scene 1

Isang araw, may isang manong sorbetero na naglalaro ng golf sa Intramuros. Hinampas nya ang unang bola. Nagtaka sya baket bigla na lang nawala sa ere. Sumubok ng pangalawang bola, pero ganon pa din. Anyare?

scene 2

Bigla na lang tinubuan ng pakpak ang dalawang golf balls na tila naglaho sa himpapawid matapos hampasin ni manong.

Golf Ball 1: Haha! Ayos ano! Effective yung magic na nabasa ko sa libro ng Harry Potter! Yung magiging Snitch, yung bolang may pakpak. Omegad! baket ganyan yung pakpak mo? Parang bampira!

Golf Ball 2: Bwiset! Di naman Harry Potter yung pinahiram mo saken na libro. Twilight eh. Ganyan ka eh.

Golf Ball 1: Haha! Sorry naman! Tara doon tayo sa itaas ng puno!

Golf Ball 2: Bumalik na kaya tayo, baka kung ano mangyari saten dito.

Pinagsiksikan ng dalawang golfballs ang kanilang mga sarili sa pugad ng ibon. Nagpa-spa sa mga bulate, at nagpamasahe sa mga hantik. Hindi nila namalayan na may paparating na dalawang ibon.

scene 3

Mister Ibon:  Anong ibig sabihin nito! Nangitlog ka na? Pero wala pang nangyayari sa atin ah! Ni hindi pa nga ako nakaka first base sayo! Sinong ama ng mga iklog na yan!

Misis Ibon: O.A. ka masyado! Kanina lang umalis tayo dito wala pa yang mga yan. Teka, hindi naman to mga iklog, mga golf balls kaya. Napaka dokleng mo rin eh no.

Mister Ibon: Ay oo nga ano, teka makuha nga yung golf club ko, panoorin mo kung paano ko maglaro ng golf.

Misis Ibon: Golf mo lelang mo! Paka bintangero mo. I hate you na. Huhuhu

At hinampas nga ni Mister Ibon ang dalawang golf balls ng pagkalakas-lakas, na parang kakalas ang mga intestines nila sa katawan.

Golf Ball 1: Woooooh! More! More! More!

Golf Ball 2: Ikaw lang nakita kong Golf ball na sarap na sarap kapag hinahampas. Hmmmmm.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, sakto naman na nahulog silang dalawa sa ibabaw ng ice cream ng batang nakapula.

scene 4

Batang Babaeng Galit sa Pula: Wahhh!! Ano to! Baket biglang tumigas yung ice cream ko! Pweh! Ang alat! Hindi to ice cream! Ayoko nito!

Agad-agad na inihagis ng bata yung ice cream nya sa may basurahan.

scene 5

Golf Ball 1: Yipeeee Ang saya-saya ng nakawala sa golf course!!! Kung saan-saan tayo napupunta! Maganda pala sa labas! Kaso parang ambaho ata. Sinong umutot?

Golf Ball 2: Mali yata to Golf Ball 1, di dapat tayo tumakas doon. Tignan mo oh, madidisgrasya tayo neto eh. Uwi na tayoooooo… Teka may lumalapit!

Habang nanlilimahid sa dumi at baho ang dalawang golf balls sa may basurahan, may asong umuubo-ubo. Agad silang dinakma parehas at isinubo sa bibig.

scene 6

Golf Ball 1: Teka aso! Galing kami sa basurahan ibaba mo kami! Teka nakikiliti ako! Hihihih Hihihih

Golf Ball 2: Huhuhu katapusan na yata natin. Wahhhhh!

Umabot ng limang oras ang paglalakad ng aso. Kasabay naman nito ang pag sa-sight-seeing ng dalawang golf ball sa paligid. Napalitan ng kasiyahan at pagka-excite ang kanina’y takot, na baka kainin sila ng aso. Mukhang friendly naman pala yung aso. Hindi lang halata. Iniluwa na sila ng aso kasabay ng mga ubo at plema.

scene 7

Golf Ball1: Oh! Nandito na ulet tayo sa golf course? Haha!

Golf Ball2: Oo nga no! sa wakas!!! Wag na tayo ulet aalis ha?

Golf Ball1: Ngi? Bakit? Hindi ka ba nag-enjoy?

Golf Ball2: Syempre nag-enjoy! Pero delikado pa rin yun. Paano kung may nangyaring masama satin? Paano kung kainin tayo nung mga ibon? O kaya gawin tayong new ice cream flavor? Tapos sunugin tayo kasama ng mga basura? Yak diba!  O kaya naman kagat-kagatin ng aso hanggang mabutas?

Golf Ball1: Wag ka ngang praning. Walang mangyayari sayo kung puro takot at kaba ang nasa dibdib mo. Tignan mo nga, nakabalik tayo ng buo. Dalawampung taon na tayo dito sa golf course. Twenty years! Hindi nga natin alam na ganoon pala ang itsura sa labas. Marami pa tayong pwedeng makita, at magawa.

Golf Ball 2: Hmmmmm…..

Golf Ball 1: Ano? Ano? Ano?

Golf Ball 2: Akin na nga ulet yung libro ng Harry Potter! Lipad tayo ulit!

Golf Ball 1: Ayaw mo yung Twilight para ganon ulet pakpak mo?

Golf Ball 2: Nyewan!

About jason

walang clue. nak ng

12 responses »

  1. jec mendiola ay nagsabing:

    aliw na aliw ako, dalawang beses ko pang inulit. haha!😀
    pero gusto ko yung lesson, na marami pang bagay tayong pwedeng makita/ma-experience beyond sa comfort zone natin ^^ (hindi bagay sa ‘kin magleave ng seryosong comment, i know) HAHA!

  2. Churvanes24 ay nagsabing:

    omegad…. Harry Potter my favorite..hahah…GandA!!
    BTW… Bakit “iklog”?heheh…more!more!more!

  3. Bino (@binobautista) ay nagsabing:

    nakakaaliw ung kwento. akalain mo’ng nagawan ng story ang golf balls. susunod ung billiard balls naman hehehe

  4. kyakototentimes ay nagsabing:

    haha! ayos! yan pa naman ang pinagninilayan ko these past few days.. leaving my comfort zone. sana maging kasing saya din ako ng mga golf balls. hehe.😀

  5. aj ay nagsabing:

    gusto ko ang lesson nito.. hehe🙂

  6. tadonggeniuskuno ay nagsabing:

    Amazing golf ball adventure…Kudos!🙂

  7. Leeyo ay nagsabing:

    natuwa ako, pramis😆 ikaw ba nagdrawing ng mga pics?

    gusto ko yung way ng pagsstory telling mo. ang astig!

  8. mondenero ay nagsabing:

    ang saya naman nh adventures ng dalawang golf balls! parang gusto ko tuloy maging golf ball na lang.. lol

  9. Enad ay nagsabing:

    Nice story. bwahaha! May lesson pa.

  10. joycee ay nagsabing:

    Aliw! Namiss ko naman mga kwento mo hamsturr! =)

  11. ate inday ay nagsabing:

    Nice!! Naaliw naman ako sa storya ng golfballs mo, naghahanap kasi ako ng filipino reading materials para sa anak ko , pinabasa ko sa kanya tawa ng tawa at may leson pa.. more power ading hamster!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s