Isang araw, tinatamad mahilata sa papag si Rambutan.

Naisipan nyang kelangan naman nya ng konteng Vitamin D mula sa sikat ng araw, kaya minabuti nyang lumabas at tumambay sa Luneta.

Dala-dala ang kanyang Android tablet, naghanap sya ng wifi spot at sa wakas, nakasagap din syang wifi, sa tabi ng coffee shop.

Maya-maya lang ay may parating na karwahe.

Kabayo: Tukotok-tukotok-tukotok-tukutok…. Neiiiighhhh!!! Neighhhh!!!

Napatid ang mga nagluluksong-baka, natinik ang mga nagluluksong-tinik.

Nastarstruck ang mga kalalakihan kay Prinsesa Mani. Isa na doon si Rambutan.

Nalaglag mula sa puno ang mga ka kosa nyang sina Kerots at Amoeba.

Rambutan: Psssst!!! Kerots!!! Ameoba!!! Over here!

Amoeba: Huy Rambutan!!! Nakita mo ba yung nakasakay sa karwahe???

Rambutan: Oo nakita ko. Ang ganda ganda ganda ganda naman nya. Sino kaya sya?

Kerots: Di mo sya kilala? Siya si Prinsesa Mani. Ang ganda nya no at mukha pang mabango. Medyo malangis nga lang. Joke. Hihi.

Rambutan: Oo nga. Na love at second sight ata ako. Hahaha. Pero prinsesa siya, ako eh hamak na rambutan lang. Timawa.

Amoeba: Di natin masabi. Baka mainlab sya saken. Sige paalam. 

Umalis na nga ang mga kaibigan ni Rambutan. Nagsimula na syang maglakad-lakad para umuwi, para na rin makaligo. Biglang lumakas ang hangin. Kasabay ng hangin ay ang pagdapo ng isang papel sa mukha ni Rambutan habang nakatingala. Agad naman nya itong binasa.

“Ika animnapu’t siyam na kaarawan ng Haring Bawang. Inaanyayahan ang mga matitipuno at makikisig na prutas at gulay sa tabi-tabi ng palasyo. Pati na rin yung iba pang mga nilalang. May magaganap na kumpetisyon para maka isang dibdib ang kanyang anak na si Prinsesa Mani.”

Rambutan: Tignan mo nga naman ang swerte. Tamang-tama. Year of the Dragon ngayon. Yes! Paghahandaan ko to.

Haring Bawang: Makinig kayo! Upang maka-isang dibdib ng aking anak, nararapat na ang lalaking kanyang mapipili ay makakapasa sa isang matinding pagsubok. Maglaban-laban kayong lahat!!! Bwahahahahaha

Prinsesa Mani: Hihihihi. Sino kaya mapapang-asawa ko? Teka ampapangit ata ng mga kalahok. Sana makarating sina Upo at Talong.

At sinumulan na nga ang laban. Matira matibay. Kalahok din ang kanyang mga kaibgan, ang ibang mga dayo mula pa sa ibang kaharian. Ganoon kalakas ang alindog ni Prinsesa Mani, na kahit sino ay gusto syang pakasalan.

Suntok dito, Sipa dun. May konteng sabunot, balyahan, tirahan, at meron pang pektusan. Nanatiling malakas si Rambutan at nagpaulan ng mga nakakakiliting balahibo- ang kanyang pangunahing sandata.

At sa bandang huli, idineklara na ang nanalo.

Rambutan: Ye-hessssss! Ako ang nanalo! Mapapang-asawa ko na si Prinsesa Mani.

Haring Bawang: Binabati kita Rambutan sa iyong pagkapanalo. Maaari mo ng…

Prinsesa Mani: Teka! Nasan si Upo? Si Talong? Bakit si Rambutan? Ayoko kay Rambutan!!! Ewwwww… Sige…may isa pang pagsubok! Ipatapon sya sa dungeon!

Rambutan: Ay ganun???😦

Haring Bawang: Bakit anak? O sige. Dahil yan ang pasya ng aking anak… Mga kawal! Dalhin si Rambutan sa Dungeon! Teka, nasan ka anak? Ba’t di kita makita?

Parang ninja si Prinsesa Mani na lumitaw mula sa pader ng kastilyo.

Prinsesa Mani: Nandito ko daddy. Teka… Ikaw Rambutan!!! Karapat-dapat ka ba talagang maging asawa ko? Harapin mo si Dregon!

Rambutan: Wahhh baket ganon may isa pang pagsubok? At saka baket ganon ang prinsesa??? 

Haring Bawang: Patayin ang lahat ng ilaw, pati na ang mga corrupt na politiko. Simulan na ang laban sa pagitan ni Dregon at Rambutan!

Pagkapatay ng mga ilaw sa dungeon ay sya namang naglabasan ang mga mata na nakatingin kay Rambutan. Iskeri!

