scene 1

Matsing, nasaan ka na kaya? Sana’y naging masaya ka sa hatian natin dati.
‘Di ba sabi mo sa’yo ang bunga, at akin ang ugat.

Siguro’y ubos na  mga saging mo, at ngayo’y naghihikahos ka na sa gutom. Mabuti nga sa’yo. Napakayabang mo kasi noon.

Heto na ngayon yung puno ng saging ko. Napakasagana kung mamunga. I miss you. LOL joke lang.

“Saklolo! Saklolo!”

Ano na naman kaya yung nangyayari? Sino ‘yong maingay?

“Tulungan n’yo ko, tulungan n’yo ko. Yung apoy ko nasa taas ng puno.”

scene 2

Seryoso? Paano naman makakaakyat ng puno yang apoy?  Yung totoo? Hinagis kaya ng kandilang ito ang kanyang apoy paitaas???

“Ginoong Pagong, tulungan mo naman po akong maibalik ang apoy ko sa aking ulo.”

Ano ba naman tong kandilang ito. Natatakasan ng sariling apoy.

“Bakit ninyo po ako tinitingnan ng ganyan? Gusto mo po ng paliwanag? Habang namamasyal ako, may nakita akong mga salagubang na naglalampungan. Sinubukan kong yumuko para magmasid. Pagkatapos noon ay bigla na lamang lumundag ang aking apoy, at dagliang tumakbo.”

Ang haba naman magkwento. Nakakaantok. Sige na nga tutulungan na kita. Nakakaawa ka naman. Sisindakin ko lang ‘yong apoy sa itaas ng puno at bababa na ‘to. Bubugahan ko lang  ng tubig, tiyak na matutupuok na ‘to. Heto na ko.

“Teka Ginoong Pagong, anong ginagawa mo? Parang sinisindak mo ‘ang apoy ko. Babasain mo sya ‘no? Huwag! Mamamatay siya!”

Sobra naman tong Kandila na to. Parang tinitingnan lang yung apoy nya, kung makasigaw naman. Hayun, epektibo naman. Bumababa ng mag-isa yung apoy sa puno, pabalik sa kandila.

“Maraming-maraming salamat sa’yo kapatid na Pagong. Akalain mong wala ka namang ginawa, napabalik mo sakin si apoy. Apoy! Wag ka na ulit aalis ha! Magsasama lang tayo habambuhay. Teka… Anong nangyayari sa ‘kin? Apoy! Huwag! Teka!!!”

scene 4

Anong nangyayari? Bakit tinutunaw ni Apoy si Kandila? Ay, oo nga naman, ba’t ko pa nga ba ‘tinatanong. Natural lang pala ‘yon. Lintik ‘yan! Naloko na! Anong gagawin ko! 

“Masyado ka kasing nakikialam Ginoong Pagong! Nakikita mo ba ang iyong ginawa! Pinatay mo si Kandila! Umakyat na nga ako sa ibabaw ng  puno para mapigilan ko ang likas na pagtunaw sa kanya! Paano mo na ibabalik sa’kin si Kandila! Napakasama mo!”

Nagsasalita rin pala ‘tong apoy na ‘to. Teka naman, ba’t ba sya nagagalit sa ‘kin? Gusto ko lang namang makatulong. Ang kaso, napasama pa yata ang ginawa ko. Huhuhu…

“Anong ginawa mo!!! Tama ba ang narinig ko Apoy?  Hoy Pagong!!! Bakit mo pinatay si Kandila!!!”

Teka… Parang kilala ko yata ang boses na ‘yon.

scene 3

“Walang hiya ka talaga Pagong! Pagkatapos mo akong dayain sa hatian sa puno ng saging makalipas ang maraming taon!  Ngayo’y pinaslang mo naman ang kaibigan ko!”

Letseng buhay naman to oo. Ako na nga ang nagmagandang-loob na tumulong, ako pa ang napasama.  Anong kailangan kong gawin para makabawi?

“Iniisip mo siguro Pagong kung ano ang kailangan mong gawin ano? Buhay ang nawala, kaya buhay din ang kapalit.”

Ang saklap. Katapusan ko na yata. Mauuna pa talaga ako sa end of the world. 

“Oh, bakit ka pinagpapawisan diyan?  Hindi buhay mo ang kailangan ko. Ang buhay ng puno ng saging mo ang tinutukoy ko. Akin na yan!”

Sige na nga, ibibigay ko na sa kanya itong puno ng saging ko. Para man lang makabawi sa naging kasalanan kong maling pagtulong sa nangangailangan.

“Hahahahaha! Salamat Pagong! Nakabawi na rin ako sa’yo sa wakas! Kung nakakapagsalita ka siguro, katakot-takot  na mga salita at panunumpa ang maririnig ko mula sa’yo. Haha!”

Hayyyy …

“Hoy Kandila! Gumising ka na dyan! Tama na akting mo! Hahahahaha!”

Ano ba namang klaseng nilalang ang mga ‘to. Lahat gagawin para lamang makapanloko. Sige inyo na yang Puno ng Saging ko. Inyo na rin ‘tong isla ko. Inyo na lahat… Ganito na ba ang mundo ngayon?

About jason

walang clue. nak ng

18 responses »

  1. Archieviner ay nagsabing:

    Ang kulit ng kwento mo pero may aral ah🙂

  2. Reyn ay nagsabing:

    Astig ng kwento. Haha, babasahin ko nga to sa pamangkin ko. haha. Nice one. Ang kulit. Thumbs up.

  3. bagotilyo ay nagsabing:

    Ang mundo ay isang malaking quiapo! whahaha

    Kawawa naman si pagong.

    Merry Christmas brod.

  4. Churvanes24 ay nagsabing:

    Ang cute…di ko intindi…babasahin ko nalang sa pangalawang pagkakataon..hahah!!! joke lang…. ayos toh kuya jason..heheh…napaka FC ko…PeacE

  5. BONISTATION ay nagsabing:

    may pinaghugutan ang kwento hahaha!

  6. kyakototentimes ay nagsabing:

    Yun oh! Wala ka pa ring kupas sa paggawa ng kwento. Idol!🙂
    Oh well, yan talaga ang harsh reality. Parang yung post lang ni OTEP. Hehe. Kakabasa ko lang din kanina bago ako bumisita dito.🙂

    http://otep.wordpress.com/2012/12/29/kung-bakit-mahirap-maging-mabait/

    Anyway, Happy New Year, SIr Jasonhamster!🙂

    • jason ay nagsabing:

      thank you kyakototentimes! hahaha sige check ko din yung entry ni otep, hehe. balik, balik ka lang dito, nakakapag-update naman ako, once in a blue moon nga lang. biro lang haha

  7. Dwight ay nagsabing:

    wlang re aksyon ?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s