scene 1“Mga kaibigan, inyong natunghayan ang mahusay na si Lamok na bumabalanse sa beach ball habang nag-jujuggle ng mga cherry!!!” Palakpakan!!!”At para naman po sa ating main event… Kailangan ko ng isang volunteer mula sa audience.” Nakangiting sigaw ni Pasas Clown, na may ari ng peryahan sa bayan.

“Simple lang ang gagawin…  tatayo lang dito sa tabi ko at sasayawan ako with matching Sexbomb dancers’ music. Joke lang po. Aba eh… Sino kaya ang mapalad na nilalang???” Pagpapatuloy ni Pasas Clown habang tumitingin sa mga panauhin.

scene 2

Nagulat ang madla dahil walang katakot-takot na umeksena ang isang magandang dalaga…

Medyo nahihiya pa, pero napasigaw nang “Darna!!!” si Suka, dahil na-excite syang sumayaw ng spagetti pababa, spagetti pataas.

“I volunteer myself as a tribute!!!” Tibay at lakas ng loob ang baon ni Suka sa mga oras na iyon at dumeretso na siya sa entablado.

“Ang ganda mo naman miss. Taken ka na ba? Kasi kung hindi pa… Alam mo na… Bwahahaha!!! Anyway simulan na natin. Abra Kadabra!!!” Sabay tinakluban ng kumot si Suka.

 

scene 3

 

“Ala una, Alas Dos, Alas Tres!” Sigaw ni Pasas Clown… At biglang bumagsak ang kumot sa sahig. Nawala si Suka.

“Woahhhh” Sabay-sabay na nagsigawan ang mga manonood. Palakpakan at may halo pang sigawan. May mga sumisipol pa dahil marami ang nabilib kay Pasas Clown.

“Thank you, thank you… Pakibigay na lang po kay Lamok ang mga tip ninyo. Kung meron pong may singkamas, tumatanggap din po ako. “Nakangiting pahayag ni Pasas Clown.

“Nasaan na yung babaeng maganda???” Pagtataka ni Toyo, na isa sa mga manonood.

 

Samantala, sa himpapawid…

scene 4

“OMG! OMG! OMG!!! Paano ko napunta dito sa langit? Parang mahuhulog ata ang puso ko!!!” Pagtataka ni Suka at medyo pumapalag ito dahil sa hawak siya ng isang uwak.

“Huwag kang malikot. At saka kapag nahulog ba ang puso mo, may sasalo ba niyan???” Paalala ni Uwak.

“Grabe ka naman! Wala namang personalan!” Mabilis na sagot ni Suka.

Habang nagchichismisan ang dalawa sa himpapawid, ay may narinig silang sigawan mula sa ibaba.

scene 5

“Nasaan na si Miss Suka? Anong ginawa mo sa kanya? Kinidnap mo siya ano? Ibebenta mo lamanloob niya tapos ipangpapagawa sa tulay!!! Ilabas mo siya!!!” Sigaw ni Toyo habang lumalapit kay pasas.

Samantala ulit, sa himpapawid…

“Hala parang may gulo yata sa baba… Parang may away. Sige i-helicopter kick mo!!! Batukan mo sa noo!!! Galak na sigaw ni Suka sa kanyang nakikita.

Ilang segundo pa ay ibinaba na ni Uwak si Suka.

“Ayan! Ayan na syota mo! Di ko sya kinidnap. Magic nga diba. Masyado kang highblood! Anak ka ng nanay ng tatay ng lola mo!”  Galit na umalis si Pasas.

 

scene 6

YEHEY!!!! Palakpakan ang mga manonood sa disappearing act ni Suka.

“Ammm.. Hi Miss…” Nahihiyang bati ni Toyo.

“Hello…” Mabilis na sagot naman ni suka.

 

“Tara na, Suka! Diba mamangka pa tayo? Nandito ka lang pala sa peryahan.  Bigla na lamang sumulpot si Paminta mula sa talahiban at hinatak si Suka palayo sa peryahan..

Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Toyo sa kanyang nakita.

 

scene 7

May Paminta na pala si Suka. Ouch x100.

“Teka… may naiwang amoy si Suka. Ang asim… Ang bango… ” Kausap ni Toyo ang sarili habang lumalanghap na parang may chicken joy… na nakababad sa suka.

Woof! Woof! Parang aso na inamoy-amoy ni Toyo ang damuhan, at sinundan ang bakas ng amoy ni Suka. Pagkatapos gumapang nang 30minutes ay nakita na niya ang kanyang hinahanap. Sa may di kalayuan ay makikitang nakasakay sa malaking tasa sina Suka at Paminta… na parang senaryo sa Titanic.

 

scene 8

“A whole new world… ” Nakangiting nagduduet sina Suka at Paminta.

Naudlot sa pagkanta si Paminta dahil parang amoy bulok na isda. Nagktaka ang dalawa dahil ngayon lang sila nakaamoy ng ganoon sa may lawa.

“Teka tignan mo oh, yung isda lumilipad!!!” Sabay turo ni Suka sa nakita.

 

scene 9

“Alien ata yan! Amoy bulok talaga! Teka…” Kumuha ng straw si Paminta at sinumpit ang isda. Pero hindi ito tinatablan. Sinubukan niyang gawing target ang dalawang hayop na nakasabit dito… Pfftt!!! at isa pang Pffffttt!!! Lobo pala ang mga ito. Nahulog ang bulok na isda sa tubig, at nagulat sila ng makitang lumubog ang bulok na isda at umaahon naman sa tubig si Toyo.

“Bakit mo ko sinumpit???” Pagtataka ni Toyo.

“Malay ko ba. Sorry na, natakot kasi si Suka sayo.” Paliwanag ni Paminta.

Biglang sumingit sa usapan si Suka…

“Diba ikaw yung kanina, sa circus??? Di pala tayo nakapagpakilala nang maayos ano???” Medyo nahihiya at nakayuko si Suka.

“Ako nga pala si Toyo. Pakitulungan naman ako please, di po ako marunong lumangoy.” Sagot ni Toyo.

Tinulungan ni Paminta at isinikay na rin sa bangka si Toyo.

 

scene 10

“Toyo? Ang cute naman ng pangalan mo… Parang… parang ikaw, ang cute mo…  Haha.” Sabay tumalikod si Suka dahil medyo nahiya sa nasabi.

Si Paminta naman ang sumingit sa usapan ng dalawa…

“Ako nga pala si Paminta. Bestfriend ko si Suka, since birth. Ikaw, ba’t mo kami sinusundan, ha? Yung toyo mo napunta na sa utak mo.” Medyo nakasimangot si Paminta sa pag-uusisa.

“Bestfriend??? Akala ko magsyota kayo? Haha! Sorry talaga. Sinundan ko kayo kasi nga… I mean, sinundan kita… Suka… kasi na love at first sight yata ako sa’yo kanina sa perya. Akala ko nga may masamang nangyari sa’yo, kaya inaway ko ‘yung Pasas na clown…” Pagpapaliwanag ni Toyo.

“Ah ganoon ba? Teka naman, Toyo… Ang bilis-bilis mo naman… Tara bumalik na tayo… Saan ang way mo?? Hihi” Pakipot na tanong ni Suka kay Toyo.

“Ilalaglag ko kayong dalawa sa tubig. Ang haharot niyo.” Nakangiting pang-aasar ni Paminta.

 

 

 

 

scene 11

 

 

“And that’s how I met your father…” Pagtatapos sa kwento ni Suka sa kanyang labinlimang asin babies.

 

 

About jason

walang clue. nak ng

3 responses »

  1. Pao Kun ay nagsabing:

    Ow, kaya naman pala hindi maganda pakilasa ko sa clown. Pasas pala sya. Haha!

    Bestfriend zoned pala si paminta. Hashtag HurtHurt!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s