Isang araw, naisipan ni Tandang Aw-aw na dumadami na ang mga naipong kalat sa kanilang mansyon. Pero paano nya malilinis yun ng mag-isa lamang?

Kailangan nya ang tulong ng napaka kyut nyang apo, si Tuta.

Umakyat ng 4th floor si Tandang Aw-aw para sunduin ang kanyang apo. Pero mukhang busy ito.



Tandang Aw-aw: Tuta, apo ko, tulungan mo naman ako, ibebenta natin tong mga lumang dyaryo sa junk shop.

Tuta: Maya-maya lang po, nanonood pa po ako ng Walang Hanggan.

Tandang Aw-aw: Ah eh… sige lang apo ko, tapusin mo na lang yan, ang dami na kasing kalat sa mansyon natin. Mag-aabrocket (pang-exercise ng abs) lang ako saglit sa basement.

Masyadong naaaliw sa panonood ng TV tong si Tuta. Inabot na sya ng dalawang oras. Maya-maya lang ay umakyat ulit si Tandang Aw-aw para sunduin ang apo. Dahil nga pagod sa pag aabrocket, nag elevator na lang si Tandang Aw-aw.

Tandang Aw-aw: Apo, halika na tulungan mo na ko pumunta ng junkshop. Di ko namalayan ang oras. Baka tanghaliin tayo.

Tuta: Hayyy… sige po andyan na po. 

Pagkatapos patayin ang TV, nag-ayos na si Tuta para sa lakad nila papuntang junkshop. Nagpahid ng Gatsby Water Wax at nagsuot ng Sandugo Sandals.

Bumubulong-bulong pa ito na para bang nababadtrip, at bakit kasi kelangan pa syang isama.

At ipinakita na ng lolo ang kanilang dadalhin sa junkshop. Dangkal-dangkal na dyaryo ng Manila Bulletin, at mga empty bottles ng Zonrox.

Tuta: Ang dami-dami-dami-dami pala. 

Lolo: Ambigat-bigat pa nyan panigurado. 

Tuta: Onga po, Eh, eh… hanap na lang tayo ng mauutusan

Lolo: Tayo na lang…. Sige na ikaw na tong mga dyaryo, di ko na kasi kaya yan. Mabigat masyado para sa mga maskels kong naghihingalo. Akin na tong mga bote.

Tuta: Hayyy. sige na nga po.
At nagpatuloy ng maglakad ang maglolo papuntang junk shop. Mga dalawang kanto ang layo mula sa kanilang bahay. Nadaanan nila ang Ministop, Reyes Haircutters, at ang grupo ng mga tsismosang palaka na nakatambay sa karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain.

Tuta: Wahhhh ayaw ko na. Sana pala di na ko sumama. Ang bigat-bigat talaga.

Napaupo na si Tuta sa sahig habang ipinapakwenta na ng lolo ang kanilang mga dala. Ipinakilo ang mga bote, at ipinadangkal naman ang mga dyaryo ng Manila Bulletin. Pagkabalik ng kanyang lolo…

Tuta: Ano pong nangyari? Uuwi na po ba tayo?

Halatang kating-kati ng umuwi si Tuta para manood ng TV at ipagpatuloy ang panonood nya ng Adventure Time sa Cartoon Network.

Lolo: Eto binayaran nila ng P150.00 yung mga dala-dala natin.

Tuta: Ah talaga
 po… Tara uwi na po tayo.

Lolo: Teka lang, daan muna tayo sa bakery, ibibili kita ng meryenda. Tapos itabi mo yung matitira, ibaon mo sa school.

Tuta: …

Muntik ng humagulgol sa pag-iyak si Tuta. Sobra syang na touch.

Buti na lang naiabot kagad sa kanya ang mga paborito nyang tinapay. Magmula noon ay maslalo nyang pinahalagahan ang kanyang lolo, at minahal syempre. The End.

About jason

walang clue. nak ng

39 responses »

  1. Nakaka-iyak ang kabaitan ni Tandang Aw-Aw kay Tuta. Napaluha ako habang binabasa ko… hahahhaa, biro.. :p

    Astig, men!

  2. borednightcrawler ay nagsabing:

    Maganda naman iyong istorya kaso.. I was wondering… parang advertisement ito ng mga produkto ah. hehe.

  3. heronomore ay nagsabing:

    Perstaym kong mag-read ng post mo. Meron ba ditong conyong kwento na may-aral din?

  4. a solemn punch ay nagsabing:

    Isang sako ang tawa ko sa Walang Hanggan. Astig.

  5. Joyo ay nagsabing:

    at talagang walang hanggan ang pinapanood ni tuta😀

  6. boom ay nagsabing:

    may maganda din palang maidudulot ang pagtulong!

  7. barbie ay nagsabing:

    ang kyulet ang haba ng STORY !!

  8. boom ay nagsabing:

    oo nga ehhhhhhh~~~~~~~~~~~~~~~~~~~!!!!!!!!!!!!!!

  9. sachiko gokuyami ay nagsabing:

    haha

  10. hitokirihoshi ay nagsabing:

    naku kailangan dumugin ng sponsors itong post mong ito hahaha! cute-cute ng story!

  11. mykhel ay nagsabing:

    Wow astig ung Story…….🙂

  12. BABY LOws ay nagsabing:

    LOLZ! sinali pa walang hanggan! xD Gatsby Water Wax?Sandugo Sandals.? grabeh imahinsyon ni kuya! Talbugan ako na Valedictorian! xD

  13. BABY LOws ay nagsabing:

    Zonrox.? wala bang Bonux? anu bayan! Reyes Haircutters? hihihihi LOL xD kakatuwa! tuwang tuwa pamangkin kong kyut na c Kaye! 2 years old pa marunong nang bumasa!🙂

  14. Teacher Ces ay nagsabing:

    ahahaha! ang daming kulet! i was searching short stories for my grade two class when i came across this.., kinacopy ko na cia ng biglang- toinx.,! echoserang palaka?! what the?! haha! ang kulet talaga..

  15. denise ay nagsabing:

    how cute sinali pa ung walang hanggan ahh per0 maganda sh ahh

  16. Choppz ay nagsabing:

    magnda ung storya,, pero napansin q rin na parang may pagka commercial pero nice story tlaga🙂❤

  17. marvelyn borja ay nagsabing:

    Napansin ko na masyado ng modern ang way ng story. Sabagay, ganun n mga chikiting nowadays.. Adopt nlng po namin for short story ng mothertongue. Salamat!🙂

  18. Nicole Yenny ay nagsabing:

    Pwedeng Makopya ito para sa proyekto namin sa filipino? Lalagyan ko na lang kung sino ang writer? Kung okay lang po?😀

  19. mary jelean ellema ay nagsabing:

    wow ang ganda naman ng kweto nakakatouch naman ahhhh

  20. ian ay nagsabing:

    anak ng tokwa po.. im seriously searching a short story for my kid i gonna pick this hope she’ll appreciate it … nervous😀

  21. yannie ay nagsabing:

    shiiiiiiiiiiittt laugh out load:D

  22. gera ay nagsabing:

    nakaka touch :*

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s