Dyaryo Bote

Isang araw, naisipan ni Tandang Aw-aw na dumadami na ang mga naipong kalat sa kanilang mansyon. Pero paano nya malilinis yun ng mag-isa lamang? Kailangan nya ang tulong ng napaka kyut nyang apo, si Tuta.

Book I – Mogumogu Legends : Maligno

Si Haring Goldfish ang namumuno sa kaharian ng Mogumogu.

Dahil sa hindi naman sya taga lupa, lagi syang may may istarbaks na itinitimpla ng kanyang kulisap na alalay.

Mapayapa ang buhay sa kanyang nasasakupan ngunit ang katahimikan ay nabasag sa isang ulat ni Mercury, ang mensaherong Langgam.

Aso’t Pusa

Ngayon medyo nakaipon na ko. Gusto ko sana mag-adopt ng pet. Pero di ko pa alam kung ano ang bibilhin ko. Syempre nasa unang listahan ko ang hamster. Pero di na pwede. Tapos na ang mapait kong karanasan sa mga hamster na yan.

Takot sa Woof Woof

May dalawang malalaking aso. Tinahulan ako. Tumakbo sila papunta sakin. Tumakbo din ako. Hinabol nila ako.