Buga dito, buga doon ang ginawa ni Dregon. Hirap na hirap namang umiwas si Rambutan. Gamit ang swiss knife, humiwa si Rambutan sa paligid ngunit mailap si Dregon, hindi nya ito matamaan. Sinuswerte namang magamit ni Rambutan ang kanyang kalasag laban sa apoy ni Dregon.

Dregon: Pssssst!!! Psssst!!! Rambutan!

Rambutan: Baket? Susuko ka na?

Dregon: Tulungan mo ko…

Rambutan: Huh? Baket ko naman gagawin yun???

Dregon: 100 years na kong bilanggo dito… Lagi na lang akong ginagamit para sa mga paligsahan at katuwaan. Tulungan mo ko please.

Rambutan: Ay, kawawa ka naman pala… Sige, pano ba kita matutulungan?

Dregon: Magpapatalo ako sayo. Masmabuting paslangin mo na ko. Ayoko na talaga dito. Ayoko ng gantong buhay…

Rambutan: Hmmmm.. Teka may naisip ako…

Dregon: Huh?? Teka!!!

Rambutan: Humanda ka saken Dregon!!!

Dregon: Rawrrrrr!!!

Rambutan: Hiyahhhhhhh!!!

Tumalon si Rambutan, hiniwa-hiwa nya si Dregon. Si Dregon naman ay nagparaya na, hindi na lumaban.

Prinsesa Mani: Ay! Ang galing din pala ni Rambutan. Naiinlab na ko sa kanya. Hihihihi, sya pa lang ata ang makakatalo kay Dregon.

Haring Bawang: Mahusay nga yang si Rambutan. Hindi ka nagkamali sa binigay na pagsubok.

Prinsesa Mani: Hihihih I know… Meron pa sanang mga pagsubok eh…


Haring Bawang: Magaling! Magaling! Magaling!

Prinsesa Mani: Hihi.

Haring Bawang: At dahil nga natalo mo na si Dregon… Makakamtan mo na ang iyong gantimpala. Maaari mo ng kunin ang kamay…

Prinsesa Mani: Hihihihi

Haring Bawang: Ang landi mo anak, teka lang.

Rambutan: Sandali lang po!!! Iba po ang gusto kong premyo. Si Dregon!

Haring Bawang: ANOOOO!!!

Prinsesa Mani: Pero.. pero… perooo… baketttttt!!!

Rambutan: Basta, gusto ko si Dregon. Aalagaan ko sya, gagawin ko syang pet. Ayoko na pala sa’yo Mani. Dun ka na lang kay Upo at Talong! Makakahanap pa’ko ng ibang babaeng pakakasalan kesa sayo… Paalam!

Dregon: Yey!

About jason

walang clue. nak ng

11 responses »

  1. otep ay nagsabing:

    wow mala-cinderella ang kwento mo, ang paghahanap ng kabilang sapatos.. sa mga kababaihan pero sa kwento mo paligsahan para sa mga kalalakihan:)

    may ganun talaga sa totoong buhay no? kadalasan nagiging sukatan ang katayuan ng tao para mahalin ka nito. pero minsan hindi na pala yung mismong taong yun ang minamahal mo kundi sa kung ano na lang meron sya.

    hmmm.. kakatuwa kasi mas pinili ni rambutan yung dregon.. sana may part 2 tapos maghahabol ngayon si Mani😀 hahaha

    yeah.

  2. Traveliztera ay nagsabing:

    Awwww… Yun naman pala e! Si Prinsesa Mani ang arte kasi e. Hahaha! At least true lab ang kena Dregon! Haha!

  3. hana banana ay nagsabing:

    wahahahahaha lafftrip na naman!

    ang cute ng ending❤

  4. hitokirihoshi ay nagsabing:

    Minsan talaga ang nahahanap mo ay hindi mo inaakalang kailangan mo. hehehe

    dregon katol pala. chuz! Mabuhay Tito!

  5. mykhel ay nagsabing:

    maarte kasi si mani yan hahahaha… kahit ako eh…. tanong maganda ba si reyna mani????.. hahahaha🙂

  6. BABY LOws ay nagsabing:

    Andyan ulit si Dregon? Wala bha si Sawa, Suso at Linta? bago na naman? Android tablet xD meron ako niyan. yey! andito ulit si Kerots! hahaha wala bang Prinsesa Ariya? o Prinsesa Mikay? Anu ba yan! pero swit din ni Rambutan kay Dregon! Malandi nga at maarti si Prinsesa Mani! 3:)

  7. wandering_eneri ay nagsabing:

    Magaling magaling! Ipagpatuloy mo lang ang nga kwento.🙂

  8. kennys ay nagsabing:

    pinatay niya si dregon pero nagsalita pa sa huli sabi yey! corni weird

  9. jelay ay nagsabing:

    Ang Boring!! :3

  10. jajaja ay nagsabing:

    Ang pangit tang ina!!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s