scene 1a

Isang araw, may batang hedgehog, na ang pangalan ay… Hedshag.
Linggo ng umaga, walang pasok sa school kaya naisipan nyang pumunta sa playground.
Dinala nya ang kanyang Ipod at…

Hedshag: La – la – la – la. Sarap mamasyal! Heksayted na kong magpadulas sa padulasan! Pati na rin tumakbo sa takbuhan! Yipee! Teka! Wats dat??

Mga tatlong tumbling na lang si Hedshag para
makarating sa playground nang may makita syang kakaiba dito…
May nakita syang isang baka.

scene 1

Hedshag: May baka sa playground eh?

Baka: Mooooo… Moooooo…. Mooooooo…

Hedshag: Hoy baka! Anong ginagawa mo dito! Anong pangalan mo! San ka nakatira! Sino gelpren mo! Sinong nanay mo!

Baka: Moooo???

Hedshag: Tara pakinggan natin tong album ng Spongecola, astig to eh. Mamaya na ko magpapadulas sa padulasan, bonding muna tayo. Ayos ba dre?

Baka: Moooooo!!!!

Naisip ni Hedshag na iuwi sa kanilang bahay ang bagong alagang Baka.
Doon nya ito pinatulog, at itinago nya ito para di makita ng kanyang mama.

Tiktilaok!!! Tiktilaok!!! Ang sabi ng manok sa kapitbahay.
Umaga na pala. Ang sabi naman ni God.
Hindi nagising si Hedshag sa tilaok ng manok, pero maya-maya lang ay nagising na sya dahil sa sigaw ng kanyang mama.

Mama Bird: Hedshag!!! Hedshag!!! Eeeeeeeeekkkkkk Ano to!!!

Hedshag: Patay ako…

scene 2

Mama Bird: Jusko Anak! Ano yan! Bakit may baka dito sa loob ng bahay!!! At nakatayo pa sya sa dalawang paa? Yung totoo, adik ba to?

Hedshag: Baka?? Wala naman pong baka. All I see is a beautiful bird. And guess what, Ikaw yun Mama!

Mama Bird: Ah ganon, wag mo kong daanin sa ganyan. Maganda talaga ko anak?

Hedshag: Oo nga po.

Mama Bird: Grrrrr… Nakikita mo ba tong hawak kong walis???

Hedshag: Ay!!! Mama! May baka nga sa likod mo!!! San galing yan!!!

At hinabol nga ni Mama Bird si Hedshag habang nag-jujumping jacks palabas ng bahay, kasama si Baka.

Pero gusto talaga ni Hedshag na itago sa loob ng bahay si Baka.

Nakaisip na naman sya ng bagong disguise. Kinaumagahan, narinig na naman nya ang sigaw ng kanyang Mama Bird.

scene 3

Mama Bird: Anak! Bakit nandito na naman tong baka?

Hedshag: Yan po yung bago nating lampshade na bigay ni Tita Turkey. Nakalimutan nyo na po kaagad? Hay naku.

Mama Bird:  Ah talaga? Pag yan napatunayan kong baka, Hindi ko na babayaran yung bill ng Internet.

Hedshag: Opo lalabas na po kami! Mama Bird naman eh. Wawa naman po si baka sa labas.

Sa takot ni Hedshag na maputulan sila ng Internet, minabuti nya na ipasyal na lang si Baka sa Mall of Asia. pero nagmatigas si Hedshag. Iniuwi nya pa rin si Baka sa kanilang bahay. Ayaw nyang mahiwalay kay Baka. Kinaumagahan, sumisigaw na naman ang kanyang Mama Bird.

scene 4

Mama Bird:  Omegad Anak!!!

Hedshag: Ano na naman po Mama Bird?? Wala po akong ginagawang masama.

Mama Bird: Bakit ang daming pupu sa loob ng bahay!!!

Hedshag: Ayyyy Baka!!! Bakit ka may diarrhea? Pinapak mo yung condensed milk pati peanutbutter???

Baka: Mooooo! Mooooooo!!!

Mama Bird: Ayoko nang makita yang Baka na yan! Tignan mo sumisipol-sipol pa!!!

