SCENE 1

Sa wakas, uwian na. Bakasyon na rin para sa mga mag-aaral tulad ni Teddy. Naisipan ni Teddy na huwag muna umuwi, tutal naman ay maaga pa. Sinubukan niyang tahakin ang daan sa likuran ng kanyang paaralan. Sabi nga ni Finn the Human… “What time is it? It’s Adventure time!!!”

“Excuse me po! Mga langgam. Dadaan lang ako ah. Pasensya na di ko kayo mabibigyan ng pagkain. Di nyo naman siguro papatusin ‘tong dala kong Stork candy at baka ginawin kayo. Dadalhan ko na lang kayo minsan ng pizza sa Sbarro.

“Teka. Hala, hala, ano iyon!” Napahinto si Teddy sa pagmomoon-walk  at halos makalas ang ribs niya dahil sa nakita.

scene 2

“Sino ka? Lumayo ka nga diyan sa punso at baka maengkanto ka, lumaki pa ang bagang mo.” Sabi ng itim na higante gamit ang boses ni Master Pogi sa Dragon Ball Z, sa GMA 7 tuwing umaga.

Agad naman tumakbo si Teddy sa paa ng higante at dinutdot ito na parang nakakita ng laruan. Tinikman pa ni Teddy ang kanyang daliri pagkatapos.

“Anong ginagawa mo???” Pagtataka ng itim na higante.

scene 3

“Para kasing may mali. Teka, bago po ang lahat, eto ang sandwich. Napapanood ko kasi kayo sa National Geographic Channel. Mga wala na kayong makain kaya nangangayayat kayo. Malnourished po, sabi sa TV. Malayo po ba ang Africa? Nag-aircraft carrier ka ba papunta dito?” Pagmamagandang loob ni Teddy habang inaabot ang sandwich. Nawala na rin ang kanyang takot sa higante.

“Patawa ka naman. Di nga pala ako kumakain ng sandwich, salamat na lang… At lalong hindi ako taga Africa na malnourished. Isinumpa lang ako kaya ako nagkaganito.” Natatawang sagot ng itim na higante.

“Ah ganon po ba? Sorry naman. Tutulungan po kita na magamot ang sumpa.” Mabilis na bawi ni Teddy.

“Sigurado ka ba? Kung sa bagay, baka kailanganin ko din ang tulong mong stuffed toy ka. Dali, sumakay ka sa balikat ko…” At isinakay na nga ng Higanteng Itim si Teddy sa kanyang balikat at naglakad nang malalaki ang hakbang.

“Ako po pala si Teddy. 10 years old. Taga Project 8. Tamang-tama, first adventure ko po ito ngayong bakasyon.” Woohhh ang saya dito sa itaas!!!” Galak na galak na pagpapakilala ni Teddy.

“Ah ganoon ba? Tawagin mo na lang akong Blackie. Nagising na lang ako isang araw na ganito na ang itsura ko. Tapos may napagtanungan akong Doctor Kwak-kwak na para maalis daw ang sumpa, kailangan ko daw kainin ang mahiwagang prutas sa gitna ng lawa. Ayun malapit na tayo…” Huminto na sa paglalakad si Blackie at itinuro ang puno…

scene 4

“Bakit ka huminto? Tara na Blackie, lakad ka na. Di ka naman malulunod dyan kasi matangkad ka.” Pagyayaya ni Teddy para tumawid na sa lawa.

“Hindi yon ganon kadali, Teddy. Nakikita mo ba yung bumubula-bula sa bandang iyon??? Lake Monster daw yon sabi ni Doktor Kwak Kwak. Kaya daw non kumain ng 100 Bigmac sa isang upuan lang.” Nangangambang babala ni Blackie,.

“Ah ganoon ba??? Hmmm… teka. Ah alam ko na. Yung sandwich kanina.” Dinukot ni Teddy ang sandwich sa kanyang bag na kanina ay tinanggihan ni Blackie. Inihagis niya ito sa lawa kung saan makikita ang maraming bula.

“I wish, I wish…” Nakapikit pa at parang nagriritwal si Teddy… Samantala…

scene 5

 Pagkatapos ng sampung segundo ay may kung anong lumitaw mula sa lawa. Isang…  hipon.

“Sino ang naghagis ng napakasarap na bacon sandwich dito?” Sigaw ni hipon at biglang dumighay nang malakas.

