkot ako. Hehe

Brush Hopper: Haha eh bespren kita eh. Wala yun.

Ink Credible: Naaalala mo pag nagpipinta tayo kung saan saan, pinagtatawanan natin yun pagkatapos kasi parang kinahig ng manok.

Brush Hopper: Oo nga. Hahhaa

Ink Credible: Tapos eto nga, dami nating napuntahang lugar. Ang saya-saya maglakbay no?

Brush Hopper: ….

Ink Credible: Kaso isang oras lang bawat lugar na napupuntahan natin. Pero sulit na din diba?

Brush Hopper: Ink Credible, bakit? Bakit ka umiiyak? Teka tara na, lumalabo na yung paligid.

Ink Credible: Maraming-maraming salamat talaga Brush Hopper. Di kita malilimutan. Paalam.

Brush Hopper: Huh? Anong pinagsasasabi mo dyan? Di magandang joke yan.

Ink Credible: Sige na. I-pramis mo na aalagaan mo sarili mo.

Hanggang dito na lang ako.

Ubos na Tinta ko.

May mga masasamang loob kasi na gustong gamitin tong tinta ko para sa ikaliligaya nila. Mamaya na matatapos ang palugit nilang isang linggo para sumuko ako sa kanila.

Kaya naisip ko, gamitin na lang natin para sa mga painting, at makapaglakbay tayo sa iba’t ibang lugar sa mga huling sandali ng buhay ko. Hehe

Brush Hopper: Bakit ganun?Ang daya mo!

Ink Credible: Hahaha! Paalam na nga diba. Smile ka na!

Brush Hopper: Huhuhuhuhu Eto na ngingiti na. eto na o!

Pinilit ngumiti ni Brush Hopper para sa matalik na kaibigan kahit agos ng agos ang luha sa kanyang mga mata.

Matapos nyang ngumiti ay napangiti na din si Ink Credible at kumakaway sa kanya.

Pagbalik nila sa batuhan, wala ng tinta si Ink Credible. Wala na itong buhay.

 

Kasabay naman nito ang pagdating nila Kede Bone at Prinsesa Keyk, sakay ng karwahe.

Prinsesa Keyk: Ooooops. Anyare?

Kede Bone: Bakit wala ng tinta si Ink Credible?

Brush Hopper: Huhuhuhu Huhuhuhuhu

Prinsesa Keyk: (Umalis na tayo dito Kede Bone…)

Kede Bome: Yeah! Paalam! LOL

Brush Hopper: Napakasama ninyo!!! Isusumbong ko kayo kay Senator Miriam. Magbabayad kayo sa ginawa nyo sa bespren ko!!! Wahhh!!!!

Maya-maya lamang ay may narinig silang malakas na boses, parang nanggagaling sa napakalayong lugar, at parang nag-eecho pa.

Pusit: Hello po. Ako Pusit, galing ako Atlantis. Naalala mo ba Brush Hopper?

Brush Hopper: Huh? Sino ka? Multo ka ba???

Kede Bone: Yikes multo. Wahhh takot ako sa multo!!!

Prinsesa Keyk: Wehhhh lelang mo takot sa multo.

Pusit: Brush Hopper….  Dahil sa naging kaibigan na kayo ng mga hayop-dagat as Atlantis, Hayaan mong tulungan ko si Ink Credible, ang iyong matalik na kaibigan. Eto na ko. Malapit na. Eto na….. Eto na talaga…. AHihihiHIhihiHIhiHIHI!!!

Mula pa sa Atlantis ay nilabasan ng napakaraming tinta si Pusit. Nasa malayo man ito, ay nakapaghatid ito ng napakaraming tinta sa kinaroroonan nila Brush Hopper.

Saktong-sakto ang pagbuhos ng tinta sa masasamang loob na sina Kede Bone at Prinsesa Keyk. Permanenteng Tinta ang bumalot sa katawan nila kaya habambuhay na silang may mantsa sa katawan.

Sumakto namang pumaloob sa katawan ni Ink Credible ang tinta mula kay Pusit na sya namang ikinabalik ng buhay nito.

Brush Hopper: Ink Credible!!! Buhay ka!!! Maraming-maraming salamat po Pusit!!!

Pusit: Walang anuman. Ang sarap nga eh. LOL

Brush Hopper: Ink Credible!!! Ink Credible!!! Tara na uwi na tayo!!!

Ink Credible: Bakit? Sino ka ba?

Brush Hopper: Huh???

—Opisyal na lahok para sa Kategoryang Maikling Kwento sa Saranggola Blog Awards 4

About jason

walang clue. nak ng

33 responses »

  1. Bino ay nagsabing:

    naaliw ako sa kwento! ang ganda may ginintuang aral. naks ginintuan! Mahusay sa ka talaga sa ganitong pagsusulat!😀

  2. Jhiegzh ay nagsabing:

    This is really your forte Jason…Galing ng pagkakasulat🙂 Natuwa tlga ako sa storya! Superb!

  3. BON ay nagsabing:

    haha ayos!! aprub! maikwento sa mga magiging anak ko hekhek

  4. Jino ay nagsabing:

    geleeeeng jesssoon!

  5. binky ay nagsabing:

    Cute, naaliw ako sa kwento…

  6. borednightcrawler ay nagsabing:

    As always, ang mga kwento mo ay may haplos ng realidad kaya gustong-gusto kong balikan. hindi parating the best ang ending tulad ng life. haay… salamat parekoy at sana sipagin ka pang gumawa ng mga ganito.🙂

  7. jeniffer ay nagsabing:

    walang kamatayang diagram ni jason hamster..

  8. khanto ay nagsabing:

    emerged, ang entry mo hamster ay mahusay!!! klap-klap sa originality at creativity!

  9. salbehe ay nagsabing:

    As usual, nagulat ako kung gano ka kagaling mag MS Paint!

  10. a solemn punch ay nagsabing:

    Hahahaha. Kede Bone talaga eh.

  11. potsquared ay nagsabing:

    nakakatuwa ang mga drawing mo jason.. and story.. simple pero rock!! nice!

  12. NoBentaoBenta ay nagsabing:

    ayus ito. masyado akong naaliw. parang nahiya naman ako sa entry ko. hehehe.

  13. boom ay nagsabing:

    ganda!amazing!wow!

  14. Archieviner ay nagsabing:

    Nakakaaliw eto jason. Goodluck sa entry mo🙂

  15. bagotilyo ay nagsabing:

    naaliw ako kay kedebone…

    Natouch ako sa storya hahahha .. promise🙂

  16. mykhel ay nagsabing:

    wow naman atig namn po…. san mo hinuhugot ung ganung kwento na aliw ako hahaha… 🙂

  17. Jhiegzh ay nagsabing:

    Kahit matagal ko na ‘tong nabasa, inuulit ko pa rin… Napakacreative mo tlga Jez.. God Bless sa entry!

  18. Christine Morales ay nagsabing:

    Thank You Jason ah. Galing mo.🙂 Apir.

  19. Aj Banda ay nagsabing:

    ang ganda naman nito… medyo pambata pero astig🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s