scene 1

“Ang ganda-ganda pagmasdan ng paglubog ng araw, ano?” Nakangiting napahinto si Pug at napaupo sa buhanginan. Kasabay nito ang paglipad ng mapupulang ibon sa kalangitan. Tumigil na rin sa paglalakad si Hamster at umupo sa tabi ng kaibigan.

Oo nga, nakakarelax pa… Teka nasaan na ba ‘yung mga kasama natin, bakit ang tagal nila?” Pagtataka ni Hamster.

“Hayaan mo lang sila’t makakahabol din ang mga iyon. I-enjoy muna natin ‘to. Masaya ako, Hamster.” Mahinang sagot ni Pug, sabay tingin kay Hamster, na napalitan ng pagtitig.

Napalingon din si Hamster sa kanyang kaibigan. “Huh? Bakit?”

“Basta…” Ang tanging naisagot ni Pug habang nakangiti.

 

scene 2

“Anak ng butanding!” Malakas na sigaw ni Pug. Walang patid ang pag-agos ng tubig mula sa shower.  Nakatulog pala siya at nanaginip.

Agad na isinara ni Pug ang shower, nagpunas ng tuwalya, at nag-ahit. Nagpabango, nagpahid ng moisturizer at nag-gargle. “Bakit ganon ang panaginip ko? Bakit si Hamster? Napaka corny pa, nasa dagat. Baduy!”

“DING-DONG”

 scene 3

Kumaripas ng takbo si Pug na parang si The Flash upang buksan ang pintuan. Tinanggal ang tatlong kandado, sabay bukas ng sliding door… “Hamster!”

“Hi Pug! Huh? Di ako si Hamster, adik. Inimbitahan mo ba siya dito?” Medyo nagulantang si Amoeba, isa sa mga tropa nila Pug at Hamster.

“Ah, hindi… akala ko lang talaga… O bakit ka pala nandito? Diba magnininang ka sa kasal ng tikbalang?” Mula sa pagkasabik ni Pug ay napalitan ito ng medyo pagkairita. Disappointed baga.

“Bukas pa ‘yung kasal ng pinsan ko ano. Teka, may fund-raising kasi para sa mga street kittens, ‘yung mga kuting na tinatapon ng mga magulang sa estero. Nakakalungkot nga eh. Huhuhu. Nagbabakasakali lang na pwede kang makipagcooperate?” Sabay dumukot si Ameoba ng folder sa kanyang bulsa.

“Ano kasi, busy ako ngayon, naglilinis ako ng aircon saka ng baththub. balik ka na lang bukas, pag-iisipan ko, bye.” Pilit na ngumiti si Pug sabay isinara na ang pintuan.

“Anubayan… Si Hamster pala nagregister na kaninang umaga.” Pahabol ni Amoeba.

Biglang bumukas ang pinto ni Pug. Dumungaw ito at todo ang ngiti. Ngiting aso.

“Ano bang mga kailangan diyan?” Tanong ni Pug.

Hala, hala, hala, anyare?” Pagtataka ni Amoeba.

Pumasok na ulit ng bahay si Pug pagkatapos magregister sa fund-raising program ni Amoeba. Parang may karera ng kabayo sa loob ng kanyang dibdib. Hindi nya maintindihan kung bakit. Hindi na rin siya mapakali. Sinubukan niyang lumaklak ng gatas ng kambing, mag sit-ups ng limampung beses, kumain ng cornik, at iba pa. Nauwi siya sa pagchecheck ng kanyang laptop.

scene 4

Sa pagbobrowse-browse ni Pug ng internet, hindi niya namalayan na  siya ay nasa facebook page na ni Hamster.

“Bored? Ang dami namang alam netong Hamster na ‘to. Haha. Hmmmm… I message ko kaya tong mokong na ‘to. Tutal bored din naman ako eh. hehe.. Arghh!!! Bakit ko kinakausap sarili ko!!!”

Binuksan na ni Pug ang facebook messenger at sinubukan na niyang i-pm (private message) si Hamster.

Inabot na ng gabi, wala pa ring nasusulat na message si Pug.

Samantala, sa bahay ni Hamster…

scene 5

Alas onse na ng gabi, at habang nanonood ng Gravity si Hamster, narinig niyang tumunog ang kanyang cell phone. Ngunit hindi siya makaalis sa kinauupuan dahil…

Nasa kalawakan na si Sandra Bullock, makapigil na hiningang eksena.

“Wag kang mamamatay!!! Yung oxygen paubos na! Argh!!!” Ninenerbyos na bulong ni Hamster sa kanyang isipan.

Paglipas ng tatlumpung minuto ay sinilip na niya ang notification sa kanyang cell phone.

“1 facebook message received”

Agad-agad naman itong bumalik sa kinauupuan at ipinagpatuloy ang panonood ng pelikula.

“2 facebook messages received”

Nakatulugan na ni Hamster ang pelikula dahil sa sobrang kapaguran.  Naubos ang lakas niya sa  pagbubuhat ng maraming computer servers sa opisina.

Samantala, balik sa bahay ulit ni Pug…

“Ano ba…. Bakit di ka nagrereply…. Kakainis naman oh…” Pagmamaktol ni Pug habang siya ay nakahiga sa waterbed. Bumangon siya at tumalon papunta sa kanyang laptop para magcheck.

scene 6

“Alas tres na ah… Seen-zoned ako ng ala-una. Nakakainis!!! Arghhhh…. Unfriend! Yan bagay sa’yo! Ayaw mo ‘kong pansinin!!!” Kinakausap na naman ni Pug ang kanyang sarili. Sa sobrang galit ay in-unfriend niya si Hamster. Sobrang nasaktan si Pug dahil seenzoned siya.