Nagcartwheel palabas si Hedshag pati na rin si Baka. Hindi na alam ni Hedshag ang kanyang gagawin. Natatakot syang gawing Kaldereta si Baka. Isa na lang talaga at Bibingo na silang dalawa kay Mama Bird. Nag-isip ng paraan si Hedshag kung saan nya itatago si Baka.

scene 5

Sa di malamang paraan ay naisabit ni Hedshag si Baka sa Moon.

Hedshag: Ayan, hindi ka na makikita ni Mama. Huhuhu. Bibisitahin kita pero di ako mangangako. Ang hirap mo kayang isabit dyan sa moon. Buwis buhay eh. Biro lang Baka. Pakabait ka dyan ah, pasensya na wala na talaga kong maisip na paraan.

Baka: Salamat!!!

Hedshag: Hala!!! Ngayon ka lang nagsalita! Im so happy! Yaheyyy!!! Labyou Baka!!! Huhuhu Paalam na din. 

Umuwi ng malungkot si Hedshag. Hindi na nya kasi makakatabi sa pagtulog si Baka. Gusto ni Hedshag na bago matulog ay mayroon syang kakuwentuhan at kakulitan. Ngunit ngayon, wala na.
Naisabit na nya si Baka sa Moon. Hindi nya alam kung mababalikan nya pa ito o hindi na.

scene 6

Mama Bird: Oh, nasan na yung Baka?

Hedshag: Wala na po sya, Ibinenta ko na po sa bumbay, ipampapagawa na daw ng tulay.

Mama Bird: Anong pinagsasasabi mo dyan? Mabuti nga wala na yang baka na yan. Iuutang na lang kita ng Ipad Mini. Wag ka ng umiyak.

Hedshag: K.

Lumipas ang mga araw, hindi na nabibisita ni Hedshag si Baka dahil wala syang time. May thesis din kasi silang tinatapos sa school. Araw-araw malungkot si Hedshag. 

Hindi na makatulog, hindi rin makakain ng maayos.

Samantala…

scene 7

Pechay: Hoy mare, ano na, yung bayad mo sa mga kinuha mong alahas??? Anong petsa na?

Mama Bird: Ay pasensya na, tuition kasi ng anak ko, alam mo naman graduating na si Hedshag ko.

Pechay: Kelangan ko na ng pera, wala na kong pambili ng make-up ko. Tignan mo oh, pumapangit na ko. Baka hiwalayan na ko ni Pepino.

Mama Bird: Ah eh, sige gagawan ko ng paraan. Wait lang ha. Magwiwithdraw lang ako sa Philtrust Bank. Basta babayaran din kita.

Pechay: K.

Nataranta si Mama Bird. Saan sya kukuha ng pera???
Naisip nya si Baka na pwedeng pagkakitaan.
Wala ng ibang paraan, pero paano? Wala na si Baka.
Dali-dalian nyang nilapitan ang kanyang anak na si Hedshag.

scene 8

Mama Bird: Hedshag, anak kong kyut na kyut, halika dali…

Hedshag: Bakit po mama? Kukutuhan ba kita ngayon?

Mama Bird: Haha!! Nasaan na pala yung kaibigan mong Baka?

Hedshag: WAHHHH!! HUHUHUHU!!!! WAHHHH!!!

Mama Bird: Anak, wag masyadong O.A. pwede na syang tumira ulit dito sa atin. Dali sunduin mo na sya.

Hedshag: Huwaaaaattt??? Talaga po?? Sige po!!! Mamayang gabi susunduin ko sya sa Moon.

Mama Bird: Moon?

Hedshag: Yehey Labyu Mama Bird!

Mama Bird: Labyu too anak!!! Basta bukas nandito na dapat si Baka ha?

Sa sobrang excited ni Hedshag, pagsapit ng gabi ay sinundo nya kagad si Baka. Masaya nyang sinabi kay Baka na pwede na ito ulit tumira sa kanilang bahay. Ang hindi nila alam ay may binabalak na pala si Mama Bird kay Baka. Kinaumagahan…

Hmmmmmm….

scene 9

Mama Bird: O sige ingat ka pagpasok ha! Huwag ka masyadong papagabi ha, mamaya tatambay ka na naman sa Worlds of Fun.

