scene 1

Crystal: Saklolo saklolo! Tulungan nyo ko may humahabol saken! Teka? Anong lugar to? Sino kayo? Nasan ako?

Ifish: Kumalma ka muna kaibigan, kung ayaw mong ikulong ka namen sa aquarium. Kami ang mga Ifish. Kalahating Ipis, kalahating Isda.

Crystal: Bago ‘yun ah.  Pero teka, importanteng mahalaga lang ‘to. Kelangan n’yo ‘kong itago. May humahabol sa’ken.

Ifish: Ganun ba? Sige, dun muna tayo sa bahay ko. Mga Ifish, bantayan mabuti ang ating Town. Mukhang may panganib na darating.

Mga Ifish: Sige po Governor.

scene 2

Crystal: Ahhh so ikaw pala ang Governor dito… Teka bakit ang init naman dito sa bahay mo?

Ifish: Pagpasensyahan mo na muna kasi pinapalinis ko pa ‘yung aircon. O heto, Humigop ka muna ng Sabaw ng Lechong Garapata.

Crystal: So, may problema nga po ako. Sa lugar po namin, may nagwawalang Kerots. Nais nya akong paslangin. 

Ifish: Ganon? Kawawa ka naman pala. Hayaan mo, nasa mabuti kang kalagayan.

Crystal: Paano na? Teka… nararamdaman ko. Paparating na sya!!! Nakakatakot!!

Ifish: Ha? Anong gagawin natin? Teka… Mga Ifish! Ihanda ang mga sandata!

Crystal: Kailangan kong mabawi ang Controller na ginagamit niya para magshut-down ng mga nilalang na  lumalapit sa kanya. End of the world na yata. Hala!!!

Ifish: ‘Wag kang mag-alala. Kami ang bahala sayo. Hindi ko hahayaan na makapanggulo siya dito.

scene 3

Kerots: Hmmmm ayon sa Controller ko, nandito lang sya…

Ifish: One! Two! Three!

Lumabas mula sa puno ang alaga ni Ifish…

Isang ahas na may dalawang ulo. Kaagad na pinuluputan nito si Kerots at ibinitin patiwarik.

 Nalaglag naman ang Controller ni Kerots sa sahig.

scene 4

Crystal: Dalian ninyo ayun ang Controller!

Ifish: Kunin nyo ang Controller at ibigay kay Crystal!

Crystal: Hahahaha! Kala mo mapapaslang mo ‘ko!

Kerots: Teka lang!!! Anong gagawin mo!! Magpapaliwanag ako! Kelangan mong marinig ang mga sasabihin ko Crystal!

Crystal: Yahh! Sisirain ko na to!

scene 5

Kerots: Oh Noes!!! Baket mo yan sinira!!!

Crystal: Baket ko sinira? Kaya nga ko umalis sa atin kasi gagamitin mo ‘yan para i shutdown ako! Kala mo ah!

Ifish: Mga Ifish! Sugurin ang Kerots na ‘yan! Isa siyang salot!

Kerots: Huh!? Ano to!?

scene 6

Kerots: Aray, Aray, Arayyyyyyyyyyyyyyy! Tama na please! Tama na!!!

Unti-unting nawalan ng malay si Kerots dahil sa pagkakatama ng takure sa kanyang ulo.

Crystal: WAHHHHHH!!!

scene 7

Biglaang umilaw si Crystal, Isa-isa nyang tinira ng laser beam ang mga Ifish na nananakit kay Kerots. Kasabay ng pagkasawi ng mga Ifish ang pagkawasak ng mga bahay.

Nagkamalay na ulet si Kerots.

scene 8

Kerots: Anyare? Wahhh!!! Pinatay mo silang lahat! Naulit na naman!!!

Crystal: Ako ang may gawa nito??? Naiintindihan ko na kung bakit gusto mong gamitin yung switch para i shutdown ako…  So ‘yung pagkasira ng Kerots Town, ako din pala ang may kagagawan? Huhuhuhu

Kerots: Oo eh… Pasensya na Crystal, ako talaga ang may kasalanan. Sa kagustuhan kong magkaroon ng tunay na kaibigan at tagapagligtas mula sa mga nangbubully saken, nagawa kita. Hindi ko alam na magrerespond pala ang katawan mo kapag nakakakita ng karahasan.

Crystal: Bakit kasi hindi mo pa pinindot ang switch noon? Bakit kailangang hanapin mo pa ako???

Kerots: Kasi, ako ang gumawa sa’yo. Masakit sa akin ang gawin ‘yun. Kaya kita hinanap muna, para maipaliwanag sa’yo lahat ng mga pangyayari. Gusto kong maunawaan mo lahat-lahat. Pasensya na talaga…

Crystal: Ayoko ng ganito. Ayusin mo ako please. Ayoko makapanakit ng kahit sino. Ayoko ng maulet pa ang mga pangyayaring ito.

Kerots: Yung Controller… Nasira na… Kailangan kong gumawa… ulit… ng panibago…Kaso…  Crystal… (ubo… ubo…) Salamat… Kahit sandali… naparamdam mo saken… ang magkaroon ng tunay na kaibigan… (ubo… ubo…)

Crystal: Kerots!!! Kerots!!! Huhuhuhu

scene 9

 

Ang Istorya ni Kerots <—– i click ang link

One response »

  1. ang lungkot naman ng nangyari. though nakakaaliw pero ung kwento eh test of friendship.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s