scene 1Hamster: Woah! Baket tayo nasa ulap? Teka!!! Naghibernate lang ako ng limang araw ah… Woooh! Ang sarap-sarap naman dito sa itaas!!! Teka lang Pet Bird, baket parang di ka nag-eenjoy?

Pet Bird: Boring nga eh. Ilaglag pa kita dyan. 

Gulat na gulat na lang si Hamster sa kanyang paggising mula sa pagkatagal-tagal na pagtulog dahil nasa himpapawid na siya at nakasakay pa sa ulap.

Matagal na din kasi nyang pangarap ang makapaglakbay. Ngunit ngayon, sa hindi malaman na dahilan ay, nandoon na siya, nakasakay sa ulap kasama pa ang alaga nyang ibon.

Hamster: Pet Bird! Tignan mo oh may paparating. 

scene 2Uwak: Hohohoho! Kita mo nga naman. May bisita ako.

Hamster: Bisita? 

Uwak: Oo. Nandito ka ngayon sa airport ko, at ang sinuman na mapadpad dito ay kailangang magbayad ng entrance fee at kung anu-ano pang miscellaneous fees.

Hamster: Ang lawak-lawak netong kalangitan, tapos may entrance fee? 

Uwak: Sige. Okey lang hindi magbayad. Gagawin na lang kitang Kare-kare. O kaya Papaitan. Pwede rin Igadu. Pili na!

Hamster: Eto na nga eh. Humuhugot na sa bag ng ipambabayad sa’yo. Okey na ba ‘tong celphone ko? Iyo na ‘yan. Android pa kaya ingatan mo please.

Uwak: Maraming salamat! Ang dali mo naman palang kausap eh.

At daliang umalis ang Uwak, pauwi ng kanyang condo, bitbit ang celphone ni Hamster. 

scene 3Hamster: Aray! Aray ko!!!

Pet Bird: Bakit mo naman ibinigay yung celphone mo!

Hamster: Eh gagawin nya kasi akong pulutan pag di ko ginawa yun. At saka di ko naman na kailangan ng celphone, magpapayphone na lang ako sa may tindahan pag-uwi. Masmatipid pa.

Pet Bird: Ganon? Sana pinatuka mo na lang sya saken. Kayang-kaya ko kayang paduguin nguso nung Uwak na yun.

Hamster: Haha! nakakatuwa ka naman. Hayaan na natin sya, tutal dayuhan lang naman tayo dito…

Pet Bird: K.

Hamster: Hmmmmm… Teka mukhang may paparating na naman…

scene 4

Hamster: Awww… Ayusin mo yung bandaid ko. Ansakit kaya ng pagtuka mo sa ulo ko kanina.

Pet Bird: Wag ka kasing malikot. Tutukain ulet kita.

May kakaibang ingay silang narinig. Ito ay gawa ng paparating na Putakte, kasama ang kanyang mga baranggay tanod.

Putakte: Hello! Tama nga ang naaamoy ko! May hamster! At nakasakay pa sa ulap! Amazing!

Hamster: Eh ano naman sa’yo kung nakasakay ako sa ulap? At bakit mo ko inaamoy? Crush mo ko? Uy….

Pet Bird: Hamster, Maglalabas na ba ko ng Baygon? Nakakabadtrip. Kanina may Uwak. Ngayon may Putakte naman.

Putakte: Hindi ba kayo natatakot sa mga Tanod ko? Ang dami namin oh. Isang turok lang namin sa inyo, mamamaga ang buong katawan nyo, lalagnatin, tapos matsutsugi. Tepok. Dedbol.

Hamster: Hmmmp!!!

Putakte: Patingin nga ng bag mo… Aha! Sige… Papaalisin ko na kayo kung ibibigay mo sa akin ang isa sa mga ‘yan.

Hamster: Ah eto ba? Hmmmm… Sige, sa’yo na lang tong PSP ko. Tutal sawa naman na ko dyan eh. Magbabasa na lang ako ng books sa bahay pag-uwi.