Hedgehog: Opo Mama! Maglaro muna kayo ni Baka ng scrabble habang wala ako ha!

Mama Bird: Oo naman anak…. Hindi lang yun ang gagawin namin. Hihihihi.

Hedgehog: K bye.

Pagkaalis ni Hedgehog ay nagmadaling umuwi sa bahay si Mama Bird at agad na nilapitan si Baka.
Ano nga kaya ang pwede nyang gawin kay Baka
para mabayaran nya ang kanyang mga inutang na alaha
s kay Pechay?

Gabi na nang dumating si Hedgehog galing sa school dahil sa thesis.

Pero may nasalubong sya sa kalsada…

scene 10

Pechay: Uy Hedshag ang galing talaga ng Mama Bird mo! Sa isang araw lang, nabayaran nya kagad yung utang nya.

Hedshag: Ay ganun po ba? Paano po? Namalimos? San po sya kumuha ng pera, kakabayad nya lang po ng tuition ko. Eh?

Pechay: Nagtayo sya ng maliit na tindahan sa harapan ng bahay nyo. Meat shop. Mabenta nga, ubos kagad yung mga paninda.

Hedshag: Huwatttt!!!! Meatshop???

Pechay: Oo. Meatshop. Mabenta nga, ubos kagad yung mga paninda. Paulet-ulet??? Pero teka,  Sobrang Okey nga yung mga karne ng baka. San kaya kumukuha ng supply ang Mama Bird mo?

Hedshag: Si Baka!!! Huhuhuhuhu!!! Anong ginawa ni Mama kay Baka!!!

Pechay: Baka? Okey ka lang Hedshag?

Hedshag: Opo. huhuhu. Okey lang ako. Huhuhu. Sa sobrang Okey ko, gusto ko pong tumalon sa bangin. Teka po, kelangan ko ng umuwi! Babay po Aling Pechay na naka make-up! Huhuhu!

Umiiyak si hedshag na tumakbo pauwi. Hindi nya matanggap na kaya pala pinasundo sa kanya si Baka ay para ibenta ang karne nito. Galit na galit sya sa kanyang Mama Bird.

Hedshag: I hate you Mama! I hate you Mama! I hate you Mama!!! Pano mo nagawa saken to!!! Huhuhuhuh

Pagkauwi ni Hedshag, nakita nya ang kanyang Mama Bird na nasa may labas ng bahay. Nagtataka naman  ito kung bakit umiiyak ang kanyang anak.

scene 11

Mama Bird: Oh baket ka umiiyak? Sinong nang-bully sayo sa school! Sabihin mo saken!!! Sasaktan ko kung sino man yun!!!

Hedshag: Huh??? Mama, buhay si Baka?

Mama Bird: Oo naman. Ang takaw-takaw nga, naubos nya yung talahiban sa bundok. Bakit?

Hedshag: Ah wala naman po. I labyu mama! I labyu mama! I labyu mama!

Mama Bird: Napaka weird mo talaga anak.

Hedshag: Ikaw ang weird mama! Meatshop, tapos Baka yung nagbebenta?

Baka: Moooooooooo!!!

About jason

walang clue. nak ng

9 responses »

  1. ELIment ay nagsabing:

    ayos. cute na cute ang mga character.

  2. Kat ay nagsabing:

    jason! ang cute.. naalala ko si guyito.. ang pangarap kong bakang stufftoy since college days.. Im inviting you to a storytelling activity in my class. And this one is so cute. Aliw much!

  3. fiel-kun ay nagsabing:

    Awww… natatawa ako na parang ewan dito habang binabasa ko toh ahahaha😀

    Galing mo Jason :))

    Hong kulet ng mga characters dito sa iyong kuwento!

  4. DaintymeetsME ay nagsabing:

    wow, galing ng mga kathang isip, ang mga tauhan ay sadyang napaka cute

  5. WILZELANN L MEDINA ay nagsabing:

    ANG CUTE TALAGA AT NAKAKA ALIW

  6. doroastig ay nagsabing:

    Your blog has a special place in here

  7. doroastig ay nagsabing:

    Your blog has a special place in here

  8. kin alyza lucas ay nagsabing:

    totoo ang sinabi nila na pambata

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s