Kinaumagahan, sa bahay ni Hamster…

Tit-tit-tit-tit-tit… Tit-tit-tit!

Pang 3210 ang message alert ni Hamster sa kanyang cell phone.

“1 unread message”

Pagkatingin niya…

“Hindi mo ba talaga babasahin ang messages ko sa fb?” – Pug

Agad namang nagcheck ng fb messages si Hamster at nakita niya na meron nga. Naalala niya na nagising siya noong madaling araw at napindot nya ang messages ni Pug, ngunit hindi na nagawang magreply dahil sa sobrang pagod at antok.

Hmmmm… ano kayang nangyayari dito kay Pug? Nagtext pa, para ipabasa sa akin yung fb messages na:

Hamster! at Hello with smiley… Weird…”

Hindi na nagreply pa si Hamster dahil hindi niya alam ang kanyang sasabihin sa kaibigan.

Alas singko ng hapon. Nagdesisyong pumunta si Hamster sa bahay ni Pug dahil Sabado naman at walang pasok. Kakamustahin na rin nito ang kanyang kaibigan.

scene 7

Naabutan ni Hamster si Pug na naglalaro ng PS4. Grand Theft Auto ang nakasalang na laro.

“O kamusta naman. Pug. Ano ba yang nilalaro mo, palitan mo nga ng Marvel vs Capcom 3. Dali, lalampasuhin kita. Haha!” Pambungad ni Hamster pagkatapos ibaba ang knapsack sa tabi ng mesa, at naupo na ito sa tabi ni Pug para makipaglaro.

“Ah, ewan… Di ka nagpasabi dadating ka pala.” Medyo masungit ang pagkakasabi ni Pug. Pero patagong ngumiti dahil natuwa sa biglaang pagbisita ng kaibigan.

“Nge? Lagi naman akong pumupunta dito ng walang paalam, haha!” Sagot ni Hamster.

At naglaro na nga ang dalawang magkaibigan. Pagkalipas ng dalawampung minuto ng paglalaro…

“Ganito kasi yan! Eto pindutin mo para gumamit ng Super Powers.” Inabot ni BPug ang controller ni Hamster at pinagpipindot ang controller. Dumulas sa pagpindot at muntik ng masubsob si Pug sa tiyan ni Hamster.

*Moment of silence…

Hindi na nagsalita si Hamster, at focus na ito sa paglalaro. Ganon din si Pug.

“May sasabihin nga pala ako.” Binasag ni Pug ang katahimikan.

“Ako din…” Mabilis na tugon ni Hamster.

Patuloy pa din sa paglalaro ang dalawa. Medyo bumibigat ang tensyon sa loob ng sala.

“Sige… i..kaw na ang mauna, Hamster… “ Kinakabahang sabi ni Pug. Sumusulyap ito ng bahagya sa kaibigan, binabasa kung ano ang nararamdaman nito.

“Pare…” Mabilis na sagot ni Hamster…

Lumunok si Bulldog sabay ibinaba ang controller sa tagiliran. Butil-butil na din ang pawis sa kanyang noo.

“Pare, mahal mo daw ako?” Pagpapatuloy ni Hamster sabay tingin kay Pug. Hindi naman makaganti ng tingin ang kaibigan, hindi alam ang sasabihin.

May kung anong kuryente ang dumaan kay Pug, mula ulo hanggang paa. Nagsimula na ring magkuyakoy ang kanyang paa.

“Tug-dug… Tug-dug” x30. Ang sabi ng puso ni Pug.

“Huh? Ano? Sino naman may sabi? Mahal??” Nanginginig na sagot ni Pug sabay tingin sa kaibigan, sinuntok nito ang braso ni Hamster na bahagya ang lakas.

“Ano kasi… Basta… parang ‘di ko kayang sabihin.. Ang hirap…” Medyo nakangiting sabi ni Pug.

“Wala namang mababago sa pagtingin ko sa iyo, pero kaibigan lang ang pwede kong ialay sa iyo… Mahinang sagot ni Hamster.

*Moment of silence… ulit…

Bumilog ang kamao ni Bulldog at pahigpit nang pahigpit na parang mananapak.

“At kung higit pa roon, pasensya na. Di ko makakaya. Pare, kaibigan lang kita…”  Pagpapatuloy ni Hamster.

Nilingon ni Hamster ang kaibigan. Tulala ito sa TV screen…

About jason

walang clue. nak ng

10 responses »

  1. salbehe ay nagsabing:

    Seenzoned at friendzoned. Saklap, pre.

    Makwento ko lang, na-seenzoned din ako. Tapos!

  2. Geosef Garcia ay nagsabing:

    *wahahaha* Ang saklap.
    Lyrics ng ‘Pare Mahal Mo Raw Ako’ yun ah? I love that song!😀

  3. Simpleng Inhinyero ay nagsabing:

    natawa ako doon sa ending. kanta un sa HIMIG HANDOG…

  4. ಞ THAEDAB ಞ ay nagsabing:

    madaming beses na ako na seen zoned at nakakabadtrip ng araw lalo na pagcrush mo gumawa sayo : D hehe

  5. geylii ay nagsabing:

    waaaa! ang saaakit LOL hahaha
    may kanta pa nga >.< haha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s