May nabasa kong letter (napakahaba kasi nung comment) sa isa kong blog (hindi dito sa jasonhamster). 

Tungkol iyon sa mga paranormal na sinulat ko, mga kahindik-hindik at kagila-gilalas kong mga experiences sa mga mumu. 

Eto yung eksaktong sinulat nya (Okay naman siguro na ishare ko dito kase mukhang open naman syang pag-usapan, naka-indicate din kasi e-mail address nya pati facebook account).

———————

 

“Anong mga oracion po ba ang dapat kong gawin .. para mkakita ako ng mga duwende or else .. May nangyari nga sakin na nagparamdam sa panaginip ko .. Minsan sa iba ibang itsura ng lugar pero doon at doon parin ako napupunta .. sa bawat panaginip ko lumilipad ako at natatanaw ko ang sementeryo na ibaba ko. nananaginip din ako ng isang simbahan na luma at di ako umaalis sa lugar na yon .. diba pag ang tao nananaginip sa isang panaginip iba ibang lugar ang napupuntahan mo sample nasaluneta ka pag lingon mo nasa sm ka ..ako yung panaginip ko sa simbahan na yun doon lang talaga ako . naaalala ko pa nga noong kasama ko daw kaibigan ko sa panaginip kong yun pumasok pa nga daw kami ee sinusundan namin yung mga naka itim na nakataklob sa ulo na wariy si kamatayan ang soot pero marami sila na may hawak na sulo pumasok sila sa simbahan pag pasok nila sinundan nmin tapos pumsok sila sa pintuang malaki na malapit sa altar sa bandanng kanan pagpasok nmin sa pintuan na yun sumalubong samin yung hagdanang pababa at natatanaw ko lang yung ilaw na kala mong alitaptap na dala nila sa kalayuan ng hagdanan na yon pagdating namin sa loob ng pagpupulong nila akala mo silay mga madreng itim na nagpupulong at nagsasalita sa isang bato nasa harapan ko ang isa sa kanila mga di nagsasalita pero parang nagkakaintindihan halos ang iba dumaraan lang sa harapan nmin pero di kami napapansin hanggang sa nawala ang kaibigan ko kaya bumalik ako sa labas ng simbahan hinanap ko sya pero nawala ng tuluyan bumalik ako sa loob ng simbahan nagbaka sakaling nandun pa sya ng pumunta ako sa pintuang malaki sa gilid ng altar nakakita ako ng mga nagpupulungang madreng naka pula tinanong nila ako sabi nung isa dito kaba nag aaral sabi ko oo tinanong nila pangalan ko tas hinanap nila sa librong malaki na ang haba siguro ay nasa 24 inches at ang kapal ay nasa 8 inches sabi nila wala daw ng pangalan ko pero sabi nila sasamahan daw nila ko alam daw nila kung nasaan ang kaibigan ko nasa maria room daw sinama nila ako doon nakita ko na naman ang hagdanang bilog pero di kami doon bumaba dumaretso kami natanaw ko ang hagdanan na akal moy sa titanic nung namatay na si jack sa panaginip ni rose yung sumayaw sila nakaputi sila ganun ang hagdanan pa ikot at nasa gitna ang hagdanang pababa ang dilim ng paligid at may tubig ang ibaba nasa ang madre nung hagdanang ng sabihin nya sakin na iyon ang kwartong hinahanap natin pumasok ka si pintuang iyon kung ang mukha ng nasa pintuan ay si mariang birhen at huwag kang pumasok pag mukha na ng diablo maghintay ka ng konting oras at babalik ulit yan si mukha ni maria ng ibglang nag ring ang bell sabi nya recess na daw ng mga istudyante nila sa ministeryong iyon iniwan na nya ako lumusong sa tubig biglng nag iba nga ang mukha nung nasa pinto pag lusong ko may dalawang daanan na nabukas sa dalawang gilid ng pader isang masikip at maluwang lumalim ang tubig at hindi nako nakapasok sa pinto at biglang nagising na lang ako na akala koy akoy na lunod .. marami pa kong panaginip na paulit ulit na lang na nangyayari sa iba ibang lugar pero iisa lang ang pinahihiwatig ayan lang ang panaginip na binigay ko sa inyo para maintindihan ko pa ang mga panaginip ko ..”

-from jhem

———————

Jhem, bakit kelangan mong makakita ng dwende? Matutulungan ka ba nila?

Base sa panaginip mo, ikaw ay nagtataglay ng kapangyarihan na Astral Projection.

Kapag natutulog ka, may mga pagkakataon na humihiwalay ang kaluluwa mo sa iyong katawan. Nakapaglalakbay ka sa panaginip mo, at may kakayanan kang macontrol ng maayos ang iyong sarili habang isinasagawa ang panaginip.

Totoong-totoo ang pakiramdam mo sa mga nararanasan mo habang natutulog ka, at alam na alam mo kung anong gagawin mo.

Yun nga lang, masyado kang nagpapadala sa emosyon mo at sa takot. Hindi naman sa dapat kang lumaban, pero dapat alam mo na hindi tama ang makipag-usap ka o sumunod ka sa mga tao o imahe na makikita mo sa panaginip mo.

Yung mga lugar na itinuturo sayo, wag mong puntahan. Pag sinabihan kang maghintay sa pwesto mo ng mga ilang minuto, wag mong gawin, at umalis ka na lang kaagad.

Kapag nagpaulit-ulit mong ginawa yang pagtanggi o hindi pagpansin sa mga mapanlinlang na apparition, unti-unti ka na nilang titigilan at tuluyan ng mawawala.

Eto pala ang importante, sa paglalakbay mo sa panaginip mo, wag mong kakalimutan kung saang lugar ka natutulog, kelangan mong makabalik dito bago pa manakaw ang katawan mo ng mga nag-aabang na taga kabilang mundo para sila ang pumalit sa katauhan mo.

Sinasamantala nila na naglalakbay ang kaluluwa mo para kapag nahulog ka sa kahit anong patibong o kaya naman ay maligaw ka, iyon na ang chance na matake over nila ang katawan mo. Mag-iingat ka.

Ayun lang. Sana nakatulong ako sa problema mo Jhem. 

About jason

walang clue. nak ng

6 responses »

  1. cheesecake ay nagsabing:

    may third eye ka rin ba?

  2. aysabaw ay nagsabing:

    ahhhmmm…..nag iinterpret ka ba nyan ng panaginip? nakuuuu

  3. traveliztera ay nagsabing:

    wala akong third eye pero marami na akong nababasang paranormal na libro and nakakataas balahibo naman kwento ni jhem… okay ung advice mo sa kanya… hindi dapat nagtitiwala kung ano man makaharap sa panaginip

  4. potsquared ay nagsabing:

    Wow… Kaya mo palang mag interpret ng panaginip… Ang galing!

  5. bagotilyo ay nagsabing:

    pag may mga kakaiba akong panaginip alam ko na kung sino ang lalapitan ko . hehhe

    interesting yung astral projection.

  6. Abbe Wan ay nagsabing:

    anong ibig sabin sa isang panaginip na nakipagtalik sayo ang isang duwende?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s