9’04’09 GEB

Pagsapit ng Ala-sais. Takbo ako sa bandiclock namin. Sabay Time-Out ng aking Time Card. Sa bilis kong lumabas sa opisina ay naiwan ko si USB na nakasuksok sa suksukan ng CPU ko.

Naisahan kami ni Butiki

Nauna nang magpost sa Get together na ito si Otep, tapos si Lovely, tapos ang Missing in Action na si Machong Butiki. Yung mga pics ad videos sa kanila na lang tignan. Pero may ibabahagi rin ako syempre