Putakte: Hahahahaha! Napakabait mo naman pala eh! Sige! Hanggang sa muli! Paalam!!! 

At umalis na nga ang Putakte kasama ang mga tanod dala-dala ang PSP ni Hamster. 

scene 5

Hamster: Aruguy!! Awww!! 

Pet Bird: Ibinigay mo na nga celphone mo, ngayon naman PSP. Mga jowa mo ba yang mga yan at bigay ka ng bigay ng mga gadgets mo?

Hamster: Ayos lang yun Pet Bird. Ginawa ko lang naman yun para maligtas ang buhay natin. 

Pet Bird: Ewan ko sa’yo.

Hamster: Mag-enjoy na lang tayo dito sa pagsakay ng ulap. Yahoo!!! Ambagal ng ulap parang LRT-2  pero ayos lang!!!

May papalapit na naman sa sinasakyang ulap nila Hamster at Pet Bird. Isa naman itong Saranggola.

scene 6

Saranggola: Excuse me po… Tulungan nyo po ako. Nawawala po ang anak ko. Huhuhu

Hamster: Awwwww… Saan nyo po ba sya huling nakita? Hindi po kaya nakipagtanan na sa ibang saranggola?

Pet Bird: Hmmmmm…

Saranggola: Kanina lang magkasama kami sa SM. Tapos namili lang ako sandali ng mga bra’t panty nya… Tapos nawala na sya…

Hamster: Sige po tutulungan po namin kayo. 

Pet Bird: Hmmmmm….

Hamster: Ano ba yon Pet Bird?? Hmmmm ka ng Hmmmm dyan???

Saranggola: Ammmm, ayan po oh, yang nasa bag nyo… Pwede pong akin na lang yan? Pwede ko pa pong ibenta yan para po may pera ako pambayad sa panawagan sa lahat ng radio stations.

Hamster: Ganoon po ba??? O sige eto na po ang laptop ko. Ibenta nyo po sa cyberzone, tapos sana po mahanap na yung anak nyo.

Saranggola: Maraming-maraming salamat!!! Hanggang sa Muli! Paalam!!!

 

At tuluyan ng umalis ang saranggola dala-dala ang mamahaling laptop ni Hamster. Habang papalayo ang saranggola ay madidinig ang malakas na tawa nito.

 

Saranggola: Hahahahahaha! Tama si Uwak. Ang daling lokohin ni Hamster.

 

scene 7

Hamster: Ouch! Ouch! It hurts!!!

Pet Bird: Di ka na talaga nadala! Pinamigay mo pa yung laptop mo! 

Hamster: Pasensya naman.. Napaniwala nya ko sa acting nya. Naawa lang ako kasi sabi nya nawawala ang anak nya. Malay ko ba na manloloko sya.

Pet Bird: Yung saranggola pa lang, Hamster… tapos… Nagsasalitang saranggola…???Hindi na yon kapani-paniwala. Tapos sa kwento nya, naniwala ka pa? 

Hamster: Hahaha! Oo nga naman! Di ko kagad naisip yun ah. Okey lang, sa kanya na yung laptop ko. Di ko naman na kailangan yun. Pag-uwi naten, magjojogging na lang tayo para healthy pa. Oha.

Pet Bird: Utut mo! Paano ko magjojogging. Eh bird nga ko.

Hamster: Hahaha! 

Sa kalagitnaan ng tawanan, namataan nila na papalapit na naman si Uwak. May dala-dala siyang isa pang Hamster. Inihulog nya ito sa may sasakyang ulap nila Hamster at Pet Bird.

 

scene 8

Evil Hamster: Nyahahahahaha! Maraming salamat bespren Uwak! 

Hamster: Uy si Uwak! Uy may Hamster! Hello!

Pet Bird: Heto na naman tayo…

Evil Hamster: Nabalitaan ko kasi na may Hamster sa nakasakay sa ulap. Hindi naman ako papayag na hindi ko yun maexperience. Heto na! Ang sarap pala!

