Ang alam ko yung usual na Visita Iglesia, kelangan may binabasa sa booklet every station of the cross. Di ko pa naexperience yun. Nakalakihan ko na yung bibisita lang talaga. Kasi on the way yung mga simbahan sa pinupuntahan namen tuwing Mahal na Araw. Sa Sampaloc, Manila. Taon-taon yan. Pero ngayon, sa San Pedro, Laguna naman.

Nagkataon ngayon na medyo nagtatrabaho na ko, at kelangan akong pumasok kahit holiday kaya naman maaga kaming umalis ng bahay. Ito yung mga simbahan na binisita namen, dapat daw at least maka 7 na simbahan na bibisitahin…

————————–

Claret

DSC_0119[1]

Eto yung Parish sa may school ko nung hayskul ako. Malaki sya, maganda, malinis, at hindi mainit kasi maganda ang ventilation. Dito kami nagmimisa every first Friday. Napupuno yan ng mga students. Isang beses nagsalita ako dyan nung mass, di ko na maalala kung ano yun. May kodigo pa.

————————

Divine Mercy

DSC_0148[1]

Eto yung favorite kong simbahan kase eto pinakamalapit sa bahay. Walking distance lang, malapit sa supermarket. Dito rin ako nag-Parish Involvement para sa subject namin na Christian Living Education. Sayang nga lang di ako nakapagserve, di ko naexperience magpatunog ng bell o kaya magbuhat nung malalaking kandila.

—————–

Holy Family

DSC_0154[1]

Dito sa simbahan na to binurol yung lolo ko, sa fatherside. Unang beses na natulog ako sa loob ng simbahan dahil nga ganon daw pala pag may burol. Eh anong malay ko pa nun, ang alam ko lang e pumapak ng green peas at kung anu-ano pa kala ko parang picnic lang. Pag-uwi ko namin ng bahay, nagtae ako.

———————————

Sacred Heart of Jesus

DSC_0157[1]

Ang naaalala ko lang sa parish na to eh naniningil lagi ng parking yung mga nagbabantay sa labas. Yun lang.

——————————

St. Paul the Apostle

DSC_0159[1]

Eto yung parish na parang elevated, tapos pabilog. Malapit sa mga restaurant at mga spa. Bandang Timog ata to, di ko matandaan. Basta yun na yun. Binubuksan ko lagi yung ceiling fan kapag pumupunta kami.

—————————-

Sto. Domingo

DSC_0163[1]

Eto, dito ko nag first communion nung bata pa ko. Maliit pa ko nun eh. Siguro mga grade 2. Gusto dito, napakalaki ng lugar. Pati sa labas. Parang pwede ka pang magpicnic.

—————

U.S.T.

DSC_0169[1]

Alma Mater ng kuya ko. Aircon yung simbahan, Napakalawak ng UST, ang sarap ikutin at mamasyal. Aakyat sana ko dun sa balcony area mukhang maganda view kaso papagalitan lang ako nila mommy.

————————————-

Anong ginagawa namen sa bawat simbahan? Una sawsaw ng kamay dun sa mga lalagyan ng holy water kahit tuyo, tapos mag sisign of the cross. Tapos pupunta sa gitna, mag-gegenuflect. Tapos uupo na, bago pala umupo luluhod muna. Tapos magpapray. Tapos kwentuhan sandali. Tapos sawsaw ulet sa holy water, tapos sign of the cross ulet.

Tapos the end.

About jason

walang clue. nak ng

7 responses »

  1. Senyor Iskwater ay nagsabing:

    sana ma-sustain mo ang ganyang panata… nakakatuwa at may mga baon kang kwento sa bawat simbahan…

  2. Bino ay nagsabing:

    never pa kong nakapagvisita iglesia. laging pasyon at senakulo, and salubong🙂

  3. fiel ay nagsabing:

    I feel so guilty. Di pa talaga ako nakaka kumpleto ng church sa visita iglesia. sana mapatawad ako ni Lord.

    Blessed Good Friday!

  4. Glentot ay nagsabing:

    Literal na bisita iglesia hehe. Meron bang online equivalent yan para sa mga may pasok ng Holy Week?

  5. michelle ay nagsabing:

    napakaganda naman jan!!!! sana makapunta rin kami jan!!!!

  6. HOSHI ay nagsabing:

    hi tito!

    ito raw ang nakita kong interesting sa iyong fresh post line up.

    iland dito napuntahan ko na rin para sa visita iglesa at masaya talaga ang mag-Vsita Iglesia… na hindi ko nagawa this year kasi may pasok ako gaya mo.

    sana next year matuloy ulit ako.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s