“Present!!!” Tinaas ni Teddy ang kanyang kamay na parang magrerecite sa classroom. ” Teka kala ko may Lake Monster dito?”

“Ehem… Ehem.” Pagpapapansin ni Hipon.

“Inuubo ka? Baka gininaw ka, magdamag ka kasing nakababad diyan eh. Try mo po minsan umahon tapos maglakad-lakad. ” Biglang tumalon si Teddy mula sa balikat ni Blackie, at nagsimulang magkalkal ng gamit sa bag. “Eto may lagundi ako. Inumin mo yung katas, 3x a day.

“Ehem.. ehem.. Ibig kong sabihin, totoy… Ako yung Lake Monster. Bwahahahahaha!!! Malakas na tumawa si Hipon na parang kontrabida sa mga teleserye. “Kakainin ko kayo!!!”

“Teka naman po… Di ka naman mukhang Lake Monster. Mukha ka pong hipon. Mag-iinquire lang po sana ako kung pwede mo kong tulungan makatawid doon. Doon po sa may isla sa gitna. Kelangan ko po kasi yung mahiwagang prutas para maalis ang sumpa sa kaibigan ko.” Walang pangambang sagot ni Teddy sa pananakot ni Hipon.

“Hindi ka natatakot saken ah… Kakaiba kang bata ka. O sige. Tutulungan kita, pero sa isang kundisyon. Igawa mo pa ako ng 100 bacon sandwiches. Ngayon na!” Hindi halatang nagustuhan ni Hipon ang baon ni Teddy.

“Grabe naman po. Diba nakain mo na yung baon ko? In scale of 1 to Binay, gaano ka po kagulang?” Nakasimangot na sagot ni Teddy sa pangbubully ni Hipon.

“Ano!!! O s’ya sige na nga, sumakay ka na sa likod ko. Dami-dami mo pang sinasabi, di ka naman mabiro.” Gamit ang isang pirasong bigote ay binuhat nito si Teddy at isinakay sa kanyang likuran, at nagtungo na sa gitnang isla.

“Bakit po isang piraso lang ang bigote mo?” Pag-uusisa ni Teddy.

“Nakipaghilahan kasi ako kagabi. Hihihi. Teka, wala kang pakialam!” Biglang nagblush si hipon.

scene 6

Pagkatapos kumanta ng Chandelier by Sia ni Hipon ay eksaktong nakarating sila sa isla. Ibinaba na niya si Teddy at naghanap muna siya ng Starbucks.

Akala ni Teddy ay magiging easy to get lang ang bunga. Ngunit ibang klaseng puno pala ang kanyang makakaharap.

“Isang stuffed toy? Sa aking isla? Ano to? lokohan?” Pagtataka ni Puno habang nakikipag tong-its sa mga alagang ibon.

“Mawalang galang na po, pero pwede po ba kong makahingi ng mahiwagang prutas? Kailangan ko lang po para sa kaibigan kong isinumpa.” Nakayukong nakiusap si Teddy at halatang nahihiya ito..

“Nag-iisa na lang kasi to. Next month pa ako mamumunga ulit ng marami. Pero dahil bagong kulot ako ngayon at nasa mood ang lolo mo, pagbibigyan kita. Pero sa isang kundisyon. Kailangan mong magbigay ng joke.”

“May ganon pa po?? Ano pong tawag mo sa isang puno sa isla, na may dalawang mata at hahagisan ang magkabila nito ng barbecue sticks?

“Grrrrrrr” Nakasimangot na si Puno.

“Joke!!!!” Mabilis na pagtatapos ni Teddy.

“Wala akong mapapala sa pagjojoke mo. Maha-highblood lang ako. Ito na lang, sagutin mo na lang ang mini quiz ko at kapag tumama ka, ibibigay ko na sa’yo ang prutas kong masarap at limited edition. Ready???

Ilang ibon ang naririto ngayon sa aking isla? Sagot!” Parang teacher lang kung magpaquiz itong si Puno.

“Ummm…. One, two, three… One, two, three… Tatlong ibon, plus yung ano… ummm… hehehe, Apat po! Apat lahat ng ibon dito sa isla. Final answer. Eye to eye, promise .  “Confident na sagot ni Teddy.