Hamster: Oo masarap talaga. Teka, bakit ka iniwan ni Uwak? Paano ka makakauwi nyan?

Evil Hamster: Ano pa nga ba? Edi etong ulap na sinasakyan natin.

Hamster: Hahaha! Hindi ko kaagad naisip na pwede nga pala kita isabay pauwi. Tara, uwi na tayo.

Evil Hamster: Hep, hep, hep, kararating ko lang. At isa pa, gusto ko tong ulap mo. Akin na lang to. 

Hamster: Pero, pero…

Evil Hamster: Wala ng pero pero. Gusto mo baliin ko mga buto mo? Sige na, alis na. 

Hamster: Okeyyyyyy… Tara na Pet Bird.

Pet Bird: Ano??? Pati ba naman tong ulap, ibibigay mo? Ano? Tatalon tayo? Ako pwede kasi bird nga ako. Eh ikaw? Hindi naman kita kayang buhatin.

 

At tumalon na nga si Hamster mula sa ulap. Ipinaubaya na nya ito sa Evil Hamster.

Galit na galit namang sinundan ni Pet Bird si Hamster sa mabilis na pagbagsak nito.

Pero ilang saglit lamang ay may tumunog.

 

scene 9

 

Hamster: Yahhhh!!! Super Vacuum Cleaner! Hahahaha! Lagot ka ngayon Evil Hamster!!! Akin yang ulap na yan!!!

Pet Bird: Hoy Hamsteeeeeeer!!!  Teka, saan galing yang vacuum cleaner mo?

Hamster: Sa bulsa ko!

Pet Bird: At talagang may parachute ka pa. Akala ko nagsuicide ka na. Bigla ka na lang tumalon. Anong gagawin ko kung may nangyaring masama sayo! Huhuhu

Hamster: Boyscout ako eh. Alam mo, tama yung mga sinasabi mo kanina eh. Sorry ah, masyado akong nagpapadala sa sindak at pananakot nila Uwak at Putakte. Hindi ako lumaban. Sorry din kasi napakadali kong naniwala dun sa mapanlinlang na Saranggola.

Pet Bird: Wala iyon. Alam mo naman ayaw na ayaw ko na nakikita kang nalalamangan at ginugulangan ng iba. Hehe. Teka! Tignan mo si Evil Hamster oh! Nahulog na! Belat nga sa kanya.

Evil Hamster: Wahhhhhh!!! Saklolo!!!!

Hamster: Hahaha! Akala siguro ng Evil Hamster na yan, matatakot ako sa kanya. Hindi nya pa talaga kilala kung sino AKO. haha!

Pet Bird: Yehey!!!

Hamster: At saka ansakit nga pala ng  buong katawan ko kakatuka mo. 

Pet Bird: Eh… 

About jason

walang clue. nak ng

9 responses »

  1. sphereq ay nagsabing:

    sumakit ang katawan ni Hamster dahil sa kakatuka. xD

  2. sphereq ay nagsabing:

    ang galing mo sphereq naka base ka!

  3. Senyor Iskwater ay nagsabing:

    Galing! Napaka-colorful naman ng tambayan mo…

  4. mafeviii ay nagsabing:

    nakakatuwang maging kaibigan si Pet Bird. wahahaha.😀 concern na nananakit. wew. >.<

  5. hana banana ay nagsabing:

    lesson learned: magbaon ng parachute kapag sasakay sa ulap😉

  6. bagotilyo ay nagsabing:

    akala ko ililigtas sila nung saranggolang namili ng bra’t panty para sa anak niyang nawawala. hahahha

  7. ELIment ay nagsabing:

    tuloy-tuloy parin pala ang kwentuhang hamster. sori ang tagal bago ako nakabalik dito🙂

  8. gera ay nagsabing:

    Hahahaha! ang galing nilang dalawa🙂

  9. gregzyrusmanimtim ay nagsabing:

    ang ganda naman nagandahan ang mga bata ko

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s