“Argh… ang galing mo a. Kainis naman!!! O eto na, pitasin mo na ang prutas ko. Pero dahan-dahan lang… Oh yeah.” At ibinigay na nga ni Puno ang kaisa-isa niyang bunga kay Teddy. Pagkatapos nito ay isa-isang nabunot ang mga ugat ni Puno at biglaan itong tumalon sa lawa dahil oras na pala para maligo ito.

“Salamat po, Puno. Sa uulitin!!!” Agad na tumalikod si Teddy at sumakay ulit sa likod ni Hipon na nagkape muna habang naghihintay. “To the batcave!!!”

scene 7

“Hoy teka lang, tapos ka na ba doon sa pakikipag-bargain kay Puno? Nasaan na yung prutas? Nasaan???” Pag-uusisa ni Hipon habang rumaragasa sa tubig sa paglangoy.

“Siyempre nilagay ko sa loob Hawk bag ko. Mahirap na baka may iba diyan na kunin ang prutas pag di ko i-sesecure. Este, baka mahulog pala kaya nilagay ko sa loob ng bag. Walang ibang dahilan, Hipon.” Biglang kinabahan si Teddy na di niya maintindihan kung bakit…

“Wow ah. Ano kala mo saken? Magnanakaw? Wala naman ako pakialam sa prutas na iyan. Gusto mo ilaglag kita dito? Judgemental ka rin eh no. Bibingo ka na sakin, bata ka.” Depensa ni Hipon sa kanyang sarili.

“K.” Mabilis na sagot ni Teddy.

Biglang lumubog sa tubig si Hipon at doon lumangoy nang halos sampung segundo bago umahon ulet para lang inisin si Teddy.

scene 8

Sa wakas at naiabot na ni Teddy ang mahiwagang prutas kay Blackie. Sobra-sobra ang pasasalamat nito kay Teddy. Ganon din ang pasasalamat ni Teddy dahil naka-experience siya ng napakasayang adventure. Bago kainin ang prutas ay binigkas muna ni Blackie ang mga katagang nakasulat sa papel na ibinigay sa kanya ni Doctor Kwak Kwak.

“Blackie, Blackie, hinog ka na ba? Oo, oo, hinog na ako!” Malakas na sigaw ni Blackie.

“Utang na loob naman! seryoso ba yan, Blackie?” Sigaw ni Teddy.

Drum rolls…. Curtains down… background music: “click here”

Unti-unting lumiit si Blackie…

Nagsimulang lumabas ang mga kapitbahay para suportahan ang pagbabagong anyo ni Blackie.

Ta-da!!!

scene 9

“Anak ng bangaw sa imburnal! Hindi gumana ang mahiwagang prutas… Huhuhu pasensya ka na, Blackie… lumala ang sumpa. Naging kabute ka na… Kasalanan ni Noynoy ‘to!!!”

Bigla na lang lumuhod si Teddy at hinampas nang paulit-ulit ang lupa. “Bakettttt…. Baketttt…. Bakett!!!! Sana ako na lang… “

“Maraming-maraming salamat talaga sa’yo, Teddy. Sobrang namiss ko ‘tong katawan ko. Sa susunod mag-iingat na ko, di na ko basta-basta magtitiwala. May araw rin sa’kin ang mangkukulam na nagsumpa saken. Pwede ko na rin simulang hanapin ang kapatid kong si Cactus. Teka, Teddy may sinasabi ka ba?” Nakangiti lang si Kabute habang tumatalon-talon sa pwesto. “Yehey!”

About jason

walang clue. nak ng

11 responses »

  1. sphereq ay nagsabing:

    base! 😄
    Namiss ko magbasa dito tapos may drawing pa.

  2. repah ay nagsabing:

    prameys… nakakaaliw basahin.. nakakatuwang mangokray si Teddy!

  3. John Paul (Pao) ay nagsabing:

    Hahaha hindi ko akalaing Blackie ang magiging name nya. haha! At dahil hindi ako KJ, sinabayan ko ng Finally Ariel yung transformation nya. LOL

  4. Kevin Spires ay nagsabing:

    Nakoo, taga Project 8 talaga? Haha. Dugtungan mo na! Andami kong tawa dito.

  5. mondenero ay nagsabing:

    base! abah! si teddy tumoturista ang peg!🙂

  6. underratedduck ay nagsabing:

    hahaha ang kulit. lugi ka ata ah may libreng advertisement yung mga brand na binaggit